XXXIV

93 5 1
                                    

CHAPTER THIRTY FOUR

Third Person's Point of View

"Hanggang kailan mo 'ko paghihintayin?" bakas sa boses ng isang matandang lalaki ang pagka-dismaya. "I have given you enough time to search for them. To search for my kids."

"I-I'm really s-sorry, master. G-ginagawa ko po ang lahat," naka-luhod ang isang binatang lalaki sa matanda. Nakayuko ito na animo'y takot na takot sa kaharap niya. "M-may lead na po kami sa kinaroroonan nila. M-makukuha n'yo na po u-lit sila, master."

Humawak sa wine glass ang matanda at pinaikot ito sa kaniyang kamay.

"I will give you three days. Three more days. Kapag hindi n'yo pa rin naiharap sa'kin ang mga anak ko," inilahad nito ang kaniyang kaliwang kamay sa gilid at kusang ibinigay ng kaniyang alagad ang baril nito. "Pasasabugin ko ang ulo mo."

"Y-yes, m-master. Makaka-asa p-po kayo."

Dali-daling lumabas ang binata sa madilim na kwarto kung saan naroon ang hide out ng kanilang grupo. Walang nagawa ang matandang lalaki kundi magpakawala ng isang malalim na paghinga.

"We're running out of time. I'm getting old, hindi ko na kayang lumaban tulad ng dati. I need them now. I need the three of them. Kailangan nilang ipagpatuloy ang nasimulan ng pamilya namin."

"Pero master, ayaw nilang tatlo maging katulad natin. Especially Zachary. Paano kung hindi natin sila mapilit na maging isang mafia?" tanong ng isa sa kaniyang alagad.

"Nagawa ko silang makontrol noon, imposibleng hindi ko ulit magawa yun ngayon," humigop muna ang matanda sa baso ng red wine bago magpatuloy. "Kailangan ipagpatuloy ni Zachary ang pamumuno sa grupo natin. Kailangan niyang mapatay ang tagapagmana ni Arturo bago pa nila tayo maunahan sa pakikipag sanib pwersa sa grupo ni Hercules sa Europa."

"Malaking gulo kapag nangyari 'yun, master. Hindi natin kakayanin kung sakaling makumbinsi ni Arturo ang grupo ni Hercules na makipag sanib pwersa sa kanila." nag-aalalang sagot ng lalaki.

"Hindi ko hahayaang mangyari 'yun. Kapag hindi pa rin nila nahanap ang mga anak ko, ako na mismo ang kikilos para matunton ang pinagtataguan nila." mariin na niyukom ng matanda ang kamao nito.

"Zachary...my heir."

-----

Gaia's Point of View

MAAGA akong bumangon upang maghanda para sa pagpasok. Hindi ko maintindihan pero parang ganadong ganado ako pumasok ngayon.

"Ang weird." mahina kong bulong habang sinusuklay ang mahaba kong buhok.  Hay nako! Makakain na nga muna!

Mabilis kong binaybay ang daan pababa ng hagdan. Naabutan ko sila na nakaupo sa dining area.

"Oh sakto nandito ka na," bati sa'kin ni Zion ng makaupo ako. Isang malawak na ngiti ang isinagot ko sa kaniya.

Napansin ko na sa unang pagkakataon ay kompleto kaming kakain ng agahan. Nakakatuwang isipin.

"Good morning!" masigla kong bati sa kanila. Tinawanan lang ako ng mga loko.

Ilang minuto rin ang tinagal ng pagkain namin dahil sa minsanang kwentuhan. Napakadaldal ni Zaffel jusko!

Matapos naman naming kumain ay mabilis kong niligpit ang pinagkainan. Sabay na lumabas si Zaffel at Zach, marahil ay kukunin nito ang sasakyan.

Nang matapos ako sa ginagawa'y patakbo akong lumabas ng bahay. Nagpaalam ako kay Zion at Lorie bago umalis.

"Tara na." bigla akong napatigil sa pagtakbo ng biglang sumulpot si Zach sa harap ko. Aatakihin ako sa puso dahil sa lalaking 'to.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Adored by the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon