22 : The truth

71.8K 3.6K 1.8K
                                        


PIPER

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PIPER


     Nanginginig ang mga kamay ko nang maibaba ko ang cellphone ko. I just received an international call from Braylee's dad telling me that her brother died. Hindi ako halos makapaniwala sa narinig. Wala akong kaalam-alam na may sakit ang kuya ni Braylee.

      "Pie?" tanong ni Riley kaya  para akong nabalik sa kasalukuyan.

      "I gotta go. Balik lang ako agad," paalam ko habang pilit na pinipigilan ang luha ko.

      "Anong problema?" I could tell from the tone of his voice that he's really worried.

      Napatingin ako kay Lucho na natutulog lamang sa kama niya, si Warren naman ay nakatulog narin sa sofa. Kung hindi dahil sa presensya ni Warren, siguro hindi kami pinayagan na sama-samang manatili sa silid nato para bantayan si Lucho.

     "Ri, ikaw na muna ang bahala sa kanila. Let's just talk when I get back," sabi ko na lamang at dali-daling umalis.

       Habang nasa loob ng elevator, paulit-ulit sa isipan ko ang pakiusap ng ama ni Braylee, na ako na ang magsabi kay Braylee sa nangyari sa kuya na. Hindi ako mapakali. Bumukas ang elevator at tuluyang pumatak ang luhang kanina ko pa pinipigilan nang bumungad sa harapan ko si Apollo. Akmang papasok siya nang mapansin ako.

        "What's wrong?" There was worry in his voice.

        Lumabas ako sa elevator at hindi siya tumuloy sa pagpasok. 

        Pinunasan ko ang luha ko at pilit na nagsalita. "What are you doing here? Tapos na ang visiting hours ah?" pag-iiba ko nalang ng usapan.  Hindi kami nahirapang manatili sa ospital kasi may koneksyon si Warren dito. 

        "P-pinapabantayan sa akin si Warren. Andiyan pa siya kasama niyo diba?" aniya kaya  napatango ako. 

        "He's on Lucho's room. Mauna na ako," paalam ko pero bigla niyang hinawakan ang braso ko dahilan para mapalingon ako sa kanya.

       "You can always tell me." Makahulugan niyang sambit at sa puntong iyon ay muli na namang pumatak ang mga luha ko. 

         "Braylee's brother died. Her Dad called and wants me to break the news to her personally so that I could be there as her shoulder to lean on. But how am I gonna comfort her when seeing her cry breaks my heart too? Warren's sick, Lucho shot himself, and now her brother's dead. She doesn't deserve this kind of pain. Awang-awa ako sa kanya. Hindi ko na alam anong gagawin ko." 

         "Then i'll help. I'll be with you every step of the way. Just tell me what's your plan."

          Bigla kong naalala ang nangyari noon.  I was ten years old when my Dad took me and my sisters out for an ice cream. His eyes were red and swollen but none of us took notice because we were too happy with our ice creams. We hardly got to eat ice cream growing up because our youngest sister wasn't allowed to because of some health reasons. So by that time, that ice cream felt like such a luxury. 

Attack of the F*ckboysMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon