CHAPTER 37Hindi ko alam kong bakit umuwing lasing si Alejandro basta ang alam ko lang masaya siya. Masaya siya dahil naibalik na sa dating kaayusan o ang arrangement ang bahay niya. Masaya siya dahil nasasaktan niya ako at baka iniisip na niya na unti-unti ko na ring pinapatay ang sarili ko dahil sa pinaggagawa ko doon siya nagkakamali dahil ang hindi niya alam ay matagal na itong patay at nakalimot. Nakalimutan ko ng magmahal, magmahal sa sarili. Iyon ang pinakamalaking nakalimutan ko at handa kong gagawin ang ginawa ko ngayon ng paulit-ulit lalo na sa taong mahal ko. Lahat tayo kayang magsakripisyo para sa taong mahal natin kaya kong sakali mang sabihan mo akong tanga at martyr huwag kang mag-alala alam ko na yan. Kapag nasubukan mo ng magmahal kapag natutunan mong magmahal at kapag nagmahal ka gagawin mo ang lahat kahit alam mo na siya ang magbabago sayo. Ang dahilan kong bakit ka naging masaya at sumaya. Ang dahilan kong bakit ka malungkot at kong bakit ka nasasaktan tulad sa nararanasan at nararamdaman ko ngayon. Bakit natin iisipin ang lahat ng mali natin kong alam naman natin sa sarili natin na iyon ang magpapasaya sa atin. At bakit pipigilin ang sarili natin na alam naman natin na kahit papano ay sumaya tayo. Sumaya tayo dahil sa kanya. Dahil minsan naramdaman natin ang magmahal at alagaan ang taong mahal natin kahit nasasaktan tayo. Ang love ay hindi lang salita but love is how to give what you have and don't expect that you earn more but to accept what he has. Hindi naman ibig sabihin na mahal mo siya kaya dapat suklian ka niya ng katulad ng pagmamahal mo sa kanya dahil lahat tayo ay may sariling level ng pagmamahal. Just think this all the time that sometimes you can't harvest what plant that sometimes you planted love without earnings.
Sa pagmamahal pantay pantay ang tingin natin sa mahal natin walang mali, walang panloloko at walang kasinungalingan in short a perfect person siya and we praise him even more or love kahit mali na at marami ng nadadamay at kapag natatauhan na tayo sa huli doon na natin nakikita ang lahat ng mali sa kanya pero sa case ko kahit nakikita ko na ang ginagawa niya sa akin ay mahal ko pa siya Kasi kahit anong gawin ko mahal ko talaga siya at nakita ko na rin ang dating siya at iyon gusto kong ibalik sa kanya ang dating siya at palayain siya siya sa mga hinanakit niya sa buhay. Ang palaging nakikita ko lang sa kanya ay ang dating katauhan niya, katauhan na sinasabi ni nanay Mildred. Ang taong mabait, matapang, guwapo, at mayaman kong tanungin niyo ako kong bakit ako ganon isa lang ang sagot ko. Kasi nagmahal ako kahit hindi siya perpekto. Sino ba naman ang perpekto sa mundo? Wala diba, kasi nga tao tayo natutukso,nabubulag sa katotohanan at higit sa lahat nagmamahal kahit alam natin sa sarili natin na masasaktan Lang tayo sa bandang huli basta sumugal tayo. Sumugal sa pag-ibig at nagbabakasakaling susuklian din ang pagmamahal na ibinigay at inialay natin sa mga taong mahal at minahal natin.
Kaya heto ako ngayon nakatingin lang kay Alejandro na natutulog kakatapos ko lang siyang palitan ng damit at ngayon ay hawak hawak ko ang isang puting towel at pinupunasan ang pawis nitong nagbubutil-butil.
"Napakapawisin mo talaga para kang bata." ani ko sa natutulog na si Alejandro at ngumiti habang hinawi ang kanyang buhok papunta sa kanyang ulo para makita ko ang kanyang mukha. Lagpas two years na kaming magkakilala at dalawang taon na kaming nagsasama pero hindi talaga siya nagbago ng gupit siete pulgada pa rin ang gupit nito at tanging balbas lang niya ang nagbabago dahil dati hinayaan niya lang ito pero nitong mga buwang nakalipas pinaahit niya na. Kakaiba talaga ang utak nito para talaga siyang sala sa lamig sala sa init parang temperature lang ng Pilipinas.
At ng matapos ko siyang punasan saka naman ako nakaramdaman ng antok Kaya pinili ko nalang ang umupo sa upuan at itinabi sa natutulog na si Alejandro habang nakaupo ako sa isang upuan tumayo ako para itabi ang mga ginamit kong maliit na planggana at pamunas. Itinabi ko na rin ang upuan na kaninay ginamit at humiga sa tabi ni Alejandro ngunit hindi kaagad ako natulog bagkus tumagilid ako at hinarap siya. Tinitigan ko ng matagal ang kanyang mukha at hinayaan ang sarili kong maramdaman ang init ng katawan nito at mas lalo pang isiniksik ang sarili ko sa kanya. Kahit panakaw lang kahit saglit lang. Kahit isang beses lang maransan ko man lang mahiga at matulog sa tabi niya ng walang away at hindi ako sinasaktan. Walang takot at walang alinlangan na nararamdaman kundi excitement at kailig lamang kaya mas lalo ko na siyang love ngayon.

BINABASA MO ANG
HIS REVENGE (✓)
RomanceSi Alejandro "Andro" Zaragoza ay dapat ikakasal na kay Nathalie Shin ngunit sa kasamaang palad namatay siya dahil sa isang car accident at ang masaklap pa ay hindi niya napakulong ang nakapatay dito dahil sa ang fiancée daw niya ang may kasalanan, n...