CHAPTER THREE
LIA'S POV
Maraming tao ngayon dito sa maliit kong grocery store at yon ang pinapasalamat ko una sa lahat dahil hindi ako pinapabayaan ng panginoon. Nagpapasalamat ako sa mga grasyang natanggap ko mula sa kanya kahit wala na akong magulang pero nabuhay parin ako dahil sa perang iniwan ni Tatay sa akin. Namatay ang Tatay ko two months ago dahil sa depression. Hindi niya matanggap na nakapatay siya ng tao. Alam niyang hindi niya iyon kasalanan pero dinamadam niya parin. Oo, inakusahan at kinasuhan siya nang homecide at nakulong pero hindi siya nakulong ng matagal dahil sa walang kasalanan ang ama ko. Nakabangga ang ama ko pero hindi siya ang may kasalanan. Kasalanan ito ng babaeng nagmaneho ng lasing at nang-agaw ng linya.
Mahirap talaga pag-mahirap ka lang dahil mabilis kang mapakulong ng mayayaman dahil sa mapera at maimpluwensiya sila. Tulad nalang sa ama ko nakulong siya ng dalawang buwan dahil wala kaming pera mabuti nalang at tinulungan kami ng kaibigan nila ni mama at napawalang sala si Tatay.
Dalawang buwan. Dalawang buwan ko na ring hindi ko nakikita si tatay, sobrang miss ko na siya lalo na ang mga lambing at luto niya. Aminado naman akong hindi kami palaging magkasama dahil driver si Tatay ng ten wheeler truck at kung saan saan lang ito napupunta para magdeliver. Hindi istrikto si Tatay at hindi rin siya showy sa nararamdaman o pagmamahal niya pero ramdam ko sa sarili ko na mahal na mahal niya ako. Lahat naman ng mga Tatay hindi showy hindi tulad nating mga babae masyadong clingy, touché, etc. Dahil gusto nating minamahal tayo. Namimiss ko na talaga si papa.
"Lia, tulungan mo nga kami dito andaming costumer o." wika sakin ng maingay kong kaibigan na si Paula. Si Paula ay kaibigan ko simula pa nong bata pa kami siya lagi ang binabatukan pagnagsimula na siyang mag-ingay at mambuko sa crush ko. Hanggang sa nag-college kami at kapwa nakagraduate sa kursong Education. Maganda siya maliit ang mukha at may maliit na pangangatawan, in short sexy than me. Tumayo na ako tulungan sila. Ako nga ang may-ari nito pero ako pa ang inuutusan ng tauhan ko.
"Anong pong sa inyo?" Tanong sa lalaking nakaupo at naghahalungkat ng powder soap. Nakasuot siya ng maroon cup na may nakaprint na "NO or ON"? kaya hindi ko makita ang kanyang mukha. Pakamot siyang tumayo at humarap sa akin.
'Wow, ang tangkad pala niya at wow, gwapo ang loko niya. Paano ko ba e-describe? Hmm. Sa susunod nalang a basta brown ang mata niya matangos ang ilong maninipis na labi at mahaba ang buhok na lampas teynga. Asus, sabi ko nga e sa susunod nalang...yong iba. Di ko pa kasi na kita dahil sa jacket niya. Ipapahubad ko ba para makita ang six or eight pack abs niya? Aw, sus, wag nalang tomorrow is another day naman e kong may tomorrow pa.
"Anong klase ng powder soap ang mas effective ito bang kulay green o yong blue?" medyo nahihiya niyang tanong sa akin. Ano? Pati sabon panglaba di niya alam. Aba, anak yata ni Bell Gates to dahil di niya alam. Hindi ba siya nanood ng TV? Aw. Poor guy, pati advertise ni Kris Aquino di niya alam, di niya alam ang Ariel is 7.50. Tsk.
"Heto." sabay turo sa breeze powder na advertise naman ni Carmina Villaruel-Legaspi.
"Are you sure?" tanong niya sa akin. "Oo, yan ang ginagamit ko sa bahay." sagot ko naman sa kanya.
"Wala pala sa choices ko." anang lalaki sabay kuha ng breeze powder. "Thanks, by the way." aniya bago lumipat ng section.
"Your welcome." sagot ko naman sa kanya na may maliit ngiti sa labi.
May ilang costumer pa akong in-assist bago ako bumalik ng counter para naman magpunch ng mga pinamili ng aming mga costumer. Mabuti nga lang at mataas ang mga pasensiya ng mga ito at hinintay nila kong kailan ako babalik ng kaha at yong iba nag-ikot-ikot pa baka daw may makita pa silang magustuhan nila.
"Hello, sorry dahil sa hindi ko kaagad kayo na asikaso." pahinging paumanhin ko sa limang katao na nakapila sa counter.
"Don't worry mabuti nga makapag-isip-isip pa ako kong ano pa ang iba kong bibilhin sa makakalimutin na ako." sagot ng babaeng may edad na nasa 45. Napangiti ako ng tingnan ko ang matanda ngunit nawala din ito ng makita kong inirapan ako ng isang magandang babae na nasa pila.
Mabilis kong nai-punch ang tatlong babaeng nakapila at ngayon nasa harap ko na ang babaeng masungit. Halos pabagsak niyang inilapag sa counter table ang kanyang pinamili at umirap ulit sa akin. Wow, ang sungit niya sayang ang ganda kong hindi maganda ang ugali. Binilisan ko ang pagpunch para mawala ang bad vibes sa store ko.
Nang makatapos na ako akala ko talaga wala na pero meron pa..ang mamang gwapo. Lumapit siya sa counter at may hawak na.....
Napkin? Pfft. Bakit may dala siyang ganon? Babae na nagpa-inject para magkamuscle? Asus..masyado ako a, conclusion agad. Pakamot kamot sa ulo siyang lumapit sakin habang palipat lipat ang tingin sa akin at sa tampon. Namumula. Halata sa mukha nito ang hiya.
"Ah, ahm. Alin na dito ang maganda? Nagpabili kasi ang kapatid ko sa akin e." Nahihiya at medyo namumula pa rin niyang tanong sa akin. Pilit kong itinago ang aking ngiti para hindi siya mahiya lalo.
"Kulay blue ba o violet?" nitong niya ulit sakin habang nakatingin sa dalawang klaseng tampon na nasa kamay niya na animo tinitimbang.
"Pareho naman silang maganda." sagot ko naman sa kanya.
"Sigurado ka?
"Oo. ani ko sa kanya sabay tango."
"Kung pareho silang maganda, ito din ba ang gamit mo?" napalipad Ang tingin ako sa kanya dahil sa tanong niya sa akin. 'Gago to a..dinadaan niya lang yata ako sa painosenteng tanong ng pervert na ito. May pagkabastos din pala. Simpleng bastos.
"I mean, anong ginagamit mo?"
"What?"
_________
HEY GUYS, SANA MAGISTUHAN NIYO ANG CHAPTER NA ITO AT PATULOY NIYO AKONG SASAMAHAN HANGGANG SA MATAPOS ANG KUWENTONG ITO, HINDI LANG SA KUWENTONG ITO KUNDI PATI SA IBA KO PANG GAWA. SHARE your thinking. :) <3 <3

BINABASA MO ANG
HIS REVENGE (✓)
RomanceSi Alejandro "Andro" Zaragoza ay dapat ikakasal na kay Nathalie Shin ngunit sa kasamaang palad namatay siya dahil sa isang car accident at ang masaklap pa ay hindi niya napakulong ang nakapatay dito dahil sa ang fiancée daw niya ang may kasalanan, n...