CHAPTER FOUR
NAKABIBINGING katahimikan ang nangigibabaw dito sa loob sasakyan. Ni walang naglalakas ng loob sa'ming magsalita.
Abala lang siya sa pagmamaneho, diretso lang ang tingin niya sa daan.
Kahit naman kasi ako wala talagang masabi, ang hilig niyang gumawa ng mga bagay na 'di ko inaasahan.
Hindi ko na rin alam kung ano ng nangyari kay Zaffel, hindi naman kasi nag abala si Zach na magsabi man lang sa kaniya na tinangay na niya ako.
"Bakit hindi mo man lang sinabihan si Zaffel na aalis na tayo? Baka hinahanap na ko nun."
Binasag ko na ang katahimikan. Sigurado naman ako na hindi siya mangunguna sa pagsasalita.
"Nakita mo bang may pakialam siya sayo? Hindi ka na nga pinapansin, siya pa rin iniisip mo." natulala akong sandali sa sinabi niya.
Hindi ko inaasahan na sasagutin niya ako. Akala ko babalewalain lang na naman niya ako katulad ng madalas niyang ginagawa.
Matagal ako bago nakasagot, hindi pa rin kasi talaga ako makapaniwala sa nangyayari.
"Ah ang alam kasi ni Zion siya ang kasama ko,baka kasi magtaka siya kapag hindi ko siya kasamang umuwi."
For the first time, I managed to to talk straight without breaking my words.
"Don't worry 'bout that, alam ni Zion na sumunod ako sa inyo."
Kinakausap niya ko ng hindi ako tinitignan, diretso pa rin ang tingin niya sa kalsada. As usual, wala pa ring emosyong makikita sa mukha niya.
"Nanaginip lang ba ako?" wala sa sarili kong tanong.
For the nth time, hindi ko pa rin maintindihan ang nangyayari.
Nilingon niya ako sandali ngunit agad din naman niya itong binawi. Nakita ko pa ang pag-iling niya ng bahagya.
Hindi na niya ako sinagot na ikinadismaya ko.
Ilang minuto pa ang nagtagal at nahagip na ng paningin ko ang malaking bahay ng mga Zaveria. Ipinarada niya ang sasakyan sa garahe at nauna siyang lumabas ng kotse.
Iniwan na naman niya 'kong mukhang tanga.
Bumaba na ako't nakita ko siyang bitbit ang mga pinamili ko. Nanlaki ang mata ko ng buhatin niya ng sabay-sabay ang sampung malalaking plastic ng grocery sa magkabila niyang kamay.
Dumiretso na siya sa loob ng hindi ako pinapansin.
Padabog akong sumunod sa kaniya.
Akala ko pa naman papansinin na talaga niya ako.
Nadatnan ko si Zion sa sala kasama si Lorie. Nagtatawanan pa ang dalawa sa panonood ng action movie...how strange.
Nilingon ko si Zach at dumiretso siya sa kusina.
Naramdaman siguro ni Zion na nakabalik na kami kaya siya lumingon sa direksyon ko. Iniwan niya muna si Lorie na abala pa rin sa panonood.
"Zion, i-ito na pala yung credit card mo," nanginginig kong iniabot sa kaniya ang card, natatakot ako na pagalitan niya ako sa ginastos ko ngayong araw.
"M-medyo malaki yung nabawas diyan, p-pasensya na."
I don't know why pero bigla siyang natawa sa sinabi ko.
"Ano ka ba, hindi naman issue yun." pakiramdam ko'y nabunutan ako ng tinik sa lalamunan dahil sa sinabi niya. Siguro nga kasi mayaman naman sila.
"Akala ko kasi papagalitan mo ko't palalayasin agad," napangiti ako ng makita siyang umiling-iling. "Ah oo nga pala, si Zach ang kasama kong umuwi. Hindi ko na alam kung na'san si Zaffel ngayon, nagmamadali kasi si Zach na umalis e."
Ako tuloy yung nakokonsensya. Sana nakapagpaalam man lang ako kay Zaf.
"I knew it was coming kaya nga pinasunod ko si Zach sa inyo, knowing Zaffel for nineteen years. He's a disaster."
Natawa ako ng mahina sa sinabi niya. Para bang sanay na talaga sila sa ugali ni Zaf.
"Pupunta na pala ako sa kusina, aasikasuhin ko na yung kakainin natin." naka-ngiti akong tumalikod sa kaniya't dumiretso sa kusina.
Hindi ko na nadatnan dito si Zach, malamang nakakulong na naman iyon sa kwarto niya.
Nakita ko ang mga supot ng groceries sa counter at isa-isa itong nilabas. Pinaglalagay ko ito sa mga cabinet na ilang taon na atang walang laman. Pinaghiwa-hiwalay ko rin ang mga wet sa dry goods.
Ilang sandali pa, napuno ang malaking ref nila ng mga pagkain.
How beautiful.
Nagsimula na akong mag gayat ng mga kakailanganin ko. Magaling akong magluto...sabi nila.
And for today's menu, I decided to cook chicken curry for them.
Ilang minuto ang itinagal ko sa loob ng kusina. Butil butil na ang pawis ko dahil sa init na nanggagaling sa kalan.
Ilang kembot pa'y natapos na rin ako sa pagluluto, sakto dahil malapit ng mag alas dose ng tanghali.
Naka-ngiti kong inihain ang niluto kong ulam para saamin.
Mukha akong waitress na naglalagay ng pinggan, kutsara't tinidor, at baso sa bawat upuan. Apat lang ang nilagyan ko dahil wala naman si Zaffel at malamang, gabi na ang uwi n'on.
Masaya kong niyaya si Zion at Lorie na pumunta sa dining table para kumain na, ako na rin ang nagprisinta para tawagin si Zach para bumaba.
"Chicken curry?" naka-ngiting tanong ni Zion ng makita ang niluto ko.
Para naman akong engot na kumindat sa kaniya at tumawa bilang sagot—di ko alam kung sagot ba talaga ang ginawa ko.
"It's Lories' favorite, sigurado akong magugustuhan niya 'to," sandali siyang tumingin sa bata. "Right, Lorie?"
"Yes, totally!" She showed her biggest smile to her brother. Pero nang lumingon na saakin si Zion, nakita ko ang pag-ikot ng mga mata niya saakin.
How nice of her.
"Sige, tatawagin ko na si Zach para makasabay na siya saatin." tumango siya bilang sagot at mabilis kong tinungo ang ikalawang palapag.
As usual, napakatahimik ng corridor.
Kumatok ako sa kaniyang pinto. Ilang sandali pa ang lumipas pero hindi pa rin niya ako pinagbubuksan.
"U-uhm...Zach? Nagluto ako ng lunch natin ngayon, gusto mo bang sumabay sa'min?"
Naghintay ako sa sagot niya pero bigo ako.
Walang gana akong tumalikod at humakbang palayo. Akala ko pa naman makakasama ko siyang kumain ngayon.
Bigla akong natigilan ng marinig ko ang pagbukas ng pinto.
Dali-dali akong lumingon at nakita ko si Zach na nakatayo sa tapat ng pinto ng kwarto niya. Suot pa rin nito ang kaniyang itim na leather jacket.
We both stare at each other for a moment.
I can't help but to smile, I like seeing him a lot. He have this aura that really captivates me.
Pakiramdam ko'y naiilang siya sa ginagawa ko. He suddenly looks away and bit his lower lip. Hinawi rin niya ang kulay itim na buhok.
Medyo naging awkward ang atmosphere kaya nauna na akong maglakad pababa, naramdaman ko naman ang pagsunod niya saakin. Para akong tangang ngiting-ngiti habang pababa ng hagdan.
Nauna akong umupo sa tabi ni Lorie at si Zach naman sa tabi ni Zion. Magkaharap kami ngayon.
Hindi pa rin maalis ang ngiti sa labi ko. Hindi ko alam pero ang saya ko kasi pakiramdam ko unti-unti ko ng nakukuha ang loob ni Zach.
"Ang saya mo 'ata?" naka-ngiting tanong ni Zion saakin.
"Masaya lang ako kasi, sa wakas may makakain na rin tayo sa bahay na 'to."
Zion burst into laughter.
Sumulyap ako kay Zach at nakita ko ang pag-ngiti niya.
Fuck. I'm melting.
BINABASA MO ANG
Adored by the Night
Romance(FORMER: DESTINED WITH A MAFIA HEIR) Si Gaia Villaverde ay isang simpleng babae na may simpleng pamumuhay. Ngunit nang mamatay ang kaniyang mga magulang, wala siyang nagawa kundi tumayo sa sariling mga paa. Hanggang sa makapag-trabaho siya sa pamily...