Biente Cinco

76 4 0
                                    

CHAPTER 25

Nagpapasalamat ako at hindi napansin ni Alejandro na nabago ang frame ng larawan ni Nathalie na dati ay kulay aqua blue ngayon ay dark blue na. Sabagay, paano ba niya mapapansin ito e apat araw siyang hindi nakauwi at ngayon pang siyang dumating ni hindi nga niya ako binati nong kaarawan ko at mas lalo pa noong Valentine's Day, a 16 na ngayon ng Pebrero at February 12 naman ang kaarawan ko pero ni sulat o bati wala akong narinig mula sa kanya.

Pumasok ako sa loob ng kusina at kinuha ang pitsel na may lamang tubig kumuha din ako ng baso at nagsalin ng tubig sa baso at ininom ito. Nagsalin ulit ako ng tubig sa baso at muling uminom at pagkatapos binalik ko na ang pitsel sa ref at ang baso ay sa lababo at hinugasan iyon.

Napalunok ako ng dalawang beses ng makita ko si Alejandro na papalapit sa akin at walang pang-itaas at hindi ko mapigilan ang sarili na humanga sa kanyang abs. Gustohin ko mang ilayo ang aking paningin but I can't because his abs calling me kaya nagmumukha akong asong ulol na naglalaway sa tawo. Napakurapkurap ako ng tumingin siya sa akin napansin niya yata na pinagpantasiyahan ko na ang kanyang magandang bubog kna katawan kaya bigla ko naman kaagad iniwas ang aking tingin at kunwari ay tumingin sa lababo. Papalapit na siya ngayon sa akin ngunit ni isang "hi" ay wala akong narinig mula sa kanya. Lumayo ako sa kanya ng kaunti habang nakatingin parin kay Alejandro na ngayon ay naghalungkat sa loob ng ref. Marahan akong napapikit at tahimik na nagdasal sa Panginoon na sana ay maging okay na kami kahit hindi na niya ako mahalin basta mapatawad niya lang ako sapat na sa akin. Dahil kong mapatawad na niya ako ibig sabihin bati na kami ngunit alam ko na hindi yon sa ngayon ngunit nakahanda akong maghintay.

"Papitlag ako ng bigla nalang tumingin sa akin si Alejandro at nagsalita pagkatapos ng sampung segundo.

"Magluto ka ng Kalderita, pork chop, at pata ngayon na." utos sa akin ni Alejandro na wala man lang pakiusap. Tumango nalang din ako sa kanya at agad lumapit sa ref para makuha na at maihanda ang mga dapat gamitin sa pagluluto. Nakita kong kinuha ni Alejandro ang grapes na nasa loob ng ref at hinugasan bago inilapag sa mesa at umupo doon kinuha niya ang isang newspaper at binuklat ito habang sumusubo ng grapes. Mayamaya tumayo ito at muling hinarap ang ref. Kinuha niya ang fresh milk at nagsalin sa baso pagkatapos ibinalik na niya ito sa loob ng ref at muling bumalik sa pag-upo.

"Lord, please touch this man's heart and please tell him that he can't get peace kong hindi siya matutong magpatawad at tumanggap ng katotohanan. Alam kong sa ngayon ay hindi pa niya ito matanggap pero sana Lord huwag mo siyang hayaang mabulag sa galit."

Pagkatapos kong magluto ng pinapaluto ni Alejandro agad kong isinalin ito sa mga lalagyan at inilapag sa mesa ng mayamay lang ay may nagdoor bell na agad namang ikinatayo ni Alejandro na animoy alam niya kong sino ang darating. Sabagay kanina pa siya may ka text at yon siguro ang inaantay niya ngayon. 

Muli akong bumalik sa kusina para magtimpla ng juice sa pitsel agad kong kinuha ang juicer at hinugasan muna bago ako naghiwa ng lemon pagkatapos nilagyan ko ng tubing at nilagyan ng honey at yelo. Lumbas na ako ng kusina habang dala-dala ang pitsel na may lemon juice at ganon nalang ang pagkadismaya ko ng makita ko kong sino ang dumating. Halos gusto kong kunin ang lahat ng niluto ko sa na nasa mesa ngayon at itapon sa basurahan o kaya ipakain sa aso. Mabuti pa nga ang aso kesa kanya. Nadagdagan pa ang inis ko ng makita ko pang nilagyan ng pagkain ang pinggan ng hayop na Agatha na yan at ang lapad-lapad pa ng ngiti niya sa mga labi na halos umabot na sa kanya noo. Kakainis. Napaatras ako ng isang hakbang ng bigla nalang tumingin sa kinaroroonan ko si Alejandro gusto kong magtago pero hindi na pwede kaya pinili ko nalang ang tumuloy nalang kesa naman sa panonoorin ko lang sila habang naghaharutan habang ako'y nasasaktan. Masama ang loob kong inilapag ang dala kong juice at dali-daling bumalik sa kusina, wala akong pakialam kahit may nagdo-door bell pa sa labas bahala sila diyan na magbukas basta ako ay huhugot muna ng lakas at magpahupa ng galit at selos dito sa kusina habang tinatadtad ng malakas ang walanghiyang buto-buto ng baboy.

Nagpatuloy lang ako sa paghiwa ng may naramdaman akong lumalapit sa akin kaya napalingon ako sa aking likuran at nakita ko ang tila galit na anyo ni Alejandro habang may hawak na maliit na kulay blue na box na may ribbon ma white. Bahagya akong napangiti sapagkat alam ko na kong kanino ito galing. Ganyan palagi siya kapag nagbibigay ng regalo sa akin. Alam kong nakita ni Alejandro ang aking pagngiti kaya agad akong umiwas ng tingin at muling nagseryoso. Nagulat nalang ako ng halos patapon ma ibinigay sa akin ni Alejandroang box na hawak nito na ni isang salita ay walang lumabas sa labi nito Backus isang nakakamatay at nakakalusaw na tingin ang ibinigay na siya at sa box na nasa kamay ko ngayon saka umalis sa aking harapan.

Tinignan ko ang card na nakalagay sa box at binasa ang nakasulat doon.

"Feliz cumpleanos mi amore." Napatawa ako ng mabasa ko iyon at 100% na galing ito kay Stefan Saunders. Nasa Spain pala siya ngayon ang alam ko kasi lagi niyang sinusulat ang lenggwahe na kinarororoonan niya ngayon gawain na niya sa akin ito kaya kapag hindi ko alam ang ibig sabihin nireresearch ko pa sa internet iyon para maintindihan.

Nakangiti akong binuksan ang box at nakita ko ang isang pares ng hikaw na silver na kulay blue ang pinakagitna at ang silver din kuwintas na kulay blue din ang pendant. Sapphire. Alam niyang paborito ko ito. Nagpapasalamat ako kahit ngayon lang dumating ang kanyang regalo at least may bumati at nakaalala sa kaarawan ko.

"Gracias, Steffan." wika ko habang nakatingin sa box na naluluha pa. Dahil kahit kailan di niya talaga ako kinalimutan. He is my first crush and only crush bago pa dumating sa buhay ko si Alejandro at ang paghangang iyon ay nawala ng pinasok ni Alejandro ang puso ko ngunit sinaktan lang naman nito.

"Dalhan mo kami ng tubig, katulad ka rin ng iba." galit na wika ni Alejandro sa akin sabay tingin sa akin ng taas baba na animo'y nadudumihan kaya tumalikod nalang ako kaagad para hindi niya makita ang nagbabadyang luha sa aking mga mata.

Not edited.

    HIS REVENGE  (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon