CHAPTER TWO
HINDI pa sumisikat ang araw ay gising na ang diwa ko dahil sa totoo lang, naninibago pa rin ako sa atmosphere dito. Ilang araw pa siguro ang lilipas bago ako tuluyang maging komportable sa pagtira sa bahay na 'to.
Sumilip ako mula sa aking pinto at pakiramdam ko'y tulog pa silang lahat. Kumuha ako ng pamalit kong damit upang makapaghanda na, maliligo't mag-aayos na rin ako para wala na 'kong aasikasuhin mamaya.
Taas noo akong lumabas ng kwarto bitbit ang mga gagamitin ko. Pababa na ako ng hagdan ng mapagtanto kong hindi ko pala alam kung saan naroon ang CR nila.
Geez, Gaia! Shonga ka talaga!
Dahan dahan na akong bumaba ng hagdan, nakiramdam din ako sa paligid. Sana lang talaga palarin ako't mahanap ko agad ang comfort room nila.
Nang makarating ko baba, iginala ko kaagad ang aking mata upang hanapin ang kulay puting pinto...ganoon naman kadalasan ang kulay ng pinto ng CR diba? o mali ako? yeah whatever, bahala na!
Dumiretso pa ako ng lakad hanggang sa makita ko ang dining table, malamang malapit na ako sa kusina. At malapit sa kusina ang CR! Dang! I'm so proud of myself.
Hindi nga ako nagkamali dahil sa tapat lang ng mahabang lamesang ito naroon ang malawak na kitchen counter. Agad na hinanap ng paningin ko ang pinto na posibleng makalutas sa problema ko.
Natanaw ko ang kulay itim na pinto 'di kalayuan sa kinatatayuan ko. Lumapit ako rito at dahan dahan na pinihit ang door knob nito. Laking tuwa ko ng makita ang malinis na banyo.
Note to self: Hindi kulay puti ang lahat ng pinto ng CR, okay?
Mabilis akong kumilos dahil baka anytime magising na sila at ayoko naman abutan nila ako sa ganitong sitwasyon.
Nang makapag-ayos ako'y mabilis akong bumalik sa aking kwarto. Inayos ko ang kama ko't muling lumabas upang silipin kung gising na ba si Lorie.
Tahimik akong naglakad papunta sa pinto ng kwarto niya't dahan dahan kong pinihit ang seradura ng pinto. Natanaw ko ang bata na mahimbing pa sa pagtulog.
Para siyang anghel 'pag tulog...sana 'di na siya gumising.
Joke.
Pakiramdam ko nga ako pa ang posibleng ilibing ng buhay ni Lorie. Kakaiba siya sa ibang mga bata. Sana lang kayanin kong makisama sa kaniya.
Habang tulog pa ang alaga ko, napagdesisyunan ko munang bumaba upang kumain ng agahan.
Mabilis akong nakarating sa kusina dahil nakaramdam na talaga ako ng gutom.
Dali-dali akong tumapat sa refrigerator at masayang hinila ang hawakan nito.
Gusto ko biglang umiyak ng makitang tubig lang ang laman ng napaka-laking ref na 'to.
Nagbibiro lang sila hindi ba?
Hindi ako pinanghinaan ng loob at agad akong tumingin sa mga maliliit na cabinet sa paghahangad na doon nila itinatabi ang mga pagkain.
Ilang minuto ang itinagal ko sa paghahanap pero pakiramdam ko'y nabuksan ko na lahat ang pwedeng buksan sa kusinang 'to pero ni isang makakain wala akong nakita...please sana nananaginip lang ako.
BINABASA MO ANG
Adored by the Night
عاطفية(FORMER: DESTINED WITH A MAFIA HEIR) Si Gaia Villaverde ay isang simpleng babae na may simpleng pamumuhay. Ngunit nang mamatay ang kaniyang mga magulang, wala siyang nagawa kundi tumayo sa sariling mga paa. Hanggang sa makapag-trabaho siya sa pamily...