CHAPTER TWENTY FIVE
Troy's Point of View
"Yeah. I know," ibinuhos ko ang lahat ng inis sa hawak kong cellphone. "I'm doing my job! I know. Fuck it." I immediately hang up the phone when he started to nag.
"You need to prove me something."
"Make me proud, son."
Ano sa tingin niya ang ginagawa ko? I devoted my life to him. Even my own happiness. Still, I can't be the man he always wanted me to be.
"Babe, let's go out!" maarteng sigaw ni Claire habang niyuyogyog ang braso ko.
"Shut up, Claire. I'm not in the mood."
Hanggang ngayon ay pinag-iisipan ko pa rin ang gagawin kong plano para sa lintek na misyon na 'to.
Alam ko na...
Isang maliit na kurba ang gumuhit sa labi ko ng may maisip akong magandang pa-in.
"Claire, I need you to do something."
I will make you proud, Dad. I promise.
-----
"Are you ready?" tanong ko kay Claire habang sabay kaming naglalakad papasok ng campus. Lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakapit sa braso ko dahilan para maramdaman ko ang hinaharap niya.
"Of course, babe. I'll do everything for you." nagpa-cute pa ito sa'kin bago ko siya hinalikan sa noo.
Kung hindi lang kita mapapakinabangan, matagal na kitang iniwan tss.
"You know the plan. H'wag kang gagawa ng desisyon na 'di ko alam, okay?" bilin ko bago kami tuluyang maghiwalay ng pupuntahan.
Pinagmasdan ko muna ang likod niya habang naglalakad. Napaka-ikli ng skirt niya kumpara sa ibang mga estudyante dito. Hapit na hapit din ang suot niyang white polo.
Alam ko namang ginagawa niya 'yun para akitin ako. Pero kahit na ano pang gawin niya, gayumahin man niya ako, hindi ko siya magugustuhan.
Isang babae lang ang totoong minahal. At ipinapangako ko na babalikan ko siya pag natapos ako sa misyon ko.
Miss na miss na kita...sana maalala mo na 'ko.
Mabilis kong iniling ang ulo ko para makapag-focus sa gagawin ko. Malapit ng magsimula ang college convention, magandang timing 'to para sa inutos ko kay Claire.
Dumiretso ako sa gymnasium dahil kaming mga varsity players ang naka-assign sa pagbubuhat ng mga monoblocks papuntang event hall. Mangilan-ngilan pa lang ang mga natatanaw kong estudyante rito sa campus dahil mga event organizers at volunteers pa lang ang allowed na pumasok dahil nine a.m pa magsisimula ang C.C.
"Double time, players! Double time!" rinig kong sigaw ng coach namin kaya mas binilisan pa namin ang kilos.
Napa-ngisi ako ng matanaw ko si Claire na papasok ng gym kasama ang mga kaibigan niya. Tama nga ang ako. Hindi ako bibiguin ni Claire.
BINABASA MO ANG
Adored by the Night
Romance(FORMER: DESTINED WITH A MAFIA HEIR) Si Gaia Villaverde ay isang simpleng babae na may simpleng pamumuhay. Ngunit nang mamatay ang kaniyang mga magulang, wala siyang nagawa kundi tumayo sa sariling mga paa. Hanggang sa makapag-trabaho siya sa pamily...