CHAPTER NINETEEN
NAALIMPUNGATAN ako nang may marinig akong mga yabag sa labas.
Teka, anong oras na ba?
Kinusot-kusot ko muna ang aking mga mata tsaka ako bumangon mula sa pagkakahiga. Sumilip ako sa bintana't nakitang madilim pa ang paligid.
Ang aga naman ata nilang magising?
Pinindot ko ang wrist watch ko para umilaw at makita ko kung anong oras na, pinapatay ko kasi ang ilaw kapag natutulog ako.
11:45pm
Shit ang aga ko palang nakatulog?
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Gumawa lamang ako ng maliit na siwang para silipin ang pasilyo. Patay pa rin ang ilaw sa labas at liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing tanglaw dito.
Nagsalubong ang kilay ko ng maaninag ko ang bulto ng tao na pababa ng hagdan. Base sa pagkakakilala ko sa kanila, si Zaffel 'yun.
Ilang sandali pa'y sumunod pa ang isa, si Zion.
Anong gagawin nila sa ganitong oras?
Namilog ang mata ko ng si Zach naman ang maaninag ko. Kahit sa dilim ay kilalang kilala ko ang hubog ng katawan niya.
Nang makababa silang lahat ay tsaka ko sinara ng dahan-dahan ang pinto. Bumalik ako sa pagkakahiga ng may malaking pagtataka sa nakita ko.
Iniling ko na lang ng mahina ang ulo ko. Hindi naman kasama sa trabaho ko ang pakialaman sila diba?
-----
ALAS SINGKO ng umaga nang muli akong magising. Mabilis kong tinungo ang banyo para linisin ang sugat ko't makapag handa na sa pagpasok.
Pagkatapos ng aking daily routine, naghanda na ako ng lulutuin ko para sa umagahan.
Katatapos ko lang magluto ng isa-isa na silang bumaba. Nauna sila Lorie at Zion katulad ng nakasanayan, pumapasok din kasi si Lorie ng ala syete ng umaga pero si Zion na ang naghahatid sa kaniya.
Inayos ko ang mga plato bago pa sila maka-upo sa lamesa. Isang matamis na ngiti ang binigay ni Zion ng magtama ang mga mata namin.
"Lorie, anong gusto mo?" malambing na tanong ni Zion sa kapatid.
"Fried egg, please!" masiglang tugon ni Lorie sa kaniya.
Napaka-mapagpanggap talaga nitong batang 'to, tss.
Natigilan ako sa pag-aayos ng iba pang kasangkapan ng mahagip ng paningin ko si Zach na pababa ng hagdan. Dire-diretso lamang siya hanggang sa makarating sa malaking pintuan.
Mabigat ang loob kong pinagpatuloy ang pag-aayos ng makalabas siya ng bahay.
Ano bang kasalanan ko para umiwas siya ng ga'nto?
"May problema ba 'yung si Zach?" natigilan ako ng biglang magtanong si Zion.
"H-hindi ko nga rin alam e." sagot ko bago ako ma-upo.
BINABASA MO ANG
Adored by the Night
Romance(FORMER: DESTINED WITH A MAFIA HEIR) Si Gaia Villaverde ay isang simpleng babae na may simpleng pamumuhay. Ngunit nang mamatay ang kaniyang mga magulang, wala siyang nagawa kundi tumayo sa sariling mga paa. Hanggang sa makapag-trabaho siya sa pamily...