Trece

80 2 0
                                    

CHAPTER 13

Hindi ko alam ang aking gagawin ng nasa harap na ako ng simbahan kailangan ko ng magmartsa papasok sa loob ngunit parang nanginginig ako sa hindi ko alam na dahilan dahil siguro sa sobrang tuwa dahil sa wakas papakasalan ko ang lalaking mahal ko at mahal ako. Ito siguro ang mga nararamdaman noon ng mga ikinakasal yong pinapawisan ka na pati talampakan. Nakakaba na hindi mo alam ang gagawin. Pinunas ko sa aking damit ang aking dalawang kamay dahil sa namamasa na ito ng pawis habang nakahawak ako sa aking boquet na puro puti at mas lalo akong kinabahan ng tumunog na ang hindi pamilyar sa akin na kanta sa kasal. Biglang bumukas ang pinto ng simbahan at animoy slowmo ang lahat hanggang sa tuluyan ko ng makita ang lalaking nakatayo sa harap ng altar. Dahil siya kaagad ang hinanap ng aking mga mata ang lalaking papakasalan ko at papangakuan kong mamahalin ko habang buhay. Ang lalaking sasamahan ko sa lungkot man o saya, sa hirap man at ginhawa. Siya na ang lalaking mamahalin ko habang buhay at sa araw na ito, ito ang simula sa pangakong iyon.

Nagsimula na akong maglakad habang ang mga mata ko ay nasa kay Alejandro parin ayokong tumingin sa mga tao na nasa paligid ko dahil ang gusto ko lang tingnan ay ang lalaking magiging asawa ko at makakasama ko sa buong buhay ko. Sa araw na ito pinapangako ko sa harap ng altar, sa harap ng Panginoong maykapal, at sa harap ng mga taong naririto magiging asawa niya ako at hindi ko siya iiwan sa kahit anumang pagsubok na darating sa buhay ko sa buhay namin ilalaban ko ang pagmamahalan namin at itatayo ito hanggang sa huli.

___

Sa wakas natapos na din ang aming kasal at ngayon ay halos wala na ang mga bisita namin at saka alas otso na ng gabi alam kong pagod na din sila katulad ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo para hanapin ang aking asawa mabuti nalang at nakapagpalit kaagad ako kanina ng damit ngayon ay nakasuot ako ng kulay light yellow dress na hanggang tuhod V neckline siya at hanggang siko ang manggas simple lang siya pero sexy dahil hakab ito sa aking katawan at malaki ang pasasalamat ko dahil hindi na ako nakatakong kundi nakaflat ng kulay puti na may puting atrap na paikis sa aking paa.

Sinipat ko ang reception para hanapin ang aking asawa at hindi rin ako natagalan sa paghahanap sa kanya dahil nakita ko siya bandang exit ng reception at kinakausap ang kanyang dalawang kaibigan lumapit ako sa kanila ngunit hindi nila ako napansin dahil sa busy sila sa pag-uusap. Tumikhim ako para mapansin nila ako at ganon nalang ang kanilang mga reaksiyon ng makita nila ako. Nanlaki ang kanilang mga mata na halatang nagulat sila ng makita ako at tumigil sila sa pag-uusap ngumiti ako sa dalawang kaibigan ni Alejandro bago lumipat ang tingin ko sa kanya na seryoso ang mukha at animo'y galit. Magsasalita pa sana ako ng inunahan ako ni Alejandro.

"Umuwi na kayo pare gabi na." seryosong wika ni Alejandro sa kanyang mga kaibigan. Tumingin ang mga ito sa kanya na animo'y nagtatanong.

"Sige na umuwi na kayo gabi na pagod na rin ako." wika ulit ni Alejandro na medyo napipikon na. Nagsitinginan ang dalawa bago tumingin kay Alejandro at sa akin saka tumango at nagpaalam na tumango naman ako sa kanila at ngumiti pero bago pa sila tuluyang umalis nagsalita muna ang isa niyang kaibigan na si Daniel.

"Huwag mo ng ituloy pare naaawa ako sa kanya." sabi nito saka tuluyang tumalikod. Napatingin ako kay Alejandro at nakita ko ang pagtagis ng kanyang mga bagang at pagbilog ng kanyang kamao.

"Are you alright, Ale?" nag-aalala kong tanong sa kanya. Tumingin siya sa mga mata ko na may puro galit at nagsalita.

"Don't call me that name because you have not the right to call me that." galit niyang wika sa akin. Napaawang ang aking bibig na napatingin sa kanya habang nagtatanong.

"At bakit naman?" pilit kong nakangiting tanong sa kanya gusto kong ipakita sa kanya na hindi ako nasasaktan dahil sa sinabi niya na naiintindihan ko siya dahil sa pagod siya at nakainom ng kaunti.

"Because you are not my wife but my slave."

Natigilan ako sa sinabi niya at tila napipi sa aking narinig hindi ako makapaniwala na ang asawa ko na ang lalaking pinakasalan ko na ang lalaking mahal ko ay sasabihan akong hindi niya asawa at slave lang niya hindi ko lubos maiisip kong bakit at dahil sa mga naiisip hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.

"But I am. We're married right?" wika ko sa kanya habang hilam sa luha ang aking mga mata.

"No. You're not Nathalie so why should I call you my wife. Kapalit ka lang niya at hihigantihan lang kita after your father killed my true fiance." mahabang litaniya niya na siyang nagpatigil ng aking mundo. At naramdaman ko nalang ang aking sarili na bumagsak sa semento kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko sa aking nga mata.

"This is not true." ani ko sa sarili habang hindi ko alam kong ano ang aking gagawin. Tumingala ako para tignan sana si Alejandro ngunit wala na siya sa aking harapan at tanging ang driver nalang ang nakatayo sa bandang pinto habang naaawang nakatingin sa akin.

"Bakit? Paano?"

____
A/N

DITO NA MAGSISIMULA ANG KALBARYO NI ANALIA AT ANG PAGHIHIGANTI NI ALEJANDRO SA BABAE. SABAYAN NIYO LANG AKO AT SABAY-SABAY NATING TUKLASIN ANG BUHAY NA NAKATADHANA PARA KAY ANALIA. THANK YOU. 😢😢

    HIS REVENGE  (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon