CHAPTER TWENTY
KASALUKUYAN kaming narito sa cafeteria habang umo-order ng pagkain si Troy. Katabi ko si Sarah at Jordale dahil hindi sila pumayag na kaming dalawa lang ni Troy ang kumain ng magkasama.
"Nagugustuhan ko na si Silvian ngayon," ani Jordale habang nilalaro ang tinidor na hawak niya.
"Nilibre lang tayo, gusto mo na agad." pang-aasar naman ni Sarah. Kusang lumawak ang ngiti sa labi ko, nagsisimula na naman sila sa pagbabangayan.
"Gusto mo rin naman e!"
"Napilitan lang naman ako!"
"Baha—" hindi na nagawa pang sumagot ni Jordale ng dumating si Troy bitbit ang tray ng pagkain.
Mabilis na lumantak ang dalawa ng ibaba ni Troy ang hawak. Napakarami niyang binili, nakakahiya tuloy.
"Salamat pala dito, Troy." tipid akong ngumiti sa kaniya.
"It's no big deal. Pero mas magugustuhan ko sana kung wala tayong kakabit na halimaw sa pagkain." pumeke pa siya ng tawa habang pinagmamasdan ang dalawa. Nakita ko ang pagtalim ng tingin ni Jordale sa kaniya kaya agad niyang binawi ang sinabi. "Joke lang naman, sige na kumain lang kayo."
Hindi ko maiwasang hindi mapa-ngiti, kahit papaano'y nababawasan ang lungkot na nararamdaman ko mula pa kanina.
Sinimulan ko na ang pagkain ng tuna sandwich, may lemon juice din na nasa harap ko. Paminsan-minsan akong sumusulyap sa mga katabi ko tsaka na rin kay Troy, nakakatawa silang tignan.
"Silvian, tapatin mo nga kami. May gusto ka ba kay Gaia?" halos mabulunan ako dahil sa tanong ni Jordale. Pinandilatan ko siya ng mata ng lumingon siya sa'kin.
Ano bang tumatakbo sa utak nitong babaeng 'to?!
"Bakit? Para naman makasigurado kami!" muli pa siyang bumanat. Napa-iling na lang ako ng wala sa oras.
"Darating din tayo diyan, hindi ko pa masabi sa ngayon." gusto ko biglang lamunin ng tiles dahil sa mga naririnig ko.
Sasagot na sana ako ng biglang may sumigaw ng pangalan ni Troy. Sabay-sabay kaming lumingon sa pinanggalingan ng boses na 'yun at nakitang nasa bungad ng entrance si Claire kasunod ang mga alipores niya.
Pamartsa itong lumapit sa kinaroroonan namin. Base sa itsura niya, mukhang inis na inis siya.
"What's the meaning of this, Troy?" halos mapuno ng sigaw ni Claire ang buong cafeteria. "Anong ginagawa mo dito kasama ang mga babaeng 'to? Tell me!" Ako ang nahihiya para sa kaniya, pinagtitinginan na kami rito.
"Calm down, Claire." tumayo na si Troy para patahimikin siya pero hindi pa rin siya nagpapatinag.
"Calm your face! You left me in the gym because that girl?!" kumunot ang noo ko ng bigla niya akong ituro. "What did you do to him, huh?!"
Halos lumuwa ang mata ko ng ako naman ang pagbalingan niya ng galit.
"Teka nga lang muna, Claire!" lumingon ako kay Jordale na ngayon ay nakatayo na rin. "H'wag mong maduro-duro 'tong kaibigan namin ha! Tsaka ba't ba si Gaia ang sinisisi mo? 'Yang si Troy ang nagyaya sa kaniya para kumain dito! Assumera ka kasi hindi ka naman gusto!"
BINABASA MO ANG
Adored by the Night
Romansa(FORMER: DESTINED WITH A MAFIA HEIR) Si Gaia Villaverde ay isang simpleng babae na may simpleng pamumuhay. Ngunit nang mamatay ang kaniyang mga magulang, wala siyang nagawa kundi tumayo sa sariling mga paa. Hanggang sa makapag-trabaho siya sa pamily...