CHAPTER THIRTY
SAKIT ng ulo ang una kong naramdaman ng idilat ko ang mga mata ko.
Shit. Na'san ako?
Akma na sana akong babangon ng may pumigil sa braso ko. Lumingon ako sa kanan at nakita ko si Zion na nakatayo.
"Hey, mahiga ka lang muna. You need to rest." dahan-dahan niyang inayos ang pagkakahiga ko sa unan.
Hindi agad ako nakapagsalita bagkus ay pinagmasdan ko muna ang kabuuan ng kwarto kung na'san ako.
White stuffs? Malamang nasa ospital ako.
"W-what happened?" utal kong tanong sa kaniya.
"Dinala ka ni Zach dito sa ospital. Napakarami mong pasa at sugat nu'ng makita kita."
Doon lang pumasok sa isipan ko ang nangyari sa Room 213. Lecheng Claire 'yun. Na-ospital pa pala 'ko ng dahil sa kanila.
"S-si Zach? Na'san s-iya?" tumanaw ako sa paligid pero hindi ko siya nakita.
Dito ko na lang din napansin na nasa private room ako. Pucha, magbabayad pa tuloy ako ng malaki para sa bills dito!
"Ang sabi niya susunod daw siya e. Baka papunta na 'yun," tumango na lang ako. "Siya nga pala, kamusta ka na? Okay na ba ang pakiramdam mo?"
Nakita ko ang paghila niya ang upuan sa gilid tsaka siya umupo ro'n.
Ngumiti naman ako ng tipid sa kaniya't tumango, "Medyo kumikirot pa 'yung mga kalmot sa braso ko but I can handle the pain now,"
"Good to hear that," gumanti siya ng ngiti. "Sabi nga pala ng doktor pwede ka ng maka-uwi mamaya, pero kung kaya mo lang naman. Kung hindi pa, pwede namang dito ka muna mag-stay."
Mabilis akong umiling sa kaniya. I won't last a day here.
"No. Umuwi na lang tayo, kaya ko na naman e. Tsaka baka lalo lang akong hindi gumaling kapag nakaratay lang ako sa kama," mahina akong tumawa na nakapagpatawa rin sa kaniya.
"If that's so, aasikasuhin ko na 'yung bills para makalabas ka na ngayong araw." akma na siyang tatayo sa upuan ng ako naman ang pumigil sa kaniya.
"Ibawas mo na lang sa sweldo ko 'yung ipangbabayad dito sa ospital. Kahit ilang buwan 'yung makaltas sa'kin, ayos lang."
"Cut it there, Gaia." nakita ko ang biglang paglawak ng ngiti niya, halos matawa pa nga siya. "Hindi ka na iba sa'min. We're a family now. Tsaka responsibilidad naman namin ang safety mo kaya h'wag ka ng mag-isip ng kung ano-ano."
Tuluyan na siyang tumayo, "All you need to do is to rest, h'wag ka ng mag-alala."
Ngumiti siya bago ako tuluyang iwan.
Hindi ko maiwasang hindi mapa-ngiti. Napaka swerte ko talaga sa kanila.
Ilang sandali lang ng makalabas si Zion ay muli na namang bumukas ang pinto. Nakita kong iniluwa nu'n si Zaffel.
"Hey there, little thing!" mabilis siyang tumalon sa higaan ko.
Siraulo talaga 'to kahit kailan!
"Baka madaganan mo naman ako! Shoo! Layas nga!" sinenyas ko pa ang kamay ko na parang tinataboy siya pero tinawanan lang niya ko ng nakakaloko.
"Get up now. You look more idiot when you're like that," he extened his arms tsaka ginulo ang buhok ko.
Ang lakas talagang mang-badtrip, pucha.
"Maganda pa rin naman ako kahit puro sugat katawan ko," dinilaan ko siya ng nakakaloko.
"Who did this to you?" biglang sumeryoso ang tingin niya sa'kin.
Hindi tuloy ako sanay.
"W-wala. May espirito atang bumugbog sa'kin." tumawa pa ako sa pag-aakalang kakagat siya sa biro ko.
"I'm serious. Who did this to you?" hindi talaga niya iniaalis ang mga mata sa'kin kaya ako na ang umiwas ng tingin.
"I-it's no big deal, Zaf. Napa-away lang ako."
"Answer my question."
Napabuntong hininga na lang ako. Hindi talaga siya titigil hangga't hindi siya nakakakuha ng sagot.
"Claire and company," tipid kong sagot bago tumingin sa kaniya.
"That bitch," bumulong siya pero rinig ko rin naman 'yun. "We'll get your revenge,"
Bigla siyang ngumiti tsaka mabilis na tumakbo palabas.
Shit! Anong bakak nu'n?!
Pinilit kong makatayo para sana pigilan siya, at sa kabutihang palad nagawa ko namang maka-upo sa kama. Dahan-dahan kong inilawit ang mga paa ko para makababa pero napabusangot ako ng maramdaman ko ang dextrose na nakakabit sa aking kanang kamay.
Misson failed. Kainis.
"Hey! Anong ginagawa mo?" natigilan ako ng may marinig akong pamilyar na boses na nanggaling sa pinto.
"Z-zach?" nakita ko siyang may bitbit na paper bag tsaka siya mabilis na lumakad palapit sa'kin.
"Ang tigas talaga ng ulo mo, magpahinga ka lang sabi e." inilapag niya ang hawak sa beside table tsaka niya ko inalalayan pahiga ulit sa kama.
Psh. Para naman akong baby nito.
"Si Zaf kasi e," sumdandal ako sa head board ng kama. Lumapit naman siya sa'kin para lagyan ng unan ang likuran ng ulo ko.
Shet. Ba't ba ang bango-bango ni Zach?
"What's with Zaf?" hinawi niya ang buhok ko papunta sa likuran ng tenga ko tsaka siya dahan-dahan na umupo sa kama.
"Kasi e. Alam kong maloko 'yun. Baka kung ano'ng gawin niya kay Claire." sumbong ko rito na parang bata.
Bigla namang sumeryoso ang tingin niya sa'kin ng banggitin ko ang pangalan ni Claire.
"Let him be. Claire deserves it," hindi ko alam pero bigla siyang ngumiti ng nakakaloko.
Pucha, planado ba nilang magkapatid 'to?
"Zach?" tinignan ko siya ng seryoso. Kunot noo naman itong gumanti ng tingin sa'kin, "May pinaplano ba kayo ni Zaf?"
"Huh? Wala ah." bumalik siya dati niyang expression.
Napabuntong hininga na lang ako.
"Promise? Wala kayong kalokohang gagawin?"
"Promise. Wala kaming gagawin..."
"...konti lang,"
Malakas ko siyang hinampas sa braso na ikinatawa niya. Ilang segundo pa bago ko maramdaman ang sakit ng palad ko dahil sa paghampas na ginawa ko.
"Tss. 'Yan kasi, ang hilig mong manghampas," hinila niya ang kanang kamay ko tsaka dahan-dahan itong minasahe.
"Masakit pa ba?" umiling ako. Nakita niya siguro ang pamumula ng palad ko kaya siya gan'to.
Ngumiti ako ng parang tanga habang pinagmamasdan siya sa ginagawa sa kamay ko.
Kahit sa simpleng bagay na ginagawa niya sobrang saya ko na.
Sana, lagi na lang kaming gan'to...
BINABASA MO ANG
Adored by the Night
Romance(FORMER: DESTINED WITH A MAFIA HEIR) Si Gaia Villaverde ay isang simpleng babae na may simpleng pamumuhay. Ngunit nang mamatay ang kaniyang mga magulang, wala siyang nagawa kundi tumayo sa sariling mga paa. Hanggang sa makapag-trabaho siya sa pamily...