XVI

124 13 0
                                    

Balik tayo sa POV ni Gaia ^o^ 'di ko na pinahaba ng masyado yung POV ni Zach kasi baka ma-reveal niya lahat lol.

CHAPTER SIXTEEN

MATIYAGA akong naghintay sa school ground para kay Jordale at Sarah. Natatakot ako na magalit sila kasi bigla na lang ako nawala kagabi, kaya kahit hirap sa paglalakad ay pinilit ko pa rin na pumasok.

Lumakad ako papunta sa mga wooden benches na nakahilera rito para maka-upo dahil kumikirot na ang sugat ko. Hindi pa man ako nakalalayo ng matigilan ako dahil nahagip ng paningin ko si Zach na papalapit sa pwesto ko.

Lumawak ang ngiti sa labi ko makita ko siya. Akala ko'y lalapitan niya ko pero bigla siyang tumigil sa paghakbang.

Asus! Gusto niya ata na ako pa ang pumunta sa kaniya!

Ika-ika akong lumakad palapit sa kaniya nang hindi inaalis ang malawak na kurba sa aking labi. Iilang hakbang pa lang ang nagagawa ko pero bigla na siyang tumalikod sa'kin.

Pakiramdam ko'y biglang sumikip ang dibdib ko ng talikuran niya 'ko.

Ano na namang problema?

"Zach!" akala ko lilingunin niya ako pero nagkamali ako. Gustuhin ko man na sundan siya, hindi ko magawa dahil sa sugat na kumikirot sa hita ko, napaka-bilis din ng kilos niya.

Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko habang pinagmamasdan siyang naglalakad palayo sa'kin.

Kahit anong iwas ang gawin mo, hindi kita susukuan.

I came back to senses ng marinig ko ang maingay na boses ni Jordale sa likuran ko. Muli akong napangiti ng makita sila ni Sarah na nagkukulitan habang naglalakad papunta sa building namin.

"Sarah! Jordale!" pinilit kong bilisan ang kilos ko para makasunod sa kanila. Kahit nararamdam ko ang sakit, hindi ko na lang 'yun ininda.

Tila nagulat sila ng makita akong ika-ika kung maglakad, nagtinginan pa sila na parang nag-aalangan kung lalapitan ba ako o hindi. Nakaramdam na naman ako ng lungkot dahil sa naging reaksyon nila. Galit ba sila sa'kin?

"Jordale..." tinawag ko ang pangalan niya kasi kanina pa siya umiiwas ng tingin sa'kin.

Naramdaman ko naman ang paghawak ni Sarah sa kanang kamay ko.

"Gaia, ano ba talagang nangyari kagabi? Bakit bigla ka na lang nawala? Ni hindi ka man lang nagsabi sa'min." ramdam ko sa tono ng pananalita niya ang pagkadismaya. Kumagat ako sa ibabang bahagi ng labi ko para pigilin ang emosyong nararamdaman ko.

"Pasensya na kayo, hindi ko naman talaga gustong iwan kayo ng ganun-ganun lang," tuluyan na akong yumuko ng hindi pa rin ako pansinin ni Jordale. "May n-nagtangkang patayin ako that night, I'm so sorry." hindi ko na napigilan ang luhang nagbabadyang pumatak sa mga mata ko. Naalala ko na naman ang nangyari nu'ng gabing 'yun.

"W-what?" napa-angat ang tingin ko ng marinig ko ang boses ni Jordale. Kita ko sa itsura niya ang pagkabigla dahil sa sinabi ko.

Ikinwento ko ang nangyari mula sa kung paano ako naligaw hanggang sa pagtangkaan akong saksakin ng lalaking 'yun pati na rin ang ginawang pagligtas ni Zach sa'kin.

Adored by the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon