CHAPTER SEVENTEEN
"Ano na ngang gagawin ko?"
"Hintayin mong umulan mamaya," natigilan ako sa suhestiyon ni Jordale. Naningkit pa ang mata kong nakatitig sa kaniya.
"Bakit? Anong meron sa ulan?" takang tanong ko bago ako kumagat sa fries na hawak ko.
"Kasi kapag umulan, pwede kang maglakad palabas ng campus ng walang payong tapos baka payungan ka niya bigla! At du'n na magsisimula ang love story niyong dalawa!" salubong ang kilay kong tinitigan siya habang pumapalakpak pa sa ere ang gaga.
Malakas siyang binatukan ni Sarah na nagpatawa sa'kin.
"Napaka mo talaga, Daphne!" mabilis na gumanti ng matalim na tingin si Jordale dito.
"Jordale, okay? Ang panget ng Daphne! Tsaka anong masama sa suggestion ko? Malay mo, mag dilang-anghel ako! Masyado ka kasing bitter!"
Hindi na sumagot si Sarah bagkus ay tinignan lamang si Jordale ng masama.
"E bakit hindi ka gumawa ng peace offering, ganun? Gaya nga ng sinabi mo, baka may kasalanan kang nagawa na 'di mo napansin kaya umiiwas na naman siya." nakuha ni Sarah ang atensyon ko dahil sa sinabi niya.
Peace offering? Uso ba kay Zach 'yun?
"Pa'no kung 'di niya tanggapin?" tanong ko.
"Paano kung tanggapin niya?" sagot niya na nagpatahimik sa'kin. "Hindi mo malalaman ang sagot kung 'di mo susubukan!"
Tumango-tango na lang ako dahil sa sinabi niya. Ano naman kaya ang peace offering na ibibigay ko?!
"Kung ako sa'yo, Gaia. Sundin mo 'yung sinabi ko." mahina akong napatawa ng marinig na naman ang suggestion ni Jordale.
"Tigil-tigilan mo 'yang panonood mo ng KDrama, kung ano anong sinasabi mo." kontra na naman ni Sarah dito.
Hindi na natigil ang pagbabangayan nila samatala ako, iniisip pa rin ang gagawin kong peace offering kay Zach.
Paano naman ako makakabili ng ibibigay kay Zach kung 'di ako makalakad ng maayos?!
Pare-pareho kaming natigilan ng mag ring ang bell, senyales na tapos na ang lunch break at kailangan na naming bumalik sa room. Pasakit na naman 'to sa'kin sa pag-akyat hanggang second floor.
Inalalayaan nila ako hanggang sa makarating kami sa room, sumulyap ako sa itaas para makita si Zach pero wala siya sa upuan niya.
Nasa'n kaya siya?
Mabilis kaming nakarating sa kani-kaniyang pwesto. Kanina pa 'ko nakatulala sa pinto dahil nagbabakasakali akong iluwa nu'n si Zach. Bumalik lamang ako sa ulirat ng makita si Ma'am Leslie na pumasok sa loob. Walang gana akong sumandal sa upuan.
Nagka-cutting class ba 'yung lalaking 'yun?
"Listen up, students!" saway ni Ma'am sa mga kaklase kong maligalig sa unahan. Inayos pa niya ang salamin niya bago muling magsalita.
"We will be having a College Convention this Friday, at para sa mga bagong estudyante na hindi pa alam kung ano ang mangyayari sa gaganaping convention, you may visit the bulletin board. Every details and informations are posted there."
Tuesday ngayon, so 3 days from now.
Lumingon ako sa katabi kong si Jordale na abala sa pagkalikot sa ballpen niya.
"Jordale, anong ginagawa sa College Convention?" mahina kong bulong sa kaniya.
"Base last year, parang 'college day' ganun, 'yung buong isang araw dedicated sa'tin, pwede nating gawin lahat. Sports, band, sayaw. Mga ganu'ng klase," tumango-tango ako sa kaniya. "Plus, maraming magtitinda ng mga pagkain sa buong campus! Kaya inaabangan ko talaga 'to e!"
BINABASA MO ANG
Adored by the Night
Romance(FORMER: DESTINED WITH A MAFIA HEIR) Si Gaia Villaverde ay isang simpleng babae na may simpleng pamumuhay. Ngunit nang mamatay ang kaniyang mga magulang, wala siyang nagawa kundi tumayo sa sariling mga paa. Hanggang sa makapag-trabaho siya sa pamily...