XI

139 14 2
                                    

CHAPTER ELEVEN

"B-bakit mo g-ginawa 'yun? Kilala mo ba sila?" tanong ko kay Zach bago pa man kami makarating sa bahay.

Tinutukoy ko yung mga lalaking naka jacket kanina.

"Hindi mo na kailangang malaman." tipid niyang sagot na ipinagtaka ko. Bakit kailangan niyang umiwas sa mga lalaking 'yun?

"B-bakit naman?" hindi ko na mapigilan ang tanong na pumapasok sa isipan ko. Tama ba na kinukulit ko siya?

"Hindi mo maiintindihan, Gaia. So please 'wag na nating pag-usapan." nagbago ang tono ng boses niya, mukhang naiinis na siya sa'kin.

"Hindi ko talaga maiintindihan kung hindi mo ipapaliwanag sa'kin."

"Hindi ko alam kung pa'no ipapaliwanag sayo." 'yun ang huli niyang sinabi bago siya tuluyang pumasok ng bahay na hindi ako kasama.

Heto na naman ang ugali niyang hindi ko maintindihan.

Bagsak ang balikat kong tinungo ang malaking pinto ng bahay nila. Pwede naman niyang sabihin sa'kin diba? Maiintindihan ko naman e! Masyado siyang advanced mag-isip, nakakainis.

Naabutan ko si Zion at Lorie sa sala, nanunuod na naman sila ng paborito nilang action movie. Dahan-dahan akong naglakad pataas, hindi na ko nag abala na istorbohin sila.

Tahimik na pasilyo ang bumungad saakin pagtaas ko. Pipihitin ko na sana ang seradura ng aking pinto ng mahagip ng paningin ko ang naka awang na pinto ng kwarto ni Zach.

Galit ba siya saakin? Ang kulit ko kasi e!

Hindi ko na napigilan ang sarili kong humakbang palapit sa kwarto niya. Sumilip ako sa pinto at nakita siyang naka-upo sa isang swivel chair sa harap ng study table niya. Kalahati lang ng katawan niya ang nakikita ko.

Napaitlag ako ng bigla niyang hampasin ang lamesa sa harap niya. Awtomatiko akong napaatras sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko'y galit na galit siya.

Ako ba ang dahilan?

Mabilis kong tinungo ang kwarto ko't ni-lock ang pinto. Dali-dali kong ipinatong ang gamit ko sa kama at ibinagsak ang katawan ko roon.

Ang daming tanong na pumapasok sa isipan ko. Gustong-gusto kong malaman kung anong dahilan niya pero sigurado naman akong hindi niya ako sasagutin.

Niyakap ko na lang ang unan sa tabi ko.

Bakit ka ba ganito Zach? Ang hirap mong intindihin!


-----


ABALA ako sa pagluluto ng hapunan namin ng mag ring ang telepono ko. Pinunas ko ang aking kamay sa apron na suot-suot ko at tinignan kung sino ang tumatawag.

Unknown number?

Nagdalawang isip pa ako kung sasagutin ko o hindi. Wala naman kasi akong inaasahang tawag.

"Hello? Sino 'to?"

"WAAAAAH GAIA! OKAY KA LANG BA? SORRY KANINA, HINDI TALAGA NAMIN ALAM NA 'DI KA NA NAMIN KASAMA!" sandali kong inalayo ang telepono sa tenga ko ng marinig ang napakalakas na boses ni Jordale.

Adored by the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon