VII

143 18 0
                                    

CHAPTER SEVEN

NAGPALAKPAKAN ang mga estudyante ng matapos ang short orientation na ginanap dito din sa mismong school ground.

In-announce ng college dean ang mga sections at building para sa'min.

III-Emerald, Room 303: Building C.

Basa ko sa maliit na papel na pinamigay nila kanina. Infairness, marami silang staff para maibigay sa'ming lahat ang papel na 'to.

"Anong building mo?" tanong ko kay Zaf na nasa tabi ko.

"A. How 'bout you?" napasimangot naman ako dahil magkaiba kami ng building. That only means na mag-isa kong hahanapin ang room ko.

"C," walang gana kong sagot.

"That's alright, little thing. You can do it!" mahina niyang ginulo ang buhok ko.

"Ang tagal kong sinusuklay 'tong buhok ko tapos ginugulo mo lang lagi!" Sinamaan ko siya ng tingin habang sinuklay ko ng daliri ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa mukha ko.

Nakita ko siya na tumawa dahil sa sinabi ko.

Tumingin ako sa wrist watch ko at nakitang alas otso na ng umaga. Thirty minutes ang binigay nila sa'min para makapunta sa kaniya-kaniyang room. Malawak kasi ang university na 'to, paglakad pa lang ay kakainin na ang oras mo.

"So, ano? Mauna na ko ha," paalam ko kay Zaffel. Mabuti ng makaalis na ko't mahanap na agad ang room ko.

"Hatid na ba kita?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya?

"Nako, wag na. Baka ikaw naman ang ma-late kapag hinatid mo pa 'ko."

"Sabagay," sandali siyang nag-isip. "Bye, little thing! See you later!"

Patakbo siyang lumayo saakin. Mabilis naman siyang nawala sa paningin ko.

Peste. Kala ko pa naman magpupumilit siyang ihatid ako.

Huminga ako ng malalim bago humakbang papunta sa building C. May apat kasing bulding dito at nasa west wing ang C at D.

Ilang minuto ang tinagal bago ako nakarating sa napakalaking building na 'to.

May malaking sign na nagsasabing ito na ang building C. Binilang ko sa aking isip ang bawat floor. May limang palapag ang building na 'to.

Nagsimula na akong maglakakad pataas. May ilang mga estudyante akong nakakasabay. Karamihan sa kanila ay tinitignan ako mula ulo hanggang paa, siguro dahil bago ako sa paningin nila.

Nakarating ako sa unang palapag. Nahagip ng paningin ko ang sign na Room 201-Room 210.

Mabuti na lang at naisip nila ito. Hindi na ko mahihirapan sa paghahanap ng room ko.

Muli pa akong humakbang pataas ng hagdan, malapit na sana ako sa taas ng may sumanggi sa balikat ko.

Isang babae ang nahagip ng paningin ko. Kulay kayumanggi ang mahaba nitong buhok.

"Omg! Sorry, miss!" Nakita ko siyang lumingon saakin pero agad din naman siyang nagtatakbo.

Lumiko siya sa kanan kung saan naroon ang mga rooms. Siguro nagmamadali na 'yun at ilang minuto na lang bago magsimula ang klase.

Mas binilisan ko pa ang kilos ko. Muli akong tumingin sa sign dito at laking tuwa ko ng makitang Room 301-310 ang nandito sa second floor.

Isa-isa kong tinignan ang kada room na nadaraanan ko. Tulad ng iniisip ko, in-order ang bawat classroom. Sa pangatlo akong pinto tumigil.

Huminga muna ako ng malalim bago ko tinulak ang glass door. Malamig na hangin dala ng aircon ang unang bumungad saakin.

Tumingin ako sa itaas at nakita ang ilang estudyante na nasa kani-kanilang pwesto. Parang upuan sa sinehan ang peg ng room dito.

Umakyat ako at pumwesto sa bandang gitna. Inilapag ko sa pahabang lamesa ang bag ko. Mariin kong pinagmasdan ang kabuuan ng silid.

Hindi naman gano'n kalayo ang kinaroroonan ko sa malaking platform sa unahan. May lamesa rin doon at may pahabang white board. May projector din na nakabitin sa ceiling.

Hindi talaga maikakaila na may kaya sa buhay ang mga nag-aaral dito.

Ilang sandali pa ay may lalaking pumasok, may bitbit siyang laptop at ilang libro.

Hindi ko maintindihan kung bakit biglang naging aligaga ang mga babae sa unahan. May ilan pa na biglang naglabas ng make-up kit at pinaulanan ang mga mukha nila ng lipstick at foundation.

Nagtaka naman ako sa ikinilos nila kaya mabilis kong ibinaling ang tingin sa malamang ay professor namin na nag-aayos ng gamit sa unahan.

Pormal ang kaniyang damit at nakasuot din ito ng salamin. Hindi maikakaila na magandang lalaki si Sir. Matangkad ito at kayumanggi ang balat, mahaba ang itim nitong buhok at malakas din ang appeal niya. Kaya naman pala ganito na lang kung umasta ang mga babae kong kakalse e.

Parang nag slow-mo ang paglingon niya saamin. Sumabay kasi sa paglingon niya ang mahaba nitong buhok. Nagtiliian bigla ang mga kaklase ko sa unahan.

"Quite." Seryoso ito ngunit may awtoridad sa pananalita. Naalala ko tuloy si Zion nung una kong dating sa kanila.

Mabilis na tumigil ang mga babae sa unahan ng marinig ang boses ni Sir.

"Good Morning, Welcome to Craydon University. I will be your instructor in Media and Information Litetacy,"

Nakakapangilabot ang boses niya. Pati ang tingin niya ay nakakatakot din. Para siyang nangangain ng tao.

"For those student who doesn't know me yet, I'm Gavin Dave Santos, you can call me Sir Gavin for short." pakilala ni Sir habang sinusulat sa white board ang pangalan niya.

"Introducing yourselves is not my thing, so let's move on. I will state my rules and regulations inside my classroom."

Nakahinga ako ng maluwag ng hindi siya magpa-introduce keme sa unahan. Mabuti na lang at baka lamunin ako ng kahihiyan dun.

"There are two things I hate," palakad-lakad siya habang nagsasalita. Hindi ko talaga maialis ang titig kay Sir. Napaka-intimidating talaga niya.

"Attention seeker," opps.

Napasulyap tuloy ako sa mga babae sa unahan. Napa-ismid sila sa sinabi ni Sir.

"And, the one who's always late in my class."

Pagkasabi na pagkasabi ni Sir n'un ay biglang bumukas ang pinto. Lahat ng tingin namin ay nabaling doon.

Tila sumikip ang dibdib ko ng makita kung sino ang lalaking nakatayo sa bungad ng pinto.

Si Zach...

Sa loob ng tatlong araw ay ngayon ko na lang siya ulit nakita.

Ganun pa rin naman ang itsura niya, walang nagbago. Pati ang blangkong ekspresyon niya'y nandito pa rin. Nanibago lang ako sa suot niyang uniform, nasanay kasi ako na makita siyang suot ang kaniyang itim na leather jacket.

Dire-diretso siyang lumakad pataas. Sinundan ko siya ng tingin at nakitang pumwesto siya sa pinaka-dulong upuan, yung wala siyang makakatabi.

Binalik ko ang tingin kay Sir at parang wala lang sa kaniya ang nangyari. Nagpatuloy lang siya sa kaniyang sinasabi.

Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman.

Ngayong kaklase ko siya, ibig sabihin kahit papaano'y makakasama ko siya araw-araw.

I found my self smiling like an idiot. I always have this weird feeling evertime I feel his presence.


Nababaliw na ata ako.

Adored by the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon