16 : Trainwreck

66.3K 3.6K 1.5K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


         "I sure hope we gave your boss enough time to talk to his girl," sabi ko nalang sabay balik ng cellphone sa bulsa ko. 

        "I know him. He surely made the most of it," he said as if he was so sure kaya natawa nalang ako. Apollo is a really nice guy. We only met but I have a good feeling about him. 

        "Ganyan ba talaga ang boss mo? May pa-exra curricular activities?" biro ko.

         Umiling siya. "No. But everything changed when he met this girl."

         Bigla kong naalala si Braylee at Denver. Kung sana lang talaga hindi nakabuntis si Denver, wala sanang problema. Kaso mali eh. Tiyak masasaktan lang si Braylee.

        "You're spacing out again. You okay?" Apollo said, snapping me out of my reverie. The worried look on his face brings me happiness. It feels good to know that there's some stranger worried for you, not just your friends and family.

        "Yeah!" I faked a smile and nodded. "Nanliligaw pa ba siya o sila na?" pag-iiba ko nalang ng usapan.

       Apolo shrugged. "Ewan ko sa boss kong yun. Walang kwentang tao yon noon eh, lagi lang nakatambay sa bar, naglalasing, nambababae o nakikipag-away sa kung sino. Isang araw tumigil nang makihalubilo sa mga tao at aso nalang lagi ang kasama. Parang tuluyang nawalan ng gana sa buhay hanggang yun na.. nakilala niya yung babae," kwento ni Apollo habang nakatingin sa mga mata ko. Para siyang nangungumbinsi kaya tumango nalang ako. Iba din 'to kung mag-kwento.

      "I sure hope he treats her right," sabi ko nalang.

      "I've never seen him treat anyone this good other than his mom. She's literally his world now. Nakakatuwa ngang asar-asarin eh. Iba talaga epekto ni.." uminom bigla si Apollo ng soft drink niya. Nasamid ata.

     "You okay?" Ako naman ang nagtanong sa kanya at tumango naman agad siya.


       Pagkatapos kumain nagyaya na agad siya na ihahatid ako pauwi, siyempre di na ako tumanggi. Libre na nga tapos nakakatuwa siyang kasama, tipong tawa lang kami ng tawa. Simpleng bagay nagiging nakakatawa. Kaso pansin ko, parang may mga ayaw siyang pag-usapan. Bigla-bigla nalang siyang nag-iiba ng usapan at minsan ay ngumingiti lang at tumatango bilang sagot sa tanong ko gaya ng kung saan siya nag-aaral o anong pinagkakaabalahan niya sa buhay.

        "Pasensya ka na pala sa sasakyan ko, siguro di ka sanay kasi--"

        "Dude, what the hell?" Natawa nalang ako. "Your car is great! I don't even have a car. I can't even drive," sabi ko pa. Ito rin ang isa sa mga napapansin ko kay Apollo, para bang napakataas ng tingin sa akin. Minsan, nakakainis na. Anong akala niya sa akin? Maarteng prinsesa

        Kung ano-ano ang pinag-usapan namin hanggang sa napansin ko nalang na nasa gate na kami ng Filimon University. Narito ang dorm namin at hanggang dito lang dapat ang mga sasakyan.

Attack of the F*ckboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon