XXI

96 15 1
                                    

CHAPTER TWENTY ONE

LUMIPAS ang maghapon ng 'di kami nagkikibuan ni Zach. Kahit na makasalubong ko siya'y iniisip ko na lang na hindi kami close kaya wala akong karapatang kausapin siya.

Narito ako ngayon sa kwarto, kanina pa ko nakatulala sa kisame. Paminsan-minsan kong tinitignan ang kulay dilaw na kurtina na sumasabay sa ihip ng hangin sa bintana, mas gusto ko kasi ang sariwang hangin ngayon.

Lumalalim na ang gabi pero hindi ko pa rin maintindihan ang nararamdaman ko. Parang wala akong gana sa lahat.

Epekto kaya 'to ng pag-iwas ko sa kaniya? Pucha 'di ko alam.

Gumulong ako sa kama para dumapa. Sinubsob ko ang mukha ko sa dalawang malaking unan.

Nakakainis! Ba't ba ko gan'to?

Natigil ako sa pagiinarte ng may marinig akong ingay sa labas. Rinig ko ito dahil na rin siguro sa nakabukas na bintana. Hindi na sana ako tatayo dahil sa katamaran pero ng may marinig na naman akong tunog ng bakal ay bumangon na ako.

Dahan-dahan akong lumapit sa tapat ng bintana. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Paano na lang kung may magnanakaw?

Shit! Ayoko pang mamatay!

Humawak ako sa laylayan ng kurtina para pigilin ang paggalaw nito. Marahan ko itong hinawi para silipin kung sino o ano man 'yung naririnig kong ingay sa labas. Gumawa lamang ako ng maliit na siwang at tumanaw ako sa labas gamit ang aking kanang mata.

Kumunot ang noo ko ng may makita akong gumagalaw na pigura sa labas. Muli kong hinawi ang kurtina pero sa pagkakataong 'to nilakihan ko na ang siwang para makita ko ito ng maiigi.

Nanlaki ang mata ko ng may makita akong lalaking umaaligid sa labas ng bahay. Palakad-lakad siya sa malawak na damuhan ng mga Zaveria. Sigurado akong hindi siya isa sa tatlong magkakapatid.

Mabilis kong hinila pasara ang kurtina ng biglang lumingon sa pwesto ko ang lalaking 'yun. Halos atakihin ako sa puso sa sobrang bilis ng tibok ng dibdib ko.

Muntik na niya kong makita, putangina!

Taas baba ang balikat kong hinahabol ang hininga ko. Pakiramdam ko'y na trauma na ko sa mga creepy na lalaki dahil sa nangyari sa'kin sa gubat-like na lugar na 'yun last time.

Ilang minuto ko pang pinakalma ang sarili ko bago ako muling sumilip sa labas. Laking pasasalamat ko ng wala na akong makitang bakas ng lalaki kanina.

Nagmamadali kong isinara ang glass window at ni-lock ito. Hinawi ko rin ng maiigi ang kurtina para matakpan ang bintana't 'di ko matanaw ang labas. Binuksan ko muna ang air-con bago ako humiga sa kama, tinalukbong ko rin ang makapal na kumot sa katawan ko. Hanggang ngayon natatakot pa rin ako sa lalaking 'yun.

Ilang sandali na ang lumipas pero paulit-ulit pa rin na nagfa-flash back sa utak ko ang nangyari kanina.

Paano kung pumapatay siya ng tao? Paano kung may balak siyang masama sa'min?

Hindi talaga ako mapakali, kailangang malaman ni Zion 'to.


-----


"Zion, pwede ka bang maka-usap mamaya?" natigilan sa pagnguya si Zion dahil sa sinabi ko. Naging seryoso sandali ang ekspresyon niya pero agad din naman niya itong pinalitan ng isang matamis na ngiti.

Adored by the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon