(FHS#2) You better watch out, you better not cry, and you better not fall cuz the f*ckboys just waged a war against Filimon Height's one and only sorority.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Quiz time, Horse Poop."
Mula sa libro nilipat ko ang tingin sa screen at nakita si Apollo na may mapanghamong ngisi sa kanyang mukha. He's just sitting right in front of his study table, facing his screen while wearing Rosepike's Blue University sweatshirt and round spectacles that make him look more adorable than ever.
I could see open textbooks, notebooks, and photocopies sprawled on his table again. I always see it whenever we chat on video but his perseverance to achieve good grades never cease to amaze me. Well, everything he does would amaze me. He puts a hundred percent in everything that he does; just one of the myriad reasons why my heart goes crazy for him.
"10 minutes pa please? May 2 pages pa akong di nababasa!" Binalik ko ulit ang tingin ko sa libro at sinubukang magbasa pero hindi na naman ako makapag-focus kasi pakiramdam ko'y nakatingin na naman siya sa akin.
Ibinalik ko ang tingin sa screen ng laptop ko at tama nga ako. Nakatingin parin siya sa akin habang may ngiti sa mukha.
"Stop looking at me! Continue reviewing too!" Pataray kong sambit pero hindi ko napigilang ngumiti rin sa kanya.
Apollo laughed while shaking his head, a scenario that always drives my heart into sheer madness. My God! Seeing him smile and hearing his cute laugh will always be the death of me! Ganito nga talaga siguro kapag nagmamahal ka, lahat nalang ng ginagawa niya ay nakakapagpasaya sa sa'yo.
Apollo placed both of his elbows on the table right in front of him and looked down on the opened book below him and started reading again so I decided to continue my readings too. We do this all the time, especially when we have exams on the way. We are each other's support system.
Madalas inaasar kami ng mga kaibigan namin na panay landian lang daw kami ni Apollo. Yes, we flirt and talk about the future most of the time but bukod doon marami pa naman kaming pinag-uusapan. Nagre-review kami lagi nang magkasama, sabay din kami kung kumain minsan kapag hindi busy. Minsan naman nagchi-chismisan kami, sinasabi ko sa kanya ang mga bagay na napupuna ko lalo na tungkol sa lovelife ng mga kaibigan namin, madalas naman kinikwento niya sa akin ang mga pinaggagawa ng cream team noon.
Isang bagay nga lang ata ang hindi napag-uusapan namin at 'yon ay ang pamilya. I want to know about Apollo's family but he doesn't really talk about them. Gusto ko mang magtanong but ayokong mapunta ang usapan sa pamilya ko. I mean it would be unfair kung si Apollo lang ang magk-kwento tungkol sa pamilya niya kaya mas mabuting 'wag nalang talaga muna. I'm just not ready to talk about my family yet. Masakit parin eh.
Bigla kong naalala ang pagiging tutor ko kay Cohen. Sasabihin ko na sana ito kay Apollo nang bigla na lamang tumunog ang bell hudyat na kailangan ko nang umalis dito sa mini garden at pumunta sa susunod kong klase.