19 : Giving Up

69.9K 3.5K 1.2K
                                    


PIPER

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PIPER


        Mabilis ang naging pag doorbell namin sa gate ng bahay. Tiningnan ko ulit ang address na binigay ni Reika at mukhang narito na nga kami kung pagbabasehan ang block number na nakaukit sa maliit na mail box.

       Hindi nagtagal, bumukas ang gate at nagulat ako nang makita kung sino ito.

       "Apollo?" Napasinghap ako sa gulat at kalituhan nang si Apollo ang madatnan namin sa bahay kung saan dapat ay nakatira si Denver Hawthorn. Suot-suot pa ni Apollo ang uniform sa pinagta-trabahuang popcorn stall at mukhang kararating niya lang galing sa kanyang trabaho.

      "Sa loob nalang kayo maghintay kay Braylee. Alam na namin kung nasaang bus siya, nasabihan na namin ang kundoktora at susunduin na siya ni Denver," wika ni Apollo na hindi man lang magawang tumingin sa akin.

      "Bus? Saan siya pupunta?" hindi ko napigilang bumulalas.

       "Braylee has this habit of taking a bus ride in the middle of night," aniya kaya agad nakunot ang noo ko.

        "Wait, are we talking about the same Braylee?" sarcastic kong sambit. "My Braylee won't do such dangerous thing!" giit ko saka napatingin kay Lucho at Riley. Sumang-ayon sa akin si Riley pero si Lucho ay parang wala sa sarili, nakatulala at parang wala sa sarili.

        "Pasok muna kayo," wika muli ni Apollo.


***


        "Piper do you know about this?! Is Braylee and Denver dating?" Bulalas ni Riley habang nasa living room kami at nakaupo sa mahabang sofa. Hindi ko sinagot ang tanong ni Riley. Hindi ko magawang sabihin sa kanyang may relasyon nga sila at niloloko lang ni Denver si Braylee.

        Buo na ang pasya kong itago kay Braylee ang lahat. Kukumbinsihin ko siyang hiwalayan si Denver kahit kamuhian niya ako. Masasaktan lang siya kung malalaman niyang niloloko lang siya nito. I have to protect her. Someone has to.

        Naghintay kami nang naghintay hanggang sa may narinig kaming pumaradang motorsiklo mula sa labas. Nagsitayuan kami kasabay nang pagbukas ng pinto. At makaraan ang ilang sandali, sa unang pagkakataon, nakita mismo ng mga mata ko ang mga kamay nilang magkahawak.

        "G-guys?" nakita ko ang gulat sa mukha ni Braylee.

        Huminga ako nang malalim at kinuyom ang kamao ko. Even if it hurts, I have to say it.

         "H-how can you do this to Warren, Braylee?...Of all people, why does it have to be Denver Hawthorn?!"

          What happened next was a dreadful course of hurtful words and intervention. I've said some words that I shouldn't. We've all hurt Braylee with our words. But in my heart I never meant a single one of them. I was in pain knowing she's in pain because of us, because she believes Denver whose only goal is to break her heart.

Attack of the F*ckboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon