XIV

109 13 0
                                    

CHAPTER FOURTEEN

"Damn! Are you alright?"

Naramdaman ko ang mainit niyang palad sa pisngi ko. Hinawi niya ang ilang buhok na humaharang sa mukha ko.

Nanginginig pa rin akong tumango sa kaniya, hindi ko pa rin mapigilan ang paghikbi ko.

"Sorry, Gaia..." he said in low voice.

Bakit siya nagso-sorry? Ako naman ang may kasalanan kung bakit ako napahamak.

"W-wala ka nama—aww!" naputol ang sasabihin ko ng biglang kumirot ang sugat ko sa hita. Mabilis kong diniinan 'yun para matigil ang pananakit.

"Shit. May sugat ka ba?" naramdaman ko ang kamay niya na kinakapa ang palad kong inihawak ko sa hita ko. "Fuck."

Nabigla ako ng bigla niya akong buhatin. I find myself pressed against his chest.

Nagsimula siyang humakbang, ramdam na randam ko ang pagmamadali niya. Pakiramdam ko'y nakalimutan ko na may iniinda akong sakit ng mapagmasdan ko ang mukha niya.

Madilim ang paligid pero hindi yun naging hadlang para maaninag ko siya. Nangingibabaw ang maputi niyang balat sa kadiliman.

"Z-zach..." binulong ko ang pangalan niya dahilan para lingunin niya ako.

"Shh, malapit na tayo. Masakit pa ba?"

Hindi na, kasi nandito ka na.

"H-hindi na masyado," sagot ko ng 'di iniinda ang sakit.

I feel safe with his arms. I can't help but smile. Baliw na kung baliw pero hindi ko talaga maisip na mangyayari 'to.

Bumalik ako sa ulirat ng makitang nasa harap na kami ng kotse niya. Paano nangyari 'yun? Saan siya dumaan?

Nag-squat siya para buksan ang pinto ng kotse at dahan-dahan akong iniupo sa tabi ng drivers seat. Mabilis siyang umikot para tumabi saakin at agad na pinaandar ang sasakyan.

"Dadalhin kita sa malapit na clinic dito. How are you feeling?" nakita ko ang pagbaling ng tingin niya saakin.

"H-hindi naman gano'n kasakit. I can handle the p-ain," sagot ko. "S-alamat nga pala..."

"Tss. Bakit ka kasi umaalis ng mag-isa?" ramdam ko sa tono ng boses niya ang pagkainis. "Pa'no kung hindi ako dumating?"

"Dumating ka naman e," natatawa ko pang biro sa kaniya. Sinamaan lamang niya ako ng tingin.

Paano niya nga pala ako nahanap kanina? Paano niya narinig ang sigaw ko?

"A-ah, Zach...p-pa'no mo ko nahanap?" takang tanong ko na nagpabago sa ekspresiyon niya.

"W-wala. Nagpapahangin lang ako tapos narinig ko 'yung sigaw mo."

"Paano mo nalaman na ako 'yun?"

"Aish, Gaia! Tumahimik ka nga."

Napabusangot ako dahil sa inasal niya. Napaka moody talaga ng taong 'to.

Ilang sandali pa ay tumigil ang sasakyan sa isang maliit ng clinic. Tinulungan niya ako sa pagtayo at paglalakad. Nang makapasok kami ay agad niya akong pina-upo sa isang mini bed na nakahilera rito.

"Sir ano po'ng nangyari?" tanong ng isang lalaking nurse ng makita niya kami.

"She's injured." tipid na sagot ni Zach sa kaniya. Tumango-tango ang lalaki at mabilis na lumayo saamin.

Muli ko na namang naramdaman ang kirot sa hita ko. Maiirin akong napapikit dahil dito. Tumanaw ako sa asul kong dress na ngayon ay may bahid na ng dumi ng lupa. Sa gilid nito ay may mantsa ng natuyong dugo.

Adored by the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon