XXXI

82 7 4
                                    

CHAPTER THIRTY ONE

Note: Italicized part are flashbacks :)

Third Person's Point of View

10 years ago...

"Mommy! Mommy! Kailan ulit pupunta rito si Ally?" pangungulit ng walong taong gulang na si Zachary sa kaniyang ina.

"Honey, kaka-uwi lang ni Ally," natatawang sagot ng ina nito. "Hayaan mo bukas sasabihan ko ang mommy niya na dito muna si Ally para makapaglaro kayo."

"Really, Mommy?" Namilog ang maliit na mata ng bata dahil sa sinabi ng kaniyang ina. "Yehey! Itutuloy na namin 'yung kasal-kasalan namin!"

"Honey, masyado ka pang bata para isipin 'yang mga ganyan. Tinuruan ka na naman ba ng Kuya Zaffel mo?" walang nagawa ang ginang kundi mapa-ngiti na lang.

"Si Kuya Zion po ang priest tapos si Kuya Zaf naman ang best man ko!" pagmamalaki pa nito habang walang tigil sa pag-ngiti. "Mommy, I want to marry Ally when I grow up."

Mahinang ginulo ng ginang ang mahabang buhok ng kaniyang anak. "Before you can marry her, you need to be a good and behave boy. Ayaw ng mga girls ng hindi sumusunod sa mommy nila."

"Really, Mommy? I will be a good boy na po!"

"Tara nga dito! Big boy na talaga ang anak ko," mahigpit na niyakap ng ginang ang kaniyang anak. "I love you, Z."

"I love you too, mom...but I also love Ally, and I promise to marry her when we grow up."

"Ally..." mahinang bulong ng binatang si Zach habang nakasandal sa puno ng mangga sa labas ng ospital. Lumabas siya panandalian ng makatulog ang dalagang si Gaia sa kaniyang silid. "Is it really possible?"

Kaswal na naglalakad si Zach pababa ng hagdan ng mahagip ng paningin niya ang isang babae sa tapat ng kanilang pinto. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya ng magtama ang kanilang mga mata.

"That's Zachary, my younger brother," narinig nito ang sinabi ng kapatid sa babae bago siya makarating ng kusina para kumuha ng isang basong tubig.

Mabilis na lumagok si Zach dito bago iyukom ang kaniyang kamao.

"B-bakit bigla kong naalala si Ally sa kaniya?" nasapo ng binata ang kaniyang noo. "N-no. This is imposible. She's dead. She already left me, she's not her."

"Right. Hindi siya si Ally, kasi kung siya nga si Ally, makikilala niya 'ko. Matatandaan niya 'ko." huminga ng malalim ang binata bago tumanaw sa kulay kahel na kalangitan. "Gaia is different from her. She left me without a word. But why... why do I still think of her? Sampung taon na 'kong umaasang babalikan niya 'ko. Sampung taon na niya 'kong binigo. I need to stop. I need to bury my memories with her."

"Ally, sa'n ba kasi talaga tayo pupunta?" walang tigil sa pag-hila ang batang babaeng si Ally sa batang si Zachary. Pakamot-pakamot pa ng ulo ang batang si Zach dahil kakagising lamang nito ng yayain siyang lumabas ni Ally.

"Ang sabi ko 'di ba surprise nga? H'wag ka na kasing tamarin! Promise matutuwa ka sa surprise ko!"  pangungumbinsi naman ng batang si Ally dahilan para tumango-tango ang batang lalaki.

"Inaantok pa kasi ako e! Ang aga-aga mong pumunta sa bahay!"

"Maaga talaga akong nagpa-gising kay mommy para mapuntahan ka agad, 'di ba kasi tulog pa si Tito Zevi 'pag gantong oras? Natatakot kasi talaga ako sa daddy mo e!" reklamo ng batang si Ally. "Z, bilis! Malapit na tayo!"

Walang nagawa ang batang lalaki kundi sumunod sa kaibigan. Sabay silang tumakbo at tumigil sa tapat ng isang tree house.

"Tara sa taas!" masiglang yaya ng batang babae sa kaniya. Naunang sumampa sa maliit na hagdan ang batang si Ally at sumunod naman si Zach sa kaniya. "Kayang-kaya mo namang umakyat 'di ba?"

Adored by the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon