XXIII

81 10 0
                                    

CHAPTER TWENTY THREE

"Teka lang, may usapan kami ni Zion ngayon e." hihigitin na sana ako ni Zach papasok ng pintuan ng maalala ko si Zion.

"Tss, bilisan mo may iuutos ako sa'yo." sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makataas siya ng hagdan.

Napaka-moody talaga nu'ng lalaking 'yun, nakakainis!

Mabilis akong tumakbo papunta sa kaliwang side ng bahay dahil nando'n ang mini garden ng mga Zaveria. Nakakatawang isipin na ang isang katulad ni Zion na may matipunong katawan e nahilig sa pagtatanim.

Naabutan ko siyang naka-upo sa isa sa mga wooden chairs na naka-ikot sa lamesang gawa rin sa kahoy. May tasa sa harapan niya't may hawak rin siyang dyaryo sa kamay.

"Zion," tawag ko sa pangalan niya dahilan para lingunin niya 'ko.

"Oh, nandito ka na pala," umayos siya ng pagkaka-upo't binaba ang dyaryo'ng binabasa. "Upo ka." tinuro niya ang bakanteng upuan sa harap niya't sumunod naman ako.

"Pasensya ka na kung iistorbohin kita ah." nahihiya kong sabi matapos kong maka-upo.

"Ano ka ba, alam mo namang free ako kapag ganitong oras," ngumiti siya sa'kin katulad ng lagi niyang ginagawa. "Ano ba talaga 'yung gusto mong sabihin? Mukhang masyado naman ata'ng seryoso para mag-request ka pang mag-usap tayo privately." narinig ko pa ang mahina niyang pag-tawa bago humigop ng tsaa sa harap niya.

Gumanti na lang rin ako ng pag-ngiti para mapagaan ang atmosphere namin.

"Kagabi kasi," huminga muna ako ng malalim tsaka ko inalala ang nangyari. "Iniwan ko kasing bukas 'yung bintana, tapos may narinig akong ingay sa labas kaya sinilip ko."

Nakita ko ang biglang pagbabago ng itsura niya. Sumeryoso bigla ang tingin niya sa'kin. "I don't know if I'm just being paranoid pero may nakita akong unknown na lalaki sa labas. Sigurado akong hindi isa sa inyong tatlo 'yun kasi kabisado ko na ang features niyo. I just want to tell you this for our own safety. Baka kasi may gumagalang magnanakaw dito sa village."

Mariin akong napalunok dahil pakiramdam ko'y matutuyuan ako ng laway sa mga sinabi ko.

"Naalala mo pa ba kung ano'ng itsura niya? O suot?" seryosong tanong niya sa'kin. I'm not surprised kung ba't siya ganito kaseryoso, Zion is really protective.

"All I remember is his black cap," tumingin ako sa baba para alalahanin muli ang nakita ko kagabi. I start tapping my fingers on my lap. "May nakalagay sa cap n'ya but I'm not sure kung ano 'yun,"

Muli siyang tumitig sa'kin na parang naghihintay ng kasunod kong sasabihin.

"Tail," bigla na lang 'yun lumabas sa bibig ko. "Buntot ng hayop ang naalala ko. But I'm not certain kung anong klaseng hayop 'yun."

"X.Z.T..."

Napalingon akong bigla sa kaniya ng marinig ko 'yun. XZT?

Tila napansin n'ya na nakatitig ako sa kaniya kaya bigla siyang nagpakawala ng isang matamis na ngiti.

"Thank you for informing me, Gaia. Iri-report ko 'to sa security office ng village. You need to be more careful from now on," muli niya akong nginitian. I feel reassured by his smile. Alam ko namang hindi niya kami pababayaan.

"Sige na, baka hinahanap ka ni Zach." nagulat ako ng bigla n'ya akong kindatan.

May alam ba siya tungkol sa'min ni Zach? Jeez. Nakakahiya!

Nagpaalam ako sa kaniya bago ako tuluyang tumayo para puntahan si Zach. Ano naman kayang iuutos nu'ng lalaking 'yun?

"A-ah teka lang, Zion." muli akong pumihit paharap kay Zion ng may maalala akong matagal ko ng gustong malaman.

"Hm?" lumingon siya sa'kin ng may halong pagtataka.

"May gusto lang kasing akong itanong," ngumiti ako ng pilit sa kaniya. Nakakahiya 'tong sasabihin ko. "Bakit walang salamin sa buong bahay?"

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Bigla namang kumunot ang noo ko. "Only Zachary knows."

Eh?

Nagkibit balikat akong tumalikod sa kaniya. Si Zach ang dahilan kung ba't walang salamin sa buong bahay? Weird.

Patakbo akong pumasok ng bahay at naabutan siyang naka-sandal sa likod ng pinto.

"Nakakagulat ka naman!" sita ko sa kaniya habang sapo-sapo ng dibdib ko.

"Tss." nabigla ako ng bigla niya akong hilahin pataas ng hagdan. Halos madapa ako sa sobrang bilis niya.

"Teka lang! Sa'n mo ba ko dadalhin?" lalo pa niyang binilisan ang paghakbang na muntik ko ng ikatalisod. "Dahan-dahan naman!"

Nagulat ako ng tumigil kami sa tapat ng pinto ng kwarto niya.

"Anong gagawi—" impit akong napatili ng bigla niya akong itulak papasok. Mabilis niyang ni-lock ang pinto na ikinatakot ko.

"Z-zach? A-anong gagawin mo?" umatras ako ng magsimula siyang maglakad papalapit sa'kin. "Z-zach ano b-ba,"

Pakiramdam ko'y ano mang oras ay lalabas sa dibdib ko ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito. Lalo pa ng makita ko ang pag-ngisi niya.

Nagpatuloy ako sa pag-atras hanggang sa tumama na ang likod ko sa study table niya.

Wala na akong kawala.

"A-ano ba, Z-zach!" tumigil siya sa paghakbang ng makalapit siya sa'kin ng tuluyan.

"What? You think I would rape you?" halos mawalan ako ng hininga ng ilapit niya ang mukha sa'kin. Isang maling galaw ko lang ay magdidikit ang mga labi namin.

Hindi ko na napigilan ang pagsara ng mga mata ko. Pucha! Ano ba'ng trip nito?

Mabilis akong napadilat ng marinig ko ang mahina niyang pagtawa. Nakita ko na naka-upo na siya sa kama.

Siraulo 'tong lalaking to.

"Here," may ibinato siya sa'king notebook. Mabuti na lang at nasalo ko agad. "Hindi ko kasi maintindihan yung lesson ni Sir kanina. Turuan mo 'ko."

Halos mag-init ang ulo ko dahil sa sinabi niya.

"Dinala-dala mo pa 'ko sa kwarto mo na parang pagsasamantalahan mo 'ko tapos magpapatulong ka lang pala sa lesson ni Sir!" halos mapatid ang ugat sa leeg ko dahil sa pagsigaw na ginawa ko.

Akala ko maapektuhan siya pero muli na naman niya akong tinawanan. Arrg! Nakakainis!

"Gusto mo ba'ng pagsamantalahan kita?" nakita ko ang pag-ngisi niya habang unti-unti na namang lumalapit sa'kin.

"Tama na, wala ng e-epekto 'yan." kunwari'y 'di ako naapektuhan sa ginagawa niya pero sa loob-loob ko'y halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko.

Muli na naman siyang humakbang. Ngayon ay nasa harap ko na naman siya. "Talaga?"

Mariin akong napalunok ng magtama ang mga mata namin. Bumaba ang tingin ko sa mapula niyang labi.

Ba't ba ang gwapo-gwapo niya?

Nanikip ang dibdib ko ng bigla siyang ngumiti. 'Yung totoong ngiti, 'yung walang halong biro.

"You're beautiful,"

Hindi ako makapaniwala sa sumunod na nangyari. Is this real?





Did he just kissed me?

Adored by the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon