XXXIII

68 5 2
                                    

CHAPTER THIRTY THREE

NAALIMPUNGATAN ako ng lumamig ang pakiramdam ko. Tumanaw ako sa kaharap na bintana't nakitang madilim na sa labas. Ang tagal ko rin palang nakatulog, patay.

Kinapa-kapa ko ang cellphone ko sa tabi ng maliit na lamesa't nakitang ala sais na ng gabi. Kailangan ko ng bumaba para makapagluto ng dinner namin. Pakiramdam ko naman ay kaya ko ng kumilos ng maayos dahil nakapagpahinga na ako.

Dahan-dahan akong bumangon para pakiramdaman ang katawan ko. Nakakaramdam pa rin ako ng pangingirot sa ilang gasgas pero kaya ko namang tiisin. Marahan kong binaybay ang tahimik na pasilyo.

Ilang minuto pa'y nagawa ko ng makababa ng hagdan. Dahan-dahan lang ako sa paghakbang dahil baka ma-double dead na 'ko nito. Tumingin ako sa kaliwang bahagi ng bahay kung nasa'n ang sala pero wala si Zion at Lorie na madalas na nanunuod ng Jackie Chan film. Baka nasa kwarto pa 'yung mga 'yun 'di ko lang napansin.

Lumiko na ako pakanan para pumunta sa kusina ng may marinig akong mahinang boses na parang nagtatalo. Dahil sa dakila akong chismosa, binilisan ko ang kilos ko para makarating agad at makita kung sino ang tao sa kusina.

"Dammit, Zaf! You supposed to peel that thing off! Ba't mo agad nilagay sa pan?!"

"Shit. Is that how it works?"

"Hand me the salt! Masusunog na 'to!"

"Fuck this, Z! I can't cook. You can't cook either. H'wag kang magpanggap na marunong ka!"

Nagulat ako ng maabutan si Zaffel at Zachary na nasa harap ng kalan na naka-apron at punong-puno ng kung ano-ano sa katawan. Halos maitakip ko ang palad ko sa bibig ko ng ibigay ni Zaf ang garapon ng asukal imbes na asin na hinihingi ni Zach.

"Bakit ang pino ng asin na 'to? Hindi ba rock salt ang binibili ni Gaia?"

"It's called iodized salt, bro. You should learn."

Hindi ko alam kung matatawa ako sa nakikita't naririnig ko o maawa ako sa mga pinag-gagagawa nila. Halos hindi na nga nila napansin na kanina ko pa sila pinapanood.

"Dammit, bro. Me and cooking really don't go together," mahina ngunit seryosong sabi ni Zaffel kay Zach. "I give up, bro. Mas gugustuhin ko pa'ng mag-training ng isang buong araw kesa magluto."

"Stop complaining, moron. Bilisan na natin baka magising na si Gaia."

"Moron my ass, Z. I'm still your kuya. Respect." nang-aasar na sagot pa ni Zaf dito. Wait. Mas matanda pa si Zaf kay Zach? Jeez.

"You're only a year older than me, Zaf. It's no biggie."

"Fuck you."

Isang mahinang tawa na lang ang isinagot ni Zach dito. Napa-iling na lang ako sa nangyayari. Baliktad na ata ang mundo. Ako ang katulong, pero mga amo ko ang gumagawa ng gawain ko.

"Should I taste it first?" animo'y inosenteng bata si Zach na nakatingin sa kapatid habang hawak-hawak ang isang maliit na kutsara.

Ang cute-cute!

"You. I won't even lay a hand on that shit. It just look so unappetizing," seryosong nakatingin si Zaf sa kawaling umuusok-usok pa. "Kakain na lang ako sa labas."

"Parehong-pareho naman 'yung itsura nito sa naka-drawing dito e! Look!" may kung anong kinuha itong maliit na libro at ibinalandra sa mukha ni Zaf. "We did every steps written here. Kapag hindi 'to masarap, ipapapatay ko ang gumawa ng cook book na 'to."

Sinunod niyo nga 'yung steps sa tamang pagluluto, kung ano-ano namang ingredients ang inilagay n'yo.

Hindi ko na napigilang mapatawa ng mahina dahilan para lingunin ako ng dalawa.

Adored by the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon