CHAPTER ONE
ISANG malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko nang mahagip ng aking paningin ang pangalan ng Craydon Ville mula sa labas ng bintana ng bus na sinasakyan ko.
Dala ang mga bagahe, marahan akong bumaba ng sumapit kami sa bus stop.
Malakas na simoy ng hangin ang sumalubong saakin, niyakap ko ang sarili dahil sa naramdaman. Ilang sandali lamang, napansin ko na ang puting taxi na maghahatid saakin papunta sa Zaveria Residence.
Habang papalapit ang sasakyan lalo akong kinakabahan. I don't know what to expect, eto ang unang pamilyang pagtatrabahuhan ko.
Tumigil sa harapan ko ang taxi at bumukas ang bintana nito. Nakita ko sa loob ang may edad na lalaki dala ang matamis nitong ngiti.
"Kayo po ba si Gaia Villaverde?" nakangiting turan ng matanda. Agad akong tumango sa kaniya bilang sagot.
Mabilis siyang lumabas ng taxi at agad niya 'kong tinulungan sa mga bagahe ko. Matapos 'yon ay pumasok na ako sa loob at umupo sa passenger's seat.
Pinaandar na niya ang sasakyan at diretso naming binaybay ang village. Tanaw ko sa bintana ang magagarang bahay na nadaraanan namin. May malaking playground din akong nakita. May mga ilang bata pa na naglalaro rito.
"Sa pamilya Zaveria po ba talaga kayo papunta, Ma'am?" napalingon ako sa matanda nang bigla siyang magsalita. Pasulyap-sulyap siya sa rearview mirror upang makita ako.
"Opo, bakit niyo po naitanong?" ilang sandali muna ang lumipas bago siya sumagot. Nagdala naman ito ng pagtataka saakin
"A-ah wala naman, may mga usap-usapan lang kasi tungkol sa pamilya nila."
"Tungkol po saan?" takhang tanong ko.
"Ma'am, nandito na po tayo." naramdaman ko ang pagtigil ng sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay.
Napansin ko agad ang pagiging aligaga ng matanda na animo'y gustong gusto nang makaalis sa kinatatayuan namin.
Ano ba'ng problema?
Madali akong lumabas ng sasakyan dahil dito. Tinulungan naman ako ni tatay na ibaba ang mga gamit ko. "Maraming salamat po." nag-iwan ako ng isang matamis na ngiti sa kaniya.
"Mag-iingat ka, ineng." pagkatapos nun ay bumalik na siya sa kaniyang sasakyan at agad na itong pinaandar.
Huminga ako nang malalim bago ako magpatuloy sa paglalakad, "Kaya mo to, Gaia!"
Bitbit ang mga bagahe, marahan kong binaybay ang malawak na hardin ng mga Zaveria. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kanilang tahanan mula sa pwesto ko. Kakaiba ang disenyo nito kumpara sa mga bahay na nadaanan namin. Luma na ito kung titignan at mapagkakamalan sigurong walang nakatira rito.
Kakatok na sana ako sa pinto ng bahay nang bigla itong bumukas. Pakiramdam ko'y aatakihin ako sa puso dahil dito. Multo kaya ang usap-usapan sa pamilya nila? Geez, Gaia. Ang weird mo mag-isip!
"What can I do for you, little thing?" bigla akong natigilan nang may magsalita.
"A-ah Z-zaveria Residence?" utal-utal kong tanong.
Doon ko na lamang napagmasdan ang lalaki sa harap ko.
Kulay abo ang kaniyang buhok, maputi ang balat niya't may katangkaran din siya. Bilugan ang kaniyang mata. Matangos din ang kaniyang ilong at maliit ang kaniyang labi. Aaminin ko, gwapo siya pero may kakaiba akong nararamdaman sa kaniya.
Manyak.
Mula kasi ng makita ko siya hindi na niya inaalis ang ngisi sa kaniyang labi.
"Who's there, Zaffel?" muli akong nakarinig ng lalaki sa loob, hindi nagtagal ay dumungaw din ito sa pinto at pinagmasdan ako.
BINABASA MO ANG
Adored by the Night
Romantizm(FORMER: DESTINED WITH A MAFIA HEIR) Si Gaia Villaverde ay isang simpleng babae na may simpleng pamumuhay. Ngunit nang mamatay ang kaniyang mga magulang, wala siyang nagawa kundi tumayo sa sariling mga paa. Hanggang sa makapag-trabaho siya sa pamily...