XXVI

94 8 0
                                    

CHAPTER TWENTY SIX

"Gaia! Sa'n ka pupunta?" lumingon ako kay Sarah na hawak ang kamay ko. "Malapit ng mag-start ang opening ceremony, hindi ka pa ba pupunta sa event hall?"

Wala akong nagawa kundi sundan ng tingin si Zach. Kasalanan mo 'to Troy!

"Susunod ako, Sarah. May pupuntahan lang ako sandali," ngumiti ako sa kaniya, kailangan kong makausap si Zach. "Goodluck, ha? Papanoorin kita promise!"

Tumango siya sa'kin kasabay ng matamis niyang pag-ngiti, "Hihintayin kita ah? Sasabihin ko kay Jordale na ipag-save ka ng upuan."

I nod. Hindi na ko nagsayang pa ng oras at tumakbo na ko papuntang cafeteria kung sa'n ko nakitang pumasok si Zach.

Hingal na hingal akong nakarating sa loob ng cafeteria pero wala akong nadatnang Zach doon. Kakaunti lang din ang mga estudyanteng nasa loob dahil malamang ay nasa event hall silang lahat.

Nasa'n ka ba, Zach?

Hindi ako nawalan ng pag-asa. Naglakad-lakad ako hanggang sa makarating ako sa dulo ng campus kung sa'n may malaking puno ng mangga.

"Kapag wala pa siya rito, babalik na ko sa event hall." bulong ko habang habol-habol ang hininga ko. Halos ikutin ko ang buong campus makita lang siya.

Uupo na sana ako sa damuhan para makapag-pahinga sandali ngunit agad akong natigilan ng may dumaan mula sa likod ko.

"Z-zach! S-sandali lang!" nakita kong tumigil siya kaya agad akong tumakbo papunta sa kaniya. "A-akala ko ba sabay tayong manunuod ng mga performance mamaya? B-bakit iniiwasan mo na naman ako?"

Hindi ko maiwasang hindi mautal. Ni hindi niya ako hinaharap, hanggang ngayon ay nakatalikod pa rin siya sa'kin.

"Z-za—"

"Sorry. I have to do something important, hindi na kita masasamahan." mabilis niyang pinutol ang sasabihin ko't nagsimula na naman siyang maglakad.

"A-lam kong narinig mo 'yung sinabi ni Troy kaya ka gan'yan," muli na naman siyang natigilan dahil sa sinabi ko. "Wala akong pakialam sa mga sinasabi niya. I don't believe in him. Please. H'wag ka ng lumayo sa'kin."

Naramdaman kong nag-iinit na ang gilid ng mga mata ko't anytime babagsak na ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

"He's right." halos mabingi ako dahil sa sinabi niya. "He's right, Gaia. Lahat ng sinabi niya, totoo lahat 'yun."

Mariin akong umiling. "Wa-wala akong pakialam, Zach! A-ano naman kung totoo 'yung sinabi niya? Handa akong masaktan kasi ganu'n naman talaga 'pag n-nagmamahal ka 'di ba?"

There, my tears run down on my cheeks like hell.

"Gaia, ple—" nakita kong humarap siya sa'kin.

"A-ayoko, Zach. A-ayokong malayo sa'yo. Tatanggapin ko lahat, k-kahit ano pa 'yun." kahit anong pigil ko, hindi pa rin tumitigil ang luhang rumaragasa sa pisngi ko. "M-mahal kita..."

Halos ibulong ko sa hangin ang mga salitang 'yon. Hindi ko alam kung bakit, hindi ko alam kung kailan pero sigurado ako kung ano ang sinisigaw ng puso ko.

"I h-hate that I love you," itinakip ko ang magkabilang palad sa mukha ko para hindi niya marinig ang paghikbi ko.

Kung kaya ko lang turuan ang puso kong h'wag siyang mahalin ginawa ko na.

Alam ko naman na walang chance na magustuhan niya ko pabalik pero umasa ako, sobrang umasa ako.

"Sorry," naramdaman ko ang pagpulupot ng braso niya sa leeg ko. Hinaplos niya ang buhok ko't dahan-dahan na isinandal ang noo ko sa dibdib niya. "Sorry kung naduduwag ako. Sorry kung 'di kita kayang ipaglaban."

Patuloy lang sa pagpatak ang luha ko habang nakikinig ako sa mga sinasabi niya, "Sorry, Gaia. I'm completely lost, my life is full of darkness. I don't deserve you,"

I don't give a damn, I love you, and I want to be with you.

I heard him sigh, "I can't be happy, I can't be loved. You're too much for me, Gaia. You deserve someone better,"

Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi tsaka niya dahan-dahang inangat ang mukha ko para magkaharap kami.

"Sorr--" i cut him off.

"I w-want you and you can't do anything about it." nakita ko ang pagkabigla sa mga mata niya. "Please, Zach. Let me love you,"

"Pero, Gai--"

"I can make you happy, I can take away the pain, I can love you." pinunasan ko ang luha sa pisngi ko, "Just give me a chance, lahat gagawin ko."

Determinado na akong ipaglaban siya at all cost.

"Mapapahamak ka lang kapag naging malapit ka sa'kin," nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. "And I will not forgive myself if something bad happen to you because of me,"

I don't understand. Hindi ko alam kung anong dahilan niya't sinasabi niya 'to.

"I don't care." muli siyang tumingin sa mga mata ko, "Mas mapapahamak ako kapag wala ka sa tabi ko."

I see him smile. Naramdaman ko ang kamay niya sa batok ko na unti-unti akong hinihila palapit sa kaniya.

He's hugging me, and i hug him back.

"Kahit na sabihin kong marami na 'kong napatay na tao noon?"

Halos lumuwa ang mga mata ko dahil sa narinig ko. Tila naramdaman naman niya na nagulat ako kaya mabilis siyang tumawa.

Siraulo.

"Kidding. I'm not yet allowed to kill someone, pero kung ikaw na ang pag-uusapan, hindi ako magdadalawang isip na pumatay ng tao." kumalas siya sa pagkakayakap at mabilis na kinurot ang pisngi ko.

"Ang corny mo. Pero wala talaga akong maintindihan." pasinghot-singhot pa 'ko sa harap niya. Nakakahiya.

"That's it." kumunot ang noo ko.

"Anong that's it?"

"That's my secret."

"Ano'ng secret du'n?" huminga siya ng malalim bago sumagot sakin.

"You're pretty, but slow at the same time." walang gana niyang sabi. Siraulo!

"Gaia, I'm a mafia heir." he plainly said.

I don't know why pero bigla na lang akong natawa. Mafia heir? Kalokohan!

"I'm not kidding." tumigil ako sa pagtawa ng marinig ko ang boses niyang halatang naiinis na.

"S-sorry. Seryoso ka ba talaga?" huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili.

Kanina paiyak-iyak ako tapos ngayon tawa naman. Hindi malayong mabaliw ako dito.

"I'm telling the truth, Gaia. I can prove you that." seryoso siyang nakatingin sa'kin dahilan para bumalik ako sa reyalidad.

"Sorry. Akala ko kasi sa movies lang nag-e-exist  'yung mga ganu'n. Tsaka kung totoo man 'yung sinabi mo, ba't ka nasa ganitong klaseng lugar? I mean 'di ba dapat isolated kayo sa mga tao?"

Natandaan ko 'yung librong nabasa ko dahil kay Jordale. Base sa natatandaan ko, hindi sila basta nakikihalubilo sa mga tao pwera na lang kung may bibiktimahin sila.

"That's a way too long story to tell, Gaia."

Napa-simangot ako dahil sa sinabi niya. "I can listen to you all day." pagmamatigas ko.

I want to know more!

"Akala ko ba gusto mong mapanood 'yung performance ni Sarah?" Shoot. He caught me there.

"Promise me iku-kwento mo lahat pagdating natin sa bahay." I extended my pinky finger to sealed our promise...if that makes any sense.

"We will," and then our fingers crossed.

"We?" takang tanong ko.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa, "Nakalimutan mo na bang may mga kapatid ako?"



Jeez. Am I really living with the mafias?

Adored by the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon