XIII

108 11 0
                                    

CHAPTER THIRTEEN

"Sabi na nga ikaw 'yan e!" muli na namang nag echo sa sistema ko ang sinabi ni Troy.

Bakit? Bakit ginagawa sa'kin 'to?

Mapakla akong ngumiti sa kaniya at tumayo para yayain sila Jordale na sa iba na lang kami pumwesto.

"U-uh Jordale, Sarah...'dun na lang tayo sa kabilang side medyo naiingayan kasi ako dito e." palusot ko sa kanila para lang layuan ang lalaki sa harap ko.

"Huh? Maingay naman kahit saan ah! Dito na lang tayo! Ang sarap na ng kain ko oh!" nanlumo ako sa dinahilan ni Jordale, halos maduwal pa siya dahil punong puno na ng pagkain ang bunganga niya.

Paano na 'ko?!

"Hey, Gaia! Pansinin mo naman ako!" tumalim ang tingin ko kay Troy ng bigla siyang naglakad palapit saakin. Awtomatiko namang lumayo ang katawan ko.

"Hoy, Silvian! Tigil tigilan mo 'tong kaibigan namin ah! Paano ka nakakawala sa linta mong girlfriend?" tumayo na si Jordale nang makita niyang lumapit saakin si Troy. Ang awkward lang dahil punong puno ng pagkain ang bibig niya habang pinagsasabihan si Troy. "Huwag ka dito! Shoo!"

Hindi ko alam pero natawa lamang si Troy sa inasal niya. Walang epekto ang pagtataboy ni Jordale sa kaniya.

"For your information, Miss. Wala pa akong girlfriend, magakakaro'n pa lang," gusto ko biglang isuka ang lahat ng kinain ko kanina ng makita ang pagkindat niya sa'kin. "Tsaka masama ba na maki-share ng table?"

For Pete's Sake! Ilayo niyo ako sa lalaking 'to!

"Troy, please 'wag kang manggulo." madiin kong sabi sa kaniya. Ewan ko ba naiinis ako sa presence niya.

"Hey! Don't be so serious! We're supposed to have fun, wala akong gagawing masama. I promise." itinaas pa nito ang kanang kamay niya na animo'y nanunumpa.

I just rolled my eyes at him. Sana biglang dumating si Claire at bitbitin ang taong oxygen na 'to.

"Troy, umalis ka na kasi naalibadbaran kami sayo, okay?" inis na sambit ni Sarah habang tumutungga ng beer.

Gusto ko sana siyang pigilan sa pag-inom pero ayoko namang matawag na kill joy.

"Girls, chill! Wala akong gagawing masama kay Gaia, makikipag kaibigan lang ako." habang tumatagal lalo akong naiinis sa mga sinasabi niya.

Hindi naman sa maarte ako kaya ayoko kay Troy pero may something talaga sa kaniya na nakakainis. Yung feeling na makita mo lang siya maiinis ka na? Ganun!

"Pwes, wala akong time makipag kaibigan sayo. So please, can you please leave us alone?" walang gana kong sagot sa kaniya.

Nakita ko ang biglang pagbabago ng itsura niya. Biglang naging seryoso ang tingin niya sa'kin.

Did I went too far? Nasaktan ata siya sa sinabi ko. Gusto ko tuloy bawiin ang sinabi ko kanina.

Nakita ko ang pagpihit niya patalikod saakin, pinagmasdan ko lang siya habang marahan na naglalakad palayo. Umalis siya ng walang iniwang salita. Kinakain na ako ng konsensya ko. Kahit na ayoko sa kaniya, hindi ko pa rin gusto na makasakit ng ibang tao.

Adored by the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon