"Where is he, Daniel?" tanong ko sa aking private investigator na siyang nagsususubaybay sa target. Kailangan kong maipatikim sa lalaking yon ang aking pait na paghihiganti. Hindi ko siya mapapatawad sa pagkuha ng buhay ng pinakamamahal kong babae. Pinatay niya si Nathalie. Pinatay niya ang babaeng magiging ina ng mga anak ko, papatayin ko rin siya. wika ko sa isip ko habang mahigpit na nakahawak sa aking cellphone kung tao lang siguro ito kanina pa ako sinigawan dahil sa nagkaroon na ito ng fracture sa katawan."According sa mga nakakilala sa kanya sir ay patay na daw siya. anang PA (private investigator) niya." Nang marinig niya ang balitang yon gusto niyang sumigaw at mambogbog kong sino ang unang lalapit at kakausap sa kanya. Hindi maganda ang ibinalita nito sa kanya, nag-assume pa naman siya na may magandang balita ito sa araw na ito yon pala wala. Ano pa bang pangit na balita ang dadating sa kanya. Una ang PA (personal assistant) niya nag-resign dahil sa ayaw na siyang maging boss. Pangalawa ang business deal na dapat ay magpapayaman sa kanya ng husto ay nawala dahil sa mga asungot na umagaw sa deal na iyon, tapos ngayon? Mababalitaan niyang patay na ang lalaking pumatay sa Nathalie ko! Bullshit. A complete shit!
"What?" pasigaw kong sabi. How did that happened? What happened, bakit siya namatay? Investigate more Daniel! sigaw ko at pinindot ang end button. This is ridiculous. Shit. I completely piss now.
"Yaya."tawag ko sa katulong.
"Bakit po sir." tanong sakin ng isa sa lima naming katulong.
"Just tell anyone that no one can enter my room. All my friends and family's not allowed. Just today. Got it?" bilin ko sa kanya.
"Opo, sir. agad na sagot niya sakin.
"Ang lalabag sa bilin ko magbalut-balot na siya kaagad at lumayas sa pamamahay ko." dugtong ko pa para walang may magtangka. Alam kong maraming nangangailangan ng trabaho ngayon pero hindi ako magdadalawang isip na magdagdag pa sa mga walang trabaho.
"Opo sir." Kuha po. natatakot na sagot niya sa akin. Habang ako ay tumalikod na at umakyat sa ikatlong palapag nang bahay ko at agad pumasok sa kuwarto ko. Itinapon ko sa ibabaw nang kama ko ang hawak-hawak kong cellphone at agad tinungo ang ref at kinuha ko ang lahat nang beer sa loob. I have eight pieces of beer inside the reef at pinalitan ko iyon nang 12 piraso nang beer na kakabili ko lang kanina.
Umupo ako sa sahig habang ang likod ko ay nakasandal sa paahan ng kama at binuksan agad binuksan ang isang beer na nasa lata at agad tinungga. Ilang minuto pa ang nakaraan nang napahinto ako sa pagtangkang pagbukas ko sa pangalawang bote nang beer nang biglang tumunog ang aking cellphone na nasa ibabaw nang aking kama, paluhod ko itong kinuha at tinignan kong sino ang tumawag. Si Daniel.
"What? Kung bad news lang naman never mind." wika ko.
"Boss, may nakuha akong impormasyon na itong si Roberto Perez ay may anak na babae na nagngangalang "Analia Perez" 25 years old." nakangiting balita sa kanya ni Daniel. "At maganda siya boss." dugtong pa nito.
"At ano naman ang pakinabang ko sa kanya? galit kong tanong sa walang utak kong imbestigador.
"Wala ba boss? Akala ko pa naman interisado ka sa kanya." tila wala utak nitong wika sakin.
"Nasaan ang utak mo Daniel?" nagtitimpi kong tanong sa kanya. My God kong sa tabi ko lang ang gagong to na suntok ko na to e. wika ko sa sarili.
"Cool ka lang boss. Lately nagiging mainitin kana. Huwag mo naman kami idamay. Ginagawa ko lang ang utos mo."
"Kong ginagawa mo ang utos ko, Bakit napunta ang usapan natin sa ganda?
"Kasi maganda naman talaga siya e, pasa ko pa sayo picture niya. Isa pa pwede siya ang pagbuntungan mo ng galit hindi kami na tumutulong sayo. wika nito.
"Sa anong paraan naman aber?" tanong ko sa kanya dahil nakuha niya ang atensiyon ko.
"May kasabihan kasi ako boss e..kung hindi makuha sa magulang sa anak." wika niya sa akin habang tumatawa sa kabilang linya.
"What's the point? tanong ko habang magkasalubong ang mga kilay.
"Dahil patay na ang ama sa anak ka maghiganti. Paibigin mo at iiwan. Ganon lang yon. Pasalamat nga siya dahil hindi mo siya papatayin tulad sa ginawa niya sa alam mo na." mahabang suhestiyon nito. Napawalang imik ako sa kabilang linya at pinag-iisipan ang mga sinabi/suhestiyon nang kaibigan/PA ko. Hindi ko alam kong paano niya naisip ang ganong bagay minsan may utak din pala ang gago.
"Pag-isipan ko." tanging nasabi ko sa kanya habang naghibintay sa isasagot ko.
"Ikaw ang bahala boss. Pasalamat ka on duty ako ngayon kong hindi nahatak na kita diyan sa lungga mo." natatawang wika nito sa kabilang linya.
"Kaya nga nilulubos ko na e."
"Ang gago ini-enjoy ang kamiserablihan ko."
"Hoy! Boss mo ako ngayon kaya huwag ka."
"Boss mo mata mo. Ang suggestion ko huwag mong kalimutan. Ayaw mo pa non, nakaganti kana makakatikim kapa." sagad sa kamanyakang wika nito.
"Gago sana iwan kana nang girlfriend mo."
"Kong iwan niya ako, papalitan ko siya agad." Napatawa siya sa sinabi into sa kanya. "Akala ko na nagluluksa ka, bat ka tumatawa?"
"Gago, ang galing mo kasing magjoke e, tagos hanggang Edsa."
"Sige na. Kailangan ko pa maghanap ng mabiktima inuuhaw na ang bampira. Gusto na niyang manipsip ng laman."
"Hindi ko alam kong paano kita naging kaibigan. Ang manyak mo." kunwari ay nandidiri kong wika sa kanya.
"Tss. Ganon ka din naman."
"Okay na. Ipasa mo ang lahat nang impormasyon tungkol sa babaeng iyon. Kailangan ko lahat baka mamaya kukulangan mo pa."
"Oo na, ito sinisend ko sa email mo check mo nalang. Bantayan mo ang laway mo baka tumulo pagmakita mo ang chicks na to."
"Masyado lang exaggerated. Katulad ka rin sa iba na mahuhulog daw ang panty pero di naman." angal ko.
"Andami mo pang satsat. Nagmamalinis kapa kunwari pero mas malala kapa kesa sakin."
"Oo na a. Just send it to me now. I'll take your suggestion, just watch and see." ani kong may mala-demonyong ngiti sa labi at pinutol na ang linya.
"You took my fiancé, well, I will make suffer your daughter." Mabilis kong ini-on ang aking laptop at naghintay pa nang ilang minuto bago ko nabuksan ang email ko. Agad ko itong tinignan at iniksamin ang litrato at binasa ang impormasyon tungkol dito.
"Analia Perez, I am coming to you and wait my chisel revenge." wika habang piniprint ang mukha nito. Papaibigin kita at saka kita papaiyakin. Ipapatikim ko sayo ang sakit at hapdi na nararamdaman ko. Kinamumuhian kita kahit ikaw pa ang nagtataglay ng pinakamagandang mukha.
Analia.
__________
"Hey, sana magustuhan niyo ang kwentong ito. At paalala lang po ang kuwentong ito ay katha isip lang at walang katotohanan. Don't ambush me if you encounter errors and wrong grammar. Tao lang po at nagkakamali.
PS
Lahat nang cover picture sa mga story ko ay nakuha ko lamang sa google. Maraming salamat sa inyong lahat. Peace be with you all. Muah.
BINABASA MO ANG
HIS REVENGE (✓)
RomanceSi Alejandro "Andro" Zaragoza ay dapat ikakasal na kay Nathalie Shin ngunit sa kasamaang palad namatay siya dahil sa isang car accident at ang masaklap pa ay hindi niya napakulong ang nakapatay dito dahil sa ang fiancée daw niya ang may kasalanan, n...