XVIII

95 11 0
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

"Gaia, are you listening to me?"

Bumalik ako sa reyalidad ng tawagin ni Lorie ang pangalan ko. Mabilis ko siyang tinapunan ng tingin.

"H-ha? May sinasabi ka ba?" nakita ko siyang umirap sa'kin bago pagtuunan ng pansin ang paborito niyang teddy bear.

"I was saying, Kuya Zion bought me a new toy and I can't think of a name that can suit her." kung tutuusin napaka amo pakinggan ng boses niya pero kabaliktaran sa ugali niya.

"Ano b'ang klase laruan 'yun?"

"It's right there, look!" tumuro siya sa hilera ng mga laruan niya na maayos na nakasalansan. Dumako ang tingin ko sa bagong manika na naka kahon pa.

"How 'bout blue? Kasi blue 'yung hair niya." suhestiyon ko.

"Blue? Duh? Blue is boring." walang gana niyang sagot. Kung 'di lang 'to bata pinatulan ko na 'to!

"Wala na 'kong maisip e. Teka, nagugutom ka na ba?" pag-iiba ko ng usapan.

"Well, nevermind. I'll just ask Kuya Zach, he's much better than you." tumalim na naman ang tingin niya sa'kin. Kung hindi ko lang talaga kilala ang ugali nitong batang 'to baka naisahan ko na 'to. "Orange juice is okay for me." ngumiti pa siya ng nang-aasar sa'kin.

Mabigat ang loob akong tumayo para timplahan ng inumin si Lorie sa baba. Nang buksan ko ang pinto'y saktong paglabas ni Zach sa kwarto niya. Sumikip na naman ang dibdib ko ng dire-diretso siyang bumaba ng hagdan ng hindi man lang ako tinignan.

Parang n'ung nakaraang araw lang hinihila pa niya 'ko para magsabay kami bumaba.

Isang malalim na paghinga na lang ang nagawa ko. Bakit ba nakakalungkot kapag iniiwasan niya ako?

"U-uhm, Zach binili ko nga pala 'to para s-sayo." utal utal kong sambit tsaka ko nilahad sa kaniya ang hawak kong brown na paper bag. "Thank you gift ko para sa pagtatanggol sa'kin kagabi."

Nakita ko ang pagsulyap niya sa bag na hawak ko. Nangangawit na rin ako dahil hindi pa rin niya tinatanggap, ilang segundo ng nasa ere ang braso ko.

"You don't need to buy things for me." nawala ang ngiti sa labi ko ng marinig ang malamig niyang pananalita.

Ganitong ganito ang pakikitungo niya sa'kin nu'ng una kong dating dito.

"A-ah naisipan ko lang naman kasi, h-hindi pa kasi ako nakakapag-pasalamat sa'yo ng pormal." sinubukan ko pa ring ibalik ang sigla sa boses ko kahit na pakiramdam ko'y hindi siya interesado sa sinasabi ko.

"Sorry, but I can't accept that." narinig ko ang malalim niyang paghinga. "Kung ano man 'yung nangyari kagabi, kalimutan mo na lang," para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko.

Hindi ko na nagawa pang makasagot ng isara niya ang pinto. Mabigat sa dibdib kong tinungo ang kwarto ko. Ni-lock ko ang pinto tsaka ako sumandal dito. Sandali kong pinagmasdan ang paper bag na bitbit ko.

"Kung ano man 'yung nangyari kagabi, kalimutan mo na lang."

Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya. Bakit kung kailan naging sigurado na ko sa nararamdaman sa kaniya tsaka pa siya umiwas ng ganito?

Sana 'di ko na lang pala binigyan ng ibang kahulugan 'yung mga maliliit na bagay na ginagawa niya para sa'kin.

Kung hindi lang ako nagpadala sa damdamin ko, hindi sana masakit.

Bakit nga ba ako umasa na may nararamdaman din siya para sa'kin e hamak na katulong lang naman ako sa bahay nila.

Bakit ba kasi ang tanga mo, Gaia?

Adored by the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon