XXII

115 12 1
                                    

CHAPTER TWENTY TWO

NARITO ako ngayon sa CR ng Building C. Pinauna ko na si Jordale sa room matapos naming lumabas ng library. Pagkatapos kong umihi ay lumabas na ko sa cubicle para maghugas ng kamay.

Hindi pa rin maialis ang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan ko ang repleksyon ko sa salamin. Hanggang ngayon ay 'di ko pa rin makalimutan ang nakasulat sa unahan ng notebook na binigay sa'kin ni Zach.

"Sorry na, stop ignoring me."

Para akong tangang kinikilig dito. Tandang-tanda ko pa kung ano'ng itsura ng handwriting niya.

Pinagpag ko ang kamay kong basa ng tubig. Kumuha ako ng tissue sa gilid at do'n ako nagpunas. Muli akong humarap sa salamin para ayusin ang itsura ko. Sinuklay ko ng daliri ang buhok ko't inayos ang clip na nakakabit sa magkabilang side nito.

Naka-ngiti kong tinungo ang pinto pero bago ko pa man hawakan ang doorknob ay kusa na itong bumukas.

Sumalubong sa'kin si Claire kasama ang tatlo niyang mga alipores. Suot pa rin nila ang kanilang mga uniform na hapit na hapit. Kumpara kay Claire, ang mga kasama lang niya ang may mga make-up sa mukha. Dahil kahit na masama ang ugali ni niya'y hindi ko naman maikakaila na maganda talaga siyang babae.

Nagkibit-balikat na lang ako ng makalampas ako sa kanila. Gustong-gusto ko na kasi talagang makabalik sa room.

"Hold on, girl." narinig ko ang boses ni Claire sa likuran ko. Nabigla naman ako ng bigla akong hilahin paharap ng isa sa mga alipores niya. "I think I know you."

Itinulak niya ako papunta sa pwesto ni Claire. Lumakad naman ito palapit sa'kin.

"Ano ba'ng kailangan n'yo sa'kin?" lakas loob kong tanong sa kaniya.

Pumeke siya ng tawa habang palingon-lingon sa mga kasama niya. Nakita ko pa ang pagsalikop ng niya ng magkabilang braso bago humarap sa'kin. Bahagya pa 'kong tumingala dahil mas matangkad siya, hindi naman ako natakot makipag eye-to-eye contact sa kaniya.

"You're the girl who's flirting with Troy, right? Nakalimutan mo na ba?" humakbang pa siya ng isa dahilan para magkalapit kami ng tuluyan. Pumalibot din sa kaniya ang mga kasama niya.

"First of all, hindi ako kagaya mo na marunong lumandi ng mga lalaki," kusang gumuhit ang ngiti sa labi ko ng biglang magbago ang ekspersyon ng mukha niya.

Masarap din palang mang-asar paminsan-minsan.

"How dare yo—"

"Pangalawa, kasalanan ko ba na kusang lumalapit sa'kin si Troy?"

Marahas nitong tinangal ang pagkaka-krus ng mga braso niya't niyukom ang mga kamao niya. Alam ko na anytime sasabog na siya, I can feel it.

"And lastly, don't blame anyone for your own insecurities."

Mabilis akong pumihit patalikod tsaka ko binalibag ang pinto ng CR. Halos mapangiti ako ng maalala ko ang gulat na gulat niyang itsura dahil sa inasal ko. Kung napahiya niya ako sa cafeteria last time, hindi na 'ko makakapayag na mangyayari ulit 'yun.

Ang sarap lang kasi sa feeling na nagawa kong maipagtanggol ang sarili ko. Ayoko ng ma-bully pa ulit. Eighteen na 'ko, I'm a grown up now. Siguro naman hindi masamang lumaban na 'ko ngayon.

Adored by the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon