CHAPTER THREE
MALALIM na ang gabi ngunit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.
Binuksan ko nalang ang maliit na bintana dito sa kwarto at bumungad sa'kin ang malamig na simoy ng hangin. Ipinikit ko ang mga mata ko upang damhin ito.
Ang sarap ng ganitong pakiramdam.
Naalala ko tuloy noon na sabay kami nila mama at papa na manuod ng mga bituin sa kalangitan kapag madalim na ang paligid.
Isang ngiti ang gumuhit sa aking labi nang maalala ang pangyayaring 'yon.
Kung hindi lang sila naaksidente noon, sana kasama ko pa rin sila at makikita pa rin namin ang magagandang bituin sa langit ngayon.
Sana hindi na lang talaga sila nawala nang maaga.
Tahimik ko lamang dinaramdam ang malamig na simoy ng hangin nang may marinig akong tumutugtog ng piyano.
Mabilis kong idinilat ang aking mga mata.
Muli akong bumalik sa kama at doon mas malinaw kong narinig ang saliw ng musika.
Nagpatuloy lang ako sa pakikinig at habang tumatagal pakiramdam ko'y may lungkot at lumbay sa himig nito.
Sino naman kaya ang tumutugtog ng piano sa kalaliman ng gabi? At bakit ang lungkot sa pakiramdam ng tinutugtog niya?
Dahil sa kuryosidad, tahimik akong lumabas ng kwarto at pinakiramdaman ang paligid. Sigurado ako na sa katabi ko lamang na silid nanggagaling ang tunog na iyon dahil napapakinggan ko ito nang malinaw.
Tumapat ako sa pinto ng katabi kong kwarto at hindi nga ako nagkamali. Mula rito, rinig na rinig ko ang musika.
Hindi ako sigurado kung kanino ang kwarto na 'to dahil hindi ko naman sila nakikitang pupumasok sa kani-kanilang silid.
Upang makasigurado, titignan ko kung sino ang tao sa loob. Bahala na.
Maingat kong hinawakan ang seradura ng pinto, nakaramdam ako ng lamig sa aking palad. Tahimik ko itong inikot at dahan-dahan na itinulak. Mabuti na lang at hindi naka-lock.
Gumawa lamanh ako ng maliit na siwang upang hindi ako mahuli.
Sumilip ako at nakita ko ang likod ng isang lalaki sa harapan ng napaka-laking piano.
Tumatagos sa puso't kaluluwa ko ang lungkot na mararamdaman sa musika. Kahit ako na nakikinig lamang ay naaapektuhan, pano na lang kaya ang mismong taong tumutugtog nito.
Pinagmasdan ko lamang siya habang patuloy siya pagtipa ng nota. Sumasabay din ang katawan niya sa ritmo ng musika.
At hindi ako pwedeng magkamali, si Zach ang nakikita ko ngayon.
Pero bakit? Bakit pakiramdam ko'y may mabigat siyang dinadala?
Tuluyan ko ng sinarado ang pinto. Tumalikod ako't nagsimula ng maglakad pabalik ng kwarto ko, ngunit ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ko napansin ko ng tumahimik bigla ang paligid. Nawala na ang musika.
BINABASA MO ANG
Adored by the Night
Romance(FORMER: DESTINED WITH A MAFIA HEIR) Si Gaia Villaverde ay isang simpleng babae na may simpleng pamumuhay. Ngunit nang mamatay ang kaniyang mga magulang, wala siyang nagawa kundi tumayo sa sariling mga paa. Hanggang sa makapag-trabaho siya sa pamily...