PROLOGUE

477 20 1
                                    

This is a work of fiction. Names, character, businesses, places events, and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person/s, living, dead or actual events are purely coincidental.

WARNING: This story contains typographical and grammatical errors. Kung naghahanap ka ng perpektong istorya, hindi ito para sayo.


Send me your thoughts! *wink*

Vote and Comments are highly recommended.

Peace! Lovelots :)))))

NOTE: Ang main POV ay kay Gaia.

-----

PROLOGUE

"Your in danger, Gaia..." he mumbled.

Here he goes again. Paulit-ulit na lang siya, nakakainis!.

"You dont know them, Troy." pagdidiin ko.

"You don't know them either."

Natigilan ako sa sinabi niya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mga salitang iyon. He's right, I don't really know them. Kung ano lang ang ipinapakita nila sakin, iyon lang ang alam ko.

"I just want to protect you, Gaia. Zach and his family will cause you harm," nagulat ako ng inabot niya ang kanang kamay ko't pinisil ito. "I'm here to protect you from those monsters."

He's really getting in to my nerves.

Marahas kong binawi ang kamay ko sa kaniya. Kung kakalabanin niya ang mga taong tinuturing ko ng pamilya, makakalaban na niya rin ako.

"I don't know what's up with you, Troy. Kahit paulit-ulit mo pa 'kong pagbantaan tungkol sa kanila, walang magbabago sa desisyon ko. You don't need to tell me what to do. So, please stop pestering me. And please don't ever call them 'monster' again."

Mabilis akong tumalikod sa kaniya pero bago pa man ako maka-hakbang, natigilan na ko ng mahagip ng paningin ko si Zach sa 'di kalayuan.

Tila napako ako sa kinatatayuan ko ng magtama ang aming mga mata.

Bakit ba sa tuwing nakikita ko siya may kakaiba akong nararamdaman?

Bakit pakiramdam ko'y laging may mga paruparo sa sikmura ko kada mararamdaman ko ang presensya niya.

Ilang saglit pa'y nakita ko ang pagtalikod niya sa'kin, dumiretso siya ng lakad nang hindi man lang ako nilalapitan.

Ano na namang problema?

Susundan ko na sana siya pero may kamay na pumigil saakin at nakita ko si Sarah na hawak ito.

Wala akong nagawa kundi sundan na lang siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa cafeteria ng school. Narinig ba niya ang pag-uusap namin ni Troy kaya siya nagkaga'non?

Sana naman makipag-usap siya sa'kin mamaya. Ayoko ng bumalik siya sa dati.

Tama na 'yung ilang araw niya 'kong iniwasan. Parang dinudurog ang puso ko kapag lumalayo siya sa'kin kaya hindi ko na hahayaang mangyari pa ulit 'yun.

Hindi na ngayon, kasi siguradong sigurado na 'ko sa nararamdaman ko.








Zachary Clein Zaveria, mahal na nga 'ata kita.

Adored by the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon