IX

138 15 0
                                    

CHAPTER NINE

ALAS TRES na ng hapon nang matapos ang klase. Sabay sabay kaming tatlo na lumabas ng classroom.

"Uuwi ka na ba agad, Gaia?" malungkot na tanong ni Jordale saakin.

"Bakit? May iba pa ba tayong gagawin?"

Naglalakad kami ngayon sa hallway palabas ng building. Tahimik pa rin si Sarah, as usual.

"Wala, ayoko pa kasi umuwi e! Gusto mo i-tour ka namin dito? Right, Sarah?" ibinaling niya ang tingin kay Sarah.

Mabilis naman itong tumango at nginitian kaming pareho.

"Sure! That's a nice idea!" pahabol pa nito.

Wala na akong nagawa kundi um-oo na lang sa kanila. Kung sa bagay, maganda rin na malaman ko ang pasikot-sikot dito. Ang kaso lang, baka bigla akong hanapin ni Zaffel.

"Pwede bang dumaan muna tayo sa Building A? Magsasabi lang ako kay Zaf, baka kasi bigla akong hanapin n'un e,"

Tinaasan ako ng kilay ni Jordale, senyales na kailangan kong magpaliwanag. Mahina akong napatawa dahil dito.

"Siya kasi ang kasama ko umuwi, hindi ko pa naman kasi masyadong alam ang pasikot-sikot dito e. Baka mawala pa 'ko bigla." paliwanag ko.

"Z-af? Zaffel Zaveria?" tanong bigla ni Sarah.

Tumango ako sa kaniya bilang sagot. Nakita kong naging malikot ang kaniyang mata. Teka, namumula ba siya?

"Why so interested in Zaffel, huh?" asar ko sa kaniya.

Naging aligaga siya bigla...guilty, e? Mahina akong natawa dahil sa kilos niya.

"H-hoy hindi a-ah! Naging c-classmate ko kasi siya last school year."

Bakit iba ang sinasabi ng itsura niya sa mismong lumalabas sa bibig niya? Something's fishy!

"Grabe ka, Sarah! Ang tagal na nating magkaibigan pero hindi ko alam na may gusto ka pala kay Zaffel Zaveria!" buong lakas na sigaw ni Jordale na ikinagulat naming dalawa ni Sarah.

Tumingin ako sa paligid, halos lahat ng estudyante na malapit saamin ay pinagtitinginan kami.

"Akala ko bestfriend mo 'ko tapos 'di ka naman pala nagsasabi ng mga gust—" hindi na pinatapos ni Sarah ang sasabihin ni Jordale.

Mabilis niyang natakpan ang bunganga nito. Parang nagbubuno pa ang dalawa dahil pilit na tinatanggal ni Jordale ang kamay ni Sarah sa kaniya, puro ungol lang tuloy ang nagagawa niya.

Pahamak pala ang kadaldalan ni Jordale...

"Itigil niyo na nga 'yan!" I tried to stop them pero di sila nagpatinag.

I burst into laughter when Jordale bites Sarah's hand.

Mabilis naman na natanggal ang kamay ni Sarah sa bibig ni Jordale dahil dito. Hindi maipinta ang mukha ni Sarah, nakita ko pa ang bite mark sa kaliwang kamay nito.

Poor Sarah...

Kalabanin daw ba ang carnivore na si Jordale.

Adored by the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon