Epilogue

116K 4.8K 7.1K
                                        

My awesome Serialreaders, check out the facebook page called "Love Serialsleeper".  If you're from Davao City, watch out because the cute admins might be up to something hahaha! Big thanks to them for organizing a meet-up last october <3

Also, join our growing family by searching up "The Serialreaders" and don't forget to answer the security questions para ma-accept ka agad. All the cuties here always up to something as well hahaha! 

Thank you so much to all the super cute and awesome admins, rippers, game organizers, and readers! Grabe, you guys are the best! 

Alam ko paulit-ulit ako pero basta... FROM THE BOTTOM OF MY BATANG HAMOG HEART, THANK YOU SO MUCH EVERYONE<3


THE GAME CHANGER

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

THE GAME CHANGER


COHEN


        Mabilis kong nilagok ang bote ng alak dahil sa dami ng mga naglalaro sa isipan ko. Isa-isang bumabalik ang lahat ng mga alaala na para bang inuusig ako.

       "Isa pa nga!" Marahas kong ibinaba ang bote sa mesa at napatingin sa barmaid na abala sa pagpupunas ng mga baso. Nakaupo ako sa bar, kung pwede ko lang abutin mismo ang pagkarami-raming bote ng alak sa mga lalagyan, ginawa ko na.

       "Coming." Ngumiti ang barmaid at kumuha ng mga panibagong bote mula sa ref kaya napabuntong-hininga nalang ako at nanatili sa kinauupuan ko.

         Lumapit siya at nilapag ang dalawang panibagong maliit na bote sa harapan ko.

       "Drowning your sorrows out?" tanong niya at sabay hila ng upuan at naupo pa sa tapat ko. Pati ang basket na puno ng mga basang baso ay hinila niya rin at nagpatuloy siya sa pagpupunas sa mismong harapan ko.

        Hindi ako sumagot. Kinuha ko agad ang malamig na bote ng alak sa harapan ko at nilagok ito na para bang nakasalalay rito ang buhay ko. Kung tutuusin wala na... patapon naman na talaga ang buhay ko. Tangina simula sa umpisa, wala naman talaga akong patutunguhan.

        "If you could turn back time, what would you do?" biglang tanong ng barmaid.

        Napalunok ako at marahas na ibinagsak ang bote sa gitna sa harapan ko. "I'd tell my Dad to wear a fcking condom so I wouldn't be born into this damn world."

       "Oooh! I can feel the angst," her voice bounced as if she's faking an amazed reaction.

       "Tangina.." Natawa nalang ako at napailing-iling at muling lumagok ng alak. Hindi ko na alam kung pang-ilang bote ko na'to pero wala parin akong nararamdaman. Namanhid na ata pati ang katawan ko.

       "Montival Island isn't so big... I grew up here so I know a local when I see one.. and boy, you are not a local. What brings you in this island?" tanong niya muli.

Attack of the F*ckboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon