V

156 18 0
                                    

CHAPTER FIVE

ILANG oras na akong nakahiga sa kama pero hindi pa rin ako makatulog.

Tumingin ako sa wallclock at nakitang ala una na ng madaling araw.

Hindi ako mapakali dahil tatlong araw na lang bago magsimula ang klase.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. May halong excitement dahil "new school, new faces" pero at the same time nakakakaba rin kasi baka 'di ako makasabay sa mga estudyante doon.

Ilang minuto pa akong nagpagulong-gulong sa kama ng marinig ko na naman ang pagtugtog ni Zach sa kabilang kwarto.

Isang maliit na kurba ang gumuhit sa aking labi.

Naupo ako sa kama ko't sumandal sa pader na humaharang sa'ming dalawa. Ipinikit ko ang aking mga mata't tahimik na pinakinggan ang musikang tinutugtog niya.

Agad kong napansin na hindi na katulad ng dati ang himig ng musika. Dahil ngayon, wala na akong nadaramang lungkot mula rito.

This feels like a lullaby to me.

Ilang saglit pa, hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.


-----


ALAS TRES ng madaling araw nang magising ako.

Naalimpungatan ako ng makaramdam ako ng pamamanhid sa aking pwetan.

Nakatulog pala ako ng naka-upo.

Himas-himas ko ang likuran habang papalabas ako ng kwarto. Nakaramdam kasi ako ng panunuyo ng lalamunan kaya kukuha muna ako ng maiinom sa baba.

Tumambad saakin ang tahimik na pasilyo. Napakadilim din ng paligid at tanging liwanag na lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw ko palabas.

Ayoko rin kasing buksan pa ang ilaw at masisilaw lang ako sa malakas na liwanag.

Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan. Naging maingat ako sa paghakbang dahil mataas taas din ang babagsakan ko kung magkataon.

Nang makarating ako sa baba ay agad akong dumiretso sa kusina. Tinungo ko ang malaking ref at kumuha ng pitsel tsaka ako nagsalin ng tubig sa baso.

Mabilis kong naubos ang tubig at agad napawi ang pagka-uhaw ko. Ibabalik ko na sana ang pitsel pabalik ng bumukas bigla ang ilaw.

Muntik ko ng mabitawan ang hawak ko dahil sa gulat. Sino naman kaya ang nagbukas ng ilaw dito?!

Mabilis akong lumingon sa kinaroroonan ng switch ng ilaw pero wala akong nakitang tao roon.

Agad na tumayo ang balahibo ko sa katawan. What the fuck did just happened?

Mabilis kong binalik ang pitsel sa ref at nagmamadali akong lumabas ng kusina.

Ayoko sa multo!

Patakbo na akong lumabas pero pagliko ko'y may matigas na bagay akong nabangga...I'm really not sure kung ano yun dahil napakadilim pa rin ng paligid. But damn! This really creeps me out.

"Ayoko sa multo...ayoko sa multo." paulit-ulit kong binubulong.

Muli na sana akong hahakbang pabalik sa taas ng maramdaman kong may humigit sa braso ko.

Impit akong napatili dahil dito.

"Hey, I'm just messing with you."

Narinig ko ang boses ni Zach malapit sa tenga ko.

Kinilabutan ako ng maramdaman ko ang hininga niya sa balat ko. Ilang sadali pa'y pinakawalan na niya ang braso ko.

Wala na akong pake kung amo ko siya pero, shit! Papatayin niya ako sa takot!

"Bakit mo ginawa yun, ha? Papatayin mo 'ko sa takot!" Hindi ko siya malinaw na nakikita dahil sa dilim ng paligid. 'Di ko na tuloy napigilan ang pagtaas ng boses ko dahil sa inis.

"I'm sorry ok? It's just that, I thought it would be fun."

Fun fun-in mo mukha mo!

"Hindi magandang biro yun!" Padabog akong tumalikod sa kaniya at mabilis akong naglakad pataas.

Ewan ko ba pero naiinis talaga ako. Ayoko sa lahat yung tatakutin ako ng ganun.

Hawak ko na ang door knob ng kwarto ko ng higitin na naman niya ang braso ko.

Ni hindi ko siya naramdaman na tumaas.

"Hey, I'm sorry..." bulong niya.

Sa totoo lang gusto ko na pinapansin niya ako pero nangingibabaw pa rin talaga yung inis ko sa kaniya.

"Psh ewan ko sayo." muli akong humarap sa kwarto ko't pinihit ang seradura ng pinto.

Nagulat ako ng biglang hawakan ni Zach ang kamay kong nasa door knob.

Hindi ko naiwasang lumingon sa kaniya. Tila nabigla rin siya sa ginawa kaya mabilis niyang binawi ang kaniyang kamay.

All of a sudden, naramdaman ko siyang lumayo saakin at dumiretso sa kwarto niya, leaving me without saying anything.

What's wrong with that guy?

Nadagdagan pa tuloy ang pagka-inis ko sa kaniya. Para siyang tanga! Nakakainis! Gulong gulo na 'ko!

Kung pwede ko lang ibalibag ang pintuan para marinig niya ang inis ko'y ginawa ko na.

Hindi ko siya maintindihan. His mood changes in a blink of an eye. I just don't get it...what the hell is wrong with him?

Binagsak ko ang katawan sa malambot na kama. Paulit-ulit pa rin na sumasagi sa isip ko ang nangyari kanina at paulit-ulit pa rin akong naiinis sa kaniya.

I hate this!

Sinubsob ko ang mukha sa unan at pinilit ko ng makatulog agad.

Ang alalahanin ko muna ngayon ay ang nalalapit na pasukan. Kailangan ko ng maghanda ng gagamitin ko.


Pinagdasal ko na lamang na maging maayos sana ang bukas ko at pinagdasal ko na rin ang ugali ni Zach.

Adored by the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon