CHAPTER THIRTY TWO (PART 2)
Third Person's Point of View
"Are we all set?" natatawang tanong ng binatang si Zaffel sa dalawa niyang kaibigan.
"Yeah but why the hell are you laughing?" kunot noo na tanong ni Fritz.
"You should've seen their reaction a while ago, it's so fucking priceless!" paliwanag pa ni Zaffel sabay batok sa katabing si Gerson. "I'm so hella great!"
"Kailangan may kasamang batok?" paghihimutok naman ni Gerson. "Heto na pala 'yung frappe mo." iniabot nito ang hawak na cappuccino frappe kay Fritz.
"Thanks, bro. The best ka talaga!" kunwari na lang umirap si Gerson dahil sa sinabi ni Fritz. "E narecord niyo naman ba?"
Isang malawak na ngiti ang isinagot ni Zaffel kasabay ang pagtaas baba ng dalawang kilay nito. "Si Gerson na ang bahalang mag-upload nito."
Wala namang nagawa ang binatang si Gerson ng ihagis ni Zaffel ang hawak na cellphone sa kaniya.
"They're coming! Magtago na kayo!" mahinang sigaw ni Fritz sa dalawang kaibigan. Agad naman silang nagtago sa katabing building at maiiging hinintay ang pagdating ng grupo ni Claire.
"Argh! I just can't believe it! Sino ang naglagay ng mga filthy rats sa locker ko!" padabog-dabog ang dalaga habang naglalakad pabalik sa kanilang classroom. "Ikaw, Julie?! Ikaw siguro ang naglagay sa locker ko n'un no?!"
Nagulat ang katabi nitong si Julie ng pagbintangan siya ni Claire.
"Wait?! Why me?! I didn't do anything!" protesta ng dalaga.
"Malay ko ba kung may lihim kang galit sa'kin?! Pag nalaman ko lang talaga na ikaw ang may kagagawan nu'n humanda ka sa'kin!" dinuro-duro pa nito ang kaibigan. "I really hate this day!"
Naglakad pa ang tatlo hanggang sa makarating sila inihandang patibong ng grupo ni Zaffel.
"Almost there..." mahinang bulong ni Fritz habang maiiging pinagmamasdan ang kilos ng tatlo. "Gotcha!"
May hinilang kung ano ang binata kasabay ng pagbagsak ng timba na naglalaman ng malagkit na likido na hinaluan pa ng buhay na daga. Diretsong bumagsak ito sa tatlong babae.
"AHHHHHHHHHHHHH!" halos mabingi ang magkakaibigan dahil sa ginawang pagsigaw ng tatlo. Para pa itong mga bulateng inasinan dahil sa walang tigil na pagpadyak at pag wasiwas nila ng kamay para alisin ang mga dagang kumapit na sa kanilang katawan.
"SHIT! SHIT! RATS! EWWWWW!"
Hindi magkamayaw ang tatlo dahilan para makuha nila ang atensyon ng ilang mga estudyanteng naglalakad sa oras na iyon. Ang iba pa sa kanila'y nilabas ang kani-kaniyang cellphone upang kuhanan ng video ang mga ito.
"They actually deserves it. Those bitches."
"Bagay lang sa inyo 'yan mga maaarte!"
"The person behind that must be given an award! That's a cool prank!"
Bago pa man mahuli ay agad nang pumuslit sila Fritz, Gerson, at Zaffel palabas ng naturang lugar. Bakas pa rin sa mga mukha nito ang tuwa dahil sa pakulong ginawa.
"Hindi ba tayo sumobra sa nilagay natin du'n Fritz?" nag-aalalang tanong ni Gerson.
"What do you mean?" singit na tanong naman ni Zaffel.
"Hindi kasi talaga namin alam kung pa'no magiging sticky 'yung liquid na 'yun kaya kung ano anong nilagay namin," inosenteng sagot ni Gerson habang inaalala ang ginawa nila ni Fritz kanina. "And I'm worried as fuck kasi hindi namin alam kung safe sa katawan 'yung pinaglalagay namin."
Tumawa tawa muna si Zaffel bago siya muling binatukan, "Parang 'yun lang? Napaka goodboy mo talaga e 'no?"
"H'wag mo ng isipin 'yun gunggong! Ang mahalaga nailigtas ako nu'n sa bingit ng kahihiyan." nanunuya pang tumingin si Fritz sa kaibigang si Zaffel.
Hawak kasi ni Zaffel ang sex scandal ni Fritz noong nakaraang taon.
"Let's cut class! Du'n tayo sa condo mo Fritz. Iupload na agad natin ang video," walang nagawa ang dalawa ng yayain ito ni Zaf.
"Kailan ka ba hindi nasunod bwisit ka." si Fritz na lumalaklak ng frappe. "Salamat nga pala ulit dito, bro!" sabi nito sa binatang si Gerson kasabay ng isang mabilis ng halik sa pisngi.
"Shit! Why did you kissed me?!" galit na sigaw naman ni Gerson.
"It's because i love you."
"Fuck off. Mas kadiri ka pa du'n sa daga kanina." sagot ni Gerson habang marahas na pinupunasan ang kaliwang pisngi niya.
"Ang arte mo naman baby boy!" lalo pang nanggaliiti sa inis si Gerson ng si Zaffel naman ang humalik sa kanang pisngi niya. "Ayan, para pantay na."
"YOU FREAKS!"
Bago pa man makapag-react si Gerson ay agad ng nagunahan sa pagtakbo sina Zaffel ang Fritz palabas ng campus.
"Habol baby boy!" nang-aasar na sigaw ni Zaffel habang walang humpay sa pagtakbo.
Sabay silang tumigil ni Fritz nang makarating sila sa guard house malapit sa gate ng campus. Sinilip muna nila ang loob ng tahimik.
"Mga bwisit ka—" hindi na natapos ni Gerson ang sasabihin niya ng agad siyang senyasan ng dalawa.
"Shh! Tulog 'yung guard! Makakatakas tayo ng mabilis!" mahinang bulong ni Fritz. "Tara na dali!"
Mabilis na kumilos ang tatlo at sabay sabay na inakyat ang mataas na gate ng university. Kung unang beses siguro silang makikita'y aakalaing superhuman ang mga binatang ito.
"Lezzgo!" malakas na sigaw ni Zaffel nang tuluyan silang makalabas ng gate.
"Unggoy." mahinang bulong ni Gerson.
-----
99%.....Your post has been uploaded!
Sabay-sabay na nagtawanan ang tatlo nang tuluyan nilang mai-upload sa facebook, youtube, at iba pang site ang video na kinuhanan nila.
"Just make sure na marami agad ang makakanood niyan." si Zaffel habang paikot-ikot sa swivel chair.
"Trust me, bro." makahulugang ngiti ni Gerson.
Kilala kasi itong hacker at genius sa computer.
"Wala na ba'ng ibang makakain dito, Fritz?" paghihimutok ni Zaffel habang himas-himas ang kaniyang tiyan. "I'm so effin hungry!"
"Inubos mo na 'yung pagkain ko for one week, Zaf." nanunuyang tumingin si Fritz dito. "Palitan mo 'yun! Hindi pa ko pinapadalhan ni mom."
Sasagot na sana si Zaffel ng biglang magsalita si Gerson.
"Two thousand views, five minutes ago." pagyayabang nito habang pinagmamasdan ang screen ng computer.
Walang tigil ang pagtaas ng views dahil ginawa nila itong ads na kusang magpa-pop up sa screen dahilan para kusang mapanood ito ng mga nagbubukas ng kani-kanilang social media accounts.
"That's what I'm talking about." um-apir pa si Zaffel kay Gerson na sinundan ng isang mahinang pagbatok.
"Isang batok pa, Zaf!"
"Then what?" ngumisi ito ng nakakaloko.
"Nothing. Baka mamatay ako ng wala sa oras." pagsuko ni Gerson dahilan para humagalpak ng tawa si Zaffel.
"Mission success! Ililibre ko kayo ng kahit ano, dali!"
Unang tumayo si Zaffel bitbit ang bag nito't niyaya palabas ang dalawa.
"Palitan mo 'yung groceries ko!" paghihimutok na naman ni Fritz.
"Habulin mo muna 'ko!" pang-aasar nito na sinabayan pa niya ng pagtakbo palabas ng condo unit ni Fritz.
"ZAAAAAAF!!" sigaw ng binatang si Fritz habang patakbo rin na sinundan ni Zaffel.
"Mga siraulo talaga." si Gerson na kamot kamot ang batok bago i-off ang computer. "Hintayin n'yo ako!"
-----
Extra characters lang si Gerson at Fritz, MAAARING hindi na sila lumabas sa iba pang chapters. No one knows. Lol.
BINABASA MO ANG
Adored by the Night
Romance(FORMER: DESTINED WITH A MAFIA HEIR) Si Gaia Villaverde ay isang simpleng babae na may simpleng pamumuhay. Ngunit nang mamatay ang kaniyang mga magulang, wala siyang nagawa kundi tumayo sa sariling mga paa. Hanggang sa makapag-trabaho siya sa pamily...