CHAPTER TEN
ISANG malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko ng 'di ko mahanap kung saan naroon sila Jordale. Sumandal muna ako sa pader na malapit saakin dahil medyo napagod din ako kakalakad.
Saan kaya sila nagpunta?
Kinuha ko ang aking cellphone mula sa aking bulsa at nilaro saglit ang candy crush.
"Isang jelly na lang e!" mahina akong napapadyak ng matalo ako sa laro.
Sinilid ko na lang sa bulsa ang phone ko't sinukbit ng maigi ang bag ko.
Umuwi na lang kaya ako? Baka 'di ko na sila makita...sana lang talaga maalala ko kung paano umuwi.
Hahakbang na sana ako ng makita kong papalapit saakin yung kaninang basketball player na nakita ko sa gym, Troy nga ba 'yun?
'Di ko maiwasang mapangiwi ng makita ko ang ngisi sa kaniyang labi. Problema nito?
Lalampasan ko na sana siya ng higitin niya bigla ang braso ko.
"Woah teka lang, miss!" mabilis niya akong hinarap sa kaniya. Hindi pa rin inaalis nito ang ngisi sa kaniyang labi.
"Bakit? Anong kailangan mo?"
Hinila ko pabalik ang braso ko. Nakaramdam ako ng kirot dito dahil medyo humigpit ang pagkakahawak niya.
"I don't know your name yet," aaminin ko na magandang lalaki siya pero hindi ko type ang aura niya. Nakakakilabot ang ngisi niya, mas mukhang mayabang pa siya kay Zaf.
"I don't talk to strangers."
Pumihit ako patalikod pero muli na naman niya akong hinila paharap sa kaniya.
"Not so fast, miss! Gusto ko lang naman malaman ang pangalan mo, that's it." feeling annoyed, I rolled my eyes at him.
"Gaia," tipid kong sagot. "You done now?"
"Gaia huh? Maganda naman pala pangalan mo, ayaw mo pang magpakilala."
Kailan ba matatapos ang usap nitong lalaking 'to?
"Gaia," sandali akong natigilan ng may marinig akong pamilyar na boses sa likuran ko.
It's him...
Mabilis akong lumingon sa kaniya, nakita ko siyang papalapit saakin.
"Zach..." mahina kong sambit sa pangalan niya.
My heart skipped a beat when I feel his arms around me.
"Tara na, uuwi na tayo."
Patago akong ngumiti ng marinig ang boses niya. Ano bang nangyayari sa'kin?
"Tayo? You live in the same roof?" natigilan ako ng ma-realize ko na nandito pa rin pala si Troy...na hawak pa rin ang braso ko.
"Let go of her." nakita kong nagbago bigla ang tono ng boses ni Zach.
"Not unless you answer me. Alam ba niya kung anong klaseng tao kayo?" nagtaka ako sa sinabi niya. Anong klaseng tao? Magka-away ba sila ni Zach?
Nagulat ako ng hawakan ni Zach ang kamay ni Troy na nasa braso ko. Pilit niyang tinanggal ang pagkakahawak nito sa'kin. Sa lakas ni Zach, hindi nagtagal ay binitawan na niya ako. Nakaramdam ako ng hapdi sa braso ko kaya saglit ko itong hinawakan.
"Troy!" tumingin ako sa likuran ni Troy ng may makita akong babaeng papalapit saamin. Isa siya sa mga babae kanina sa bleachers. Base sa pagkaalala ko, siya 'yung Claire na tinutukoy ni Jordale kanina.
"Kanina pa kita hinahana—" natigilan siya ng makita kami. Bigla naman niya akong tinaasan ng kilay at tinignan ako ng masama. "What are you doing here with that girl?" mataray na tanong nito kay Troy.
BINABASA MO ANG
Adored by the Night
Romance(FORMER: DESTINED WITH A MAFIA HEIR) Si Gaia Villaverde ay isang simpleng babae na may simpleng pamumuhay. Ngunit nang mamatay ang kaniyang mga magulang, wala siyang nagawa kundi tumayo sa sariling mga paa. Hanggang sa makapag-trabaho siya sa pamily...