25 : Happy Campers

81K 4K 3.2K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


        "Yung tents, kumpleto ba?" tanong ko habang chine-check namin nina Lucho at Riley ang mga gamit sa likod ng van. "How about spare tires and emergency gas?" tanong ko pa at proud na ipinakita ni Lucho ang mga ito na nasa ilalim ng huling upuan.

        "Food?" tanong ko.

        "Dadaan tayo maaya sa supermarket. Doon narin natin hintayin si Warren. And would ya please calm the eff down? You're being a control freak again," sabi ni Riley na halatang naiinis na dahil sa ginagawa kong pagdo-double check. 

        "You can blame me--"

         "Braylee's here," Lucho announced kaya sabay-sabay kaming napalingon sa gate. Napangiti kaming lahat nang makita siyang tumatakbo patungo sa amin habang may dalang napakalaking backpack at tent. Her Mom is screaming at her to stop running pero patawa-tawa lang si Braylee hanggang sa yun na... nadapa na naman siya.

        Hagalpakan man kami sa katatawa, sama-sama parin kaming lumapit upang tulungan siyang makatayo. Buti nalang naka-simpleng pants at pull-over siya ngayon kaya hindi siya nagkagasgas sa tuhod gaya ng laging nangyayari sa  tuwing nadadapa siya. 

       Habang nilalagay namin ang mga gamit ni Braylee sa likod ng van. Tinawag ako ng mga magulang ni Braylee kaya agad ko silang nilapitan.

       "Piper, please watch over Braylee. Don't let her out of your sight." Bilin ng Mommy ni Braylee kaya tumango ako at nangakong babantayan ko siya. 

       "Okay ka lang ba diyan sa suot mo hija? Di ka ba lalamukin sa campsite?" tanong pa ni Tita kaya natawa nalang ako. Okay naman ako sa suot kong white oversized white shirt at maikling short. Mas komportable ako sa ganito. And besides di naman manyak ang mga kaibigan ko. "Teka kukunin ko yung mosquito repellent, gamitin mo yun." paalam pa ni Tita.

      "Is the campsite really safe?" tanong sa akin ni Tito.

      Tumango ako. "Lucho's been there a couple of times. For camping po talaga yung area, all we have to do is follow the trail po. Secured din  po ang camp dahil may mga forest rangers naman na laging nagpa-patrol."

      Mukhang napalagay naman ang mga magulang ni Braylee dahil sa sinabi ko. Kaso madami nga lang talaga silang ibinilin. Hindi lang para kay Braylee kundi para rin sa akin. It brings joy to my heart that her parents care about me too. I feel like i'm already part of their family.


***


       Matapos mabili ang lahat ng mga kailangan namin, tulungan kaming apat sa pag-aayos ng mga gamit sa likod ng van ni Lucho. Kinuha namin ang mga inumin at nilagay ang mga ito sa cooler nang manatiling malamig. Saktong patapos na kami sa pag-aayos ng mga gamit nang dumating ang isang pamilyar na sasakyan. Bumilis agad ang tibok ng puso ko nang mapagtantong sasakyan ito ni Apollo.

Attack of the F*ckboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon