Trienta Cinco

79 4 0
                                    


CHAPTER 35

Nagising ako ng maaga at nakita ko ang sarili kong nakayakap at nakalingkis ang aking mga binti sa katawan ni Alejandro habang si Alejandro naman ay nakatagilid sa paghiga at nakadantay sa aking tiyan ang kanyang kaliwang kamay at ang kanyang kaliwang paa naman ay napagitnaan ng aking paa. Napangiti ako sa aking nakita at for the first time sumaya ang aking puso pakiramdam ko biglang muling nabuhay ang puso kong namatay.

'For the first time of my marriage life, to this man this is the first time I felt this kind of happiness. Napatingin ako ng matagal sa mukha nitong napakaguwapo. Napangiti ako ng bigla itong nagpout na parang bata saka nagkamot sa kanyang ulo, para nga siyang bata kong titignan.

'Mahal ko ang lalaking to ngunit kailangan ko na siyang pakawalan para tumahimik na rin ang buhay ko para mahanap ko rin ang sarili ko dahil hindi ako ito. Hindi na ako ang dating Analia na tahimik lang na walang problemang malaki. Ang dating Analia ay hindi hinahayaan ang sariling maging alila. Isang bababeng bugbog sarado ang puso, isip, katawan at higit sa lahat hindi patay ang puso. Isang Analia-ang may buhay at naniniwala sa pag-asa.

Marahang gumalaw ang katawan ni Alejandro at dahil sa takot ko na magising siya at makita kong gaano kalaswa ang posisyon naming dalawa kaya sinabayan ko ang pagalaw niya para makaalis ako at makapagpaligo na para maipaghanda na rin ito ng makakain. Masakit ang ulo ko pati ang katawan ko pero kakayanin ko ito wala akong aasahan kundi ang sarili ko kaya kailangan kong bumangon, tumayo at gumawa para mabuhay. Pagkatapos kong maialis ang sarili ko kay Alejandro dahan dahan akong tumayo mula sa pagkakahiga at pati na rin sa pagbukas ng aking kabinet para kukuha ng damit hanggang sa pagbukas at sara ng banyo pero bago pa man ako tuluyang pumasok sa banyo nilingon ko muna si Alejandro sa kanyang kinahihigaan at hinayaan kong tumulo ang mga luha ng kusa. Alam kong labis akong nangungulila sa lalaking ito at labis ko siyang minahal kaya heto labis akong nasaktan. Hinangad ko ang araw na ito. Hinangad ko ang makasama siya sa pagtulog ang mayakap siya sa pagtulog ang pumikit na siya ang nakikita at gumising na may ngiti sa labi dahil kahit gaano man kasama Ang araw basta't nandiyan pa rin siya sa tabi ko ay magiging magaan ito. Hinangad ko ang pagmamahal niya, ang puso niya pero tama nga ang mga sabi-sabi na maghangad lang tayo ng tama lang yong maaabot lang natin hindi yong mangarap tayo ng sobra-sobra. Pareho nalang ang sa akin naghangad ako ng sobra na kahit sa panaginip di ko maaabot, di ko makukuha, ang puso niya. Ang puso ng taong minahal ko ngunit kahit kailan hindi ako kayang mahalin na kahit kailan hindi ako matanggap na kahit kailan di iniisip na nandito lang ako nasa tabi niya nagmamahal, nasasaktan at umaasa sa kanya. Kahit isang lingon di man lang niya nagawa kahit kunting silip di man lang ginawa na kahit sulyap ay hindi niya ginawa. He is the man that I treasure the most except of my father kaya hetong si tanga, nganga. Malaking nganga.

"Huwag kang mag-alala Mahal ko hahayaan na kita. Papakawalan na kita ibibigay ko na sayo ang kalayaan na dapat noon ko pa binigay sayo. Hahayaan na kita kay Agatha, hahayaan na kitang maging masaya. Alam kong hindi ko kayang tignan ka na kasama mo siya na kahalikan mo siya na kalingkisan mo siya pero titiisin ko, sisikapin kong hindi masaktan sapagkat uunawain pa kita. Bibitawan na kita dahil bumibigat ka na. Bumibigat ka na kasi sa puso ko at randam ko ang pagkamatay nito kaya bago pa man tuluyang mamatay ng lubusan ang puso ko kailangan kong sagipin ito. Kailangan kong sagipin ang puso ko sa mga pasakit na hatid nito.

Isinara ko na ng tuluyan ang pinto ng banyo at naligo para makapaghanda na at makapaglinis na ng bahay.

--------

'Hay naku ang sakit na ng katawan ko.' ani ko sa sarili ko at inilagay sa beywang ko ang aking dalawang kamay at hinihilot-hilot ito.

'Maygad, tumatanda na ata si ako a.' Hehe. biro ko sa sarili ko at muling bumalik sa pagpupunas. Nalinis ko na ang buong bahay sa loob nang dalawang oras dahil ang dami kong pinalitan na kagamitan pati kurtina pinalitan ko na rin. Lahat ng mga dekorasyon sa bahay ay pinakialaman ko at dinisplay ko ang mga frames na dati ay siyang nakadisplay dati. Binalik ko na ang lahat na dati na nandito kong ito ang makapasaya kay Alejandro why should I kaya kong ibigay sa kanya ang lahat nakalimutan ko na nga ang sarili kong kaligayahan para lang sa kanya kaya alam kong kaya kong tiisin at indahin ang sakit para kay Alejandro. Ito ang nagagawa at nakakaya ng isang martyr.

Pagkatapos kong malinis at mapunasan ang lahat inilibot ko ang aking paningin. Ang ganda. Ang ganda talaga mula sa kurtina hanggang sa sahig ang ganda talaga.

------

"Nanay Mildred? Nanay Mildred!! Malakas na boses ni Alejandro ang dumagundong sa loob ng bahay ng sa hindi ko alam ang kadahilanan. Mabilis akong lumabas ng kusina at pumunta sa sala kong saan nagsisisigaw  si Alejandro. Malapit na sana ako sa kinatatayuan ni Alejandro ng bigla nalang sumulpot si nanay Mildred at kinausap si Alejandro.

"Bakit po sir? Ano po ang nangyari sir?" sunud-sunod na tanong ni nanay Mildred kay Alejandro habang naguguluhan at ng makita at mapagtanto kong ano ang tinutukoy ni Alejandro pati ito ay nagulat at inilibot ang mga mata sa kabuuan ng bahay. Batid ko sa kanilang mga mukha ang pagkagulat at pagkamangha dahil sa ang dati nitong mukha ay bumalik na. Ang dati na halos walang buhay na bahay ngayon ay may buhay na at ang mga dating mga picture na kinuha ko at itinabi ibinalik ko na at dinagdagan ko pa. Dinisplay ko ang mga picture nina Nathalie at Alejandro pati ang paborito nitong mga bulaklak ay siya ngayon ang nakalagay sa plorera na binili rin mismo ng babae ang mga kulay lavender na mga kurtina, kulay lavender na carpet at marami pang iba. Ito lang ang alam kong makapasaya kay Alejandro at kakayanin ko. Ang mga picture naming dalawa ni Alejandro ay siyang pinalit ko sa stock room kong saan nakalagay ang lahat ng larawan ni Nathalie kahit man lang sa huling araw ko ay mapapasaya ko man lang siya. Gusto kong makita siyang masaya. Gusto kong makita siya magaling na.  Gusto kong ibalik siya sa dati kong saan ay hindi niya nakilala si Nathalie pero malabo dahil ang lahat ng ito ay siyang magpapasaya sa kanya kahit alam kong masasaktan siya dahil alaala nila ito ni Nathalie ng nabubuhay pa ang babae.

Napakurap-kurap ako ng kapwa sila lumingon sa kinatatayuan ko kaya napaayos ako ng tayo at tumingin sa kanila ng alanganin at ngumiti.

"Good morning." bati ko sa kanila ng nag-aalangan ngunit tinitigan lang nila ako at kapwa hindi nagsasalita. Hanggang sa makita ko ang mukha ni Alejandro na tila hindi nagustuhan ang ginawa ko.

"May mali ba? Pangit ba? Napangitan ba sila? May kulang pa ba? Hindi ko ba naperfect ang lahat ng ito? Ano pa ba ang kulang ko at ng maidagdag ko na? Tell me."

---------

A/N

This story will be end soon.

Missingvalentina 😘😘😘







    HIS REVENGE  (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon