20 : Piper's Assignment

68.2K 3.8K 1.2K
                                        


PIPER

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PIPER


        Idinaan ko sa malakas na paghagulgol ang lahat ng sakit at sama ng loob na nararamdaman ko. Kanina ko pa 'to pilit na pinipigilan sa harapan ni Riley kaya ngayong nasa rooftop na ako at nag-iisa, hinayaan ko nang magpadala sa emosyon ko.

       I can't be weak right in front of them. I can't cry. I have to be strong for them.

      Napatitig ako sa mga kamay kong namamanhid at nanginginig. Nakakuyom ito habang may bahid pa ng dugo ni Lucho. Lalo akong napahagulgol nang maalala ko ang hitsura niya nang matagpuan namin siya sa kwarto niya. There was blood everywhere. It was like Perry's death all over again.

      Nabigla ako nang makita ko ang isang kamay na humawak sa mga kamay ko. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang walang kaemo-emosyong mukha ni Apollo. Pinupunasan niya ang kamay ko gamit ang isang panyo, inaalis niya ang dugo sa mga kamay ko.

      "Leave me alone please." Pumiyok ang boses ko at paulit-ulit akong napahikbi.

      Hindi siya kumibo. Pinagpatuloy niya lang ang pagpunas ng kamay ko. Hinigit niya ito at pilit binaklas ang kusang pagkuyom ng kamao kong nanginginig. My hands are numb, I can't control them.

      "Apollo." Hindi ko na napigilan pa ang paghagulgol sa mismong harapan niya. "I don't want anyone to see me like this. Please leave me alone," pagmamakaawa ko.

       "Then consider me blind," aniya habang pinupunasan ang braso kong may bahid din ng dugo ng lucho.

        "I'm not kidding around!" Namamaos kong sambit.

        "And i'm not kidding around too." Pagmamatigas niya. Huminto siya sa ginagawang pagpunas at nag-angat siya ng tingin at tiningnan ako sa mga mata. Umiwas ako ng tingin pero niyuko niya ang ulo para mahuli ang tingin ko. "Piper, listen to me. Even the strongest people break. Everyone has the right to be weak, to be cry, to break down. You can't be alone at a time like this. I won't let you."

        And just like that my sobs went on uncontrollably. I lost every bit of control I have and I ended up crying and gasping right in front of him.

       Inalalayan niya akong maupo sa sahig. Naupo siya sa harapan ko habang hawak ang dalawa kong namamanhid na mga kamay na kusang kumukuyom. Namumutla ang mga ito pero wala na ang bahid ng dugo.

       "Take a deep breath," marahan niyang paalala kaya huminga ako nang malalim at napatingala sa madilim na kalangitang walang kabituwi-bituwin sa langit. Bigla kong naalala sina Braylee at Riley. Iniwan ko sila habang nagbabantay kay Lucho. Sabi ko may bibilhin lang pero dito ako sa rooftop nagtungo.

        "I- I have to go back to them." Pilit akong tumayo pero hinigit ako ulit ni Apollo paupo.

        "Huminahon ka muna," aniya.

Attack of the F*ckboysMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon