VIII

136 20 0
                                    

CHAPTER EIGHT

"Class Dismissed."

Nag-unahan sa paglabas ang ilan sa mga kaklase ko ng matapos ang oras ni Sir. Samantala, ang mga babae sa unahan ay nanatili sa kanilang upuan habang pinagmamasdan si Sir na abala sa pagliligpit ng gamit nito.

Napa-iling na lang ako dahil dito.

Akma na 'kong tatayo ng mahagip ng paningin ko si Zach na pababa.

"Z-zach, s-sandali..."

Hindi ko maipaliwanag pero bigla na lang lumabas ang salitang iyon sa bibig ko.

Tumigil siya sa paghakbang ng marinig ang pagtawag ko. Lumingon siya saakin. Hindi ko na naman maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Ang lakas ng tibok ng puso ko...

"What?" walang gana niyang tanong.

Bakit ganito na naman siya? Bakit parang hindi na naman niya 'ko kilala?

"A-ah w-wala naman. Gusto ko lang m-malaman kung okay ka,"

Sumikip ang dibdib ko ng bigla siyang tumalikod saakin at dire-diretsong naglakad palabas.

Bakit ba nasasaktan ako kapag binabalewala niya 'ko?

Napaitlag ako ng may maramdaman akong kamay sa balikat ko. Mabilis akong lumingon upang tignan kung sino iyon.

"Hey! It's you!"

Isang babaeng abot tenga ang ngiti ang nasilayan ko. Nakakahawa ang ngiti niya kaya ngumiti na rin ako sa kaniya pabalik.

"Pasensya na nga pala kanina ha, nagmamadali kasi ako e. Akala ko kasi male-late na 'ko."

Doon ko na lamang napagtanto na siya yung babaeng bumunggo saakin kanina. Nakakatuwa at kaklase ko pala siya.

"Ayos lang 'yun, hindi mo naman sinasadya e." lalong lumapad ang ngiti niya ng marinig ang sinabi ko. Umakbay siya saakin at pinaglapit ang ulo namin.

"Are we friends now?" sandali siyang humiwalay saakin at hinintay ang sagot ko.

"Of course," I answered.

She wiggle herself na parang bulateng inasinan. Natawa na lang ako dahil sa kilos niya.

"By the way, I'm Daphne Jordale Dela Rosa but you can call me Jordale for short," inilahad niya ang kaniyang kamay at agad ko namang inabot ito.

"Gaia Villaverde," pakilala ko.

Naka-ngiti ko siyang pinagmasdan habang nagtatatalon siya sa tuwa.

Ang saya isipin na may kaibigan na agad ako dito.


-----


"Sarah! 'Bat ba kasi nakasimangot ka diyan!" Pagmamaktol ni Jordale habang niyuyugyog ang nakapangalumbabang si Sarah.

"Wala nga kasi! Ang kulit mo talaga!" Sagot naman ni Sarah dito. Hindi ko alam kung matatawa ba 'ko o maawa sa kanilang dalawa.

Adored by the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon