XII

125 12 0
                                    

CHAPTER TWELVE

ALAS OTSO ng gabi nang tawagan ako ni Jordale upang paalalahanan sa pupuntahan namin mamaya.

Nandito ako ngayon sa kwarto na abala sa pagpili ng susuotin ko.

Kumuha ako ng isang kulay asul na dress na hanggang tuhod at tinernuhan ito ng itim na flat shoes. Itinaas ko ang buhok ko't tinali iyon, nag-iwan lamang ako ng ilang hibla sa gilid.

Pinagmasdan ko ang repleksyon sa salamin, mabuti na lang talaga at mayroong salamin dito sa kwarto ko. Kahit sa mismong CR kasi wala kang makikita.

Nakalimutan ko nga palang itanong yun kay Zion, no? Nakakapagtaka lamang kasi.

Inilabas ko ang isang lip balm sa bag at idinampi iyon sa labi ko. Isang maliit na shoulder bag ang binitbit ko pababa. Mga importanteng gamit lang naman ang kailangan ko.

Sumulyap muna ako sa aking relo bago tumungo sa malaking pinto. Alas nuebe na ng gabi. Tahimik na rin ang paligid, malamang ay tulog na sila.

Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong saakin ng makalabas ako. Napaka dilim na rin ng paligid, salamat na lang sa buwan na nagsisilbing liwanag ko.

Sandali pa akong nanatili sa pwesto ko upang damhin ang malamig na hangin, napaka sarap nito sa pakiramdam. Ipinikit ko ang aking mga mata ngunit agad ko rin naman iyong idinilat ng may marinig akong ingay sa likuran.

Mabilis akong pumihit patalikod ng marinig ko ang pagbukas ng main door.

Nakita kong iniluwa noon sina Zaffel at Zach.

Naka-suot si Zaffel ng puting long sleeves samantala asul na T-shirt na pinapatungan ng itim na leather jacket ang kay Zach.

His signature jacket as usual.

Ngiting ngiti si Zaf habang papalapit sila sa kinaroroonan ko. Naka akbay pa ito kay Zach na halos kasing laki lang din niya.

"Hey, little thing! Pupunta ka rin pala sa festival?" bungad nito saakin.

Tumango ako sa kaniya bilang sagot.

Bumaling naman ako ng tingin kay Zach, mukhang masaya ang aura niya ngayon hindi katulad nu'ng emotionless-zachary na kilala ko.

I give him a smile when our eyes met and he smiled back. Shit.

Pakiramdam ko'y tumaas lahat ng dugo ko sa pisngi ng makita ang pag ngiti niya. His smile is so rare that makes my heart beats so fast.

"Akala ko hindi ka mahilig sa ganito, Zach." tanong ko ngunit si Zaffel ang sumagot saakin.

"Kung alam mo lang kung gaano kahirap yayain 'tong si Zach. Buti nga pumayag e." nakita ko pa itong mahinang tumawa habang nakatingin kay Zach, sinamaan naman siya ng tingin ng kapatid.

Natigilan kaming tatlo sa labas ng gate ng may marinig kaming pagbusina roon. Dahan dahan na bumaba ang bintana ng kotse at nakita ko si Jordale na nasa drivers seat. Mabilis siyang kumaway ng magtama ang mga mata namin.

"Mauna na 'ko ha? Nandiyan na 'yung mga kasama ko, bye!" paalam ko sa kanilang dalawa.

"See you around, little thing!" narinig ko ang sigaw ni Zaffel habang papalayo ako. Muli akong sumulyap sa kanila at nakita silang kumaway ng makita ako.

Palihim akong ngumiti.

Lakad-takbo ang ginawa ko para makarating sa kotse na nasa tapat ng gate. Nakakahiya kasi kung maging magaslaw ako, naka dress pa naman ako.

"Paano mo nalaman ang address ko?" tanong ko kay Jordale ng maka-upo ako sa tabi niya. Sumulyap ako sa likod at nakita si Sarah. Ngumiti siya ng magtama ang mata namin.

Adored by the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon