CHAPTER SIX
Three days later...
MALAKAS na tunog ng alarm clock ang gumising saakin.
Mabilis ko itong pinatay at agad na bumangon sa aking higaan.
Shocks, this is it! Craydon U, here I come!
Dali-dali akong nagligpit ng higaan ko't binitbit ang mga gagamitin ko pababa upang makapag ayos ng agad. Mas mabuting mauna na ako sa kanila dahil sa pagkakaalam ko sa C.U din nag-aaral si Zaffel at Zach.
And speaking of Zach...sa tatlong araw na lumipas, hindi ko siya nakita sa bahay.
Hindi ko alam kung nagkukulong lang ba siya sa kwarto o 'di ko lang napapansin na umaalis siya ng bahay pero for almost three days, ni anino niya hindi ko nakita.
After what happened that night bigla na lang siyang nawala.
He's such a mystery.
Mahina akong umiling para matanggal sa utak ko ang lalaking yun. Ang dapat kong pagtuunan ng pansin ngayon ay ang pagpasok ko.
Base sa scedule ko, eight o'clock in the morning ang start ng klase pero para makasigurado, I'll leave here at seven thirty.
I look at my wrist watch, it's already five o'clock in the morning. I still have time to prepare breakfast for us.
Nagsimula na akong magluto ng simpleng agahan.
Fried eggs, bacon, hotdogs, and bread ang ginawa ko. Hindi kasi sila mahilig sa kanin kapag ganitong umaga.
Isa isa kong dinala sa dining table ang mga niluto ko.
Five thirty na, magigising na yung nga yun.
I rush to the comfort room para makaligo't makapag-ayos na. Ginamit ko ang unang sweldo ko sa pagbili ng gamit at uniporme.
Long sleeves na white at nude color na vest at skirt na hanggang tuhod ang style ng uniform namin. May bow tie din na kulay brown itong kasama.
Para akong anime character dahil sa suot ko.
Mabilis akong natapos at nadatnan na silang nasa dining table. Inanyayahan nila akong kumain at sabay-sabay kaming nag agahan.
Hanggang ngayon wala pa rin si Zach. I have no idea where the place he could be. Hindi ko rin alam kung papasok ba siya.
"Hindi pa rin ba umuuwi si Zach?" tanong ko kay Zion.
Sandali siyang tumigil sa pagkain para sagutin ako.
"I don't think so...pero I'm sure na papasok 'yun ngayong araw." tumango tango na lang ako ng marinig ko ang sinabi niya.
Matapos naming makapag agahan, mabilis kong niligpit ang mga pinagkainan namin. Nagbilin din si Zion kay Zaf na isabay na ako sa pagpasok.
"Zaffel, this time umayos ka na. 'Pag nalaman ko na pinabayaan mo na naman si Gaia humanda ka na talaga sa'kin."
Lumingon ako kay Zaf at nakita siyang kumakamot ng ulo. I can't help but to smile. Zion is really a "Kuya Type" with them, including me.
"Yes, I know. She's in good hand," sagot ni Zaf tsaka ginulo ang buhok ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil dito.
"Sige na mag iingat kayo. Drive safely, Zaf. Goodluck, Gaia." isang matamis na ngiti ang pinabaon sa'min ni Zion bago umalis.
I mouthed 'thank you' in response. I'm so lucky to have them.
Simula ng tumira ako sa dito, hindi ko na nararamdaman na mag isa ako. I feel reassured dahil kasama ko sila. And I will be forever thankful with that.
"Hurry up, little thing! Ayaw mo naman siguro ma-late sa first day mo 'no?"
Bumalik ako sa ulirat ng marinig ko ang sigaw ni Zaf. Nasa loob na siya ng sasakayan, ako na lang ang hinihintay.
"May pangalan ako, hoy!" sigaw ko pabalik.
Patakbo na akong lumapit sa sasakayan. Mabilis akong umupo sa tabi niya—yun ang batas.
Agad naman niyang pinaandar ang sasakayan ng makasakay ako.
"Bakit ba 'little thing' ang tawag mo sa'kin? Tao naman ako, may pangalan din naman ako." curious na tanong ko.
Hindi ko kasi talaga ma-gets kung bakit.
"If I call you by your name, it's not Zaffel." sagot niya sabay kindat sa'kin.
"Kinikilabutan ako sa'yo tumigil ka nga." pabiro kong sabi.
"Psh you can't resist my charm, aren't you?" lumingon siya saakin ng may nakakalokong ngiti sa labi.
Oo gwapo ka pero mas bet ko pa rin si Zach!
"Nako tigil tigilan mo nga ako Zaf, sumbong kita kay Zion e."
Nakita ko siyang tumingin ng masama saakin dahil sa sinabi ko.
Takot ata siya kay Zion.
"Takot ka kay Zion 'no?" pahabol ko.
Iinisin na lang kita bilang ganti sa ginawa mo sa grocery store.
"I fear nothing." maikli niyang sagot.
Hindi na 'ko muling naka banat ng maramdaman ko ang paghinto ng sasakyan.
"We're here!" mabilis niyang tinanggal ang kaniyang seat belt at diretsong bumaba ng sasakyan.
Akala ko pagbubuksan niya ako pero nagkamali ako.
Kung sa bagay, hindi si Zaf yun kung magiging gentleman siya.
Bumaba ako ng sasakyan at napansin na nasa parking lot pala kami. Hindi pala biro 'tong C.U may pa-parking lot pa.
"C'mon! Baka maligaw ka pa, malalagot na naman ako." nakita ko si Zaf 'di kalayuan sa'kin. Akala ko tuluyan na niya 'kong iniwan, buti na lang hindi.
Umakbay siya sa'kin at sabay kaming naglakad.
Namangha ako sa nakita ng makarating kami sa bungad ng University. May malaking bandera dun na "Welcome, Freshmen" at syempre 'di naman papakabog yung malaking "CRAYDON UNIVERSITY" sa mismong gitna ng malaking building.
Napaka laki nito kumpara sa dati kong school. Parang kasing laki na nito 'yung buong baranggay na pinanggalingan ko.
Ginaya ako papasok ni Zaf. Bumungad saamin ang nakapaka laking school ground na punong puno ng mga estudyante. Katulad ng uniform naming mga babae, kulay nude din ang vest ng mga lalaki at dark brown ang pants nila, long sleeves na white rin ang panloob at kung bow tie ang sa'min, kulay brown na necktie naman ang kanila.
Habang naglalakad kami papasok, hindi ko mapigilang mailang sa titig ng mga estudyanteng nadaraanan namin. Kung yung iba e nakatingin lang ng normal saakin, may iba rin na masasama tumitig—mean girls of course.
Doon ko na lamang ulit napansin na naka akbay pa rin sakin si Zaf.
Iyon pala ang dahilan.
"Bagong kaagaw na naman."
"Bakit ganyan siya dumikit kay Zaffel?! God! I wanna kick her ass!"
"She's so malandi! Who is she ba?"
Sana naman hindi nila pinapahalata na pinag-uusapan nila kami diba?
"H'wag mo na silang pansinin. You know, I'm a chick magnet. Normal lang 'yan kasi nakikita nilang may kasama akong iba."
Hindi ko maiwasang hindi mapairap sa kaniya.
Ilang tangke ba ng hangin ang meron sa lalaking 'to?
"'H'wag mo na kasi akong akbayan!" mahina ko siyang siniko para alisin niya ang kamay sa balikat ko pero 'di siya nagpatinag.
"Ayoko. Baka mawala ka bigla, mahirap na."
Hindi na ko muling nakasagot ng marinig namin ang pag echo ng microphone na nanggagaling sa speaker.
Tumahimik bigla ang lahat dahil dito.
"Good day, Everyone! Welcome to Craydon University!"
BINABASA MO ANG
Adored by the Night
Romance(FORMER: DESTINED WITH A MAFIA HEIR) Si Gaia Villaverde ay isang simpleng babae na may simpleng pamumuhay. Ngunit nang mamatay ang kaniyang mga magulang, wala siyang nagawa kundi tumayo sa sariling mga paa. Hanggang sa makapag-trabaho siya sa pamily...