Desesiete

81 6 2
                                    

CHAPTER 17

"Sino ang naglinis ng bahay?!!" galit na galit na sigaw ni Alejandro na halos dumagundong sa loob ng bahay kaya dali dali naman akong bumangon at nagasuot ng tsenilas saka lumabas ng kuwarto wala pa naman ngayon si nanay Mildred dahil sa may binili lang ito sa tindahan. Mabilis ang mga hakbang kong lumapit kay Alejandro habang ang mga mata nito ang nakatutok lang sa mga paintings,  pictures at plorera.

"Nanay Mildred nasaan po ba kayo? Sino ang pakialamerang gumalaw dito? galit pa rin na sigaw nito habang nakatutok parin ang mga mata nito doon habang taas baba ang kanyang dibdib sa galit.

"A-ako po." nabubulol kong wika mula sa kanyang likuran. Mabilis na lumingon sa akin si Alejandro sabay hawak sa aking damit habang ang mga mata ay tila nagbubuga ng lava at umuusok ang ilong.

"Bakit mo pinakialaman? Ha!" sigaw niya sa akin habang hinihigpitan ang paghawak sa aking damit at imbis na tignan ko siya sa kanyang mga mata ay yumuko nalang ako dahil ayokong salubungin ang kanyang tingin na puno ng galit at pagkamuhi.

"P-pasensiya n-na p-po kayo ako po kasi ang naglinis kanina."

"Anong pasensiya,  ha? Hindi mo ba alam na si Nathalie ang nag-arrange niyan. Siya ang naglagay niyan diyan kaya huwag mong pakialaman mamamatay tao ka!" sigaw sa akin ni Alejandro sabay salya kaya napasalampak ako sa sahig. Matatatanggap kong sigawan ako ni Alejandro o di kaya ay laitin pero ang saktan niya ako ay iba na. Galit na galit talaga siya sa akin at kaya niya akong saktan dahil ngayon palang hindi nong pagkatapos pa lang ng aming kasal ay sinaktan na niya ako. Tumulo ang aking mga luha sa aking mga mata at tumingala kay Alejandro at pilit salubungin ang kanyang tingin habang pilit kong iniinda ang sakit.

"Pasensiya na po hindi ko po alam." naiiyak kong wika kay Alejandro.

"Wala kang alam,  wala kang alam. Ilang beses mo ng sinabi sa akin yan dapat matuto ka ng babae ka." galit na galit paring wika sa akin ni Alejandro habang dinuduro-duro pa niya ako.

"Wala kang lugar sa pamamahay na to pasalamat ka nga na hanggang ngayon nandito ka pa rin!"

"Pasensiya na po sir. Promise hindi ko na po uulitin." umiiyak ko paring wika sa kanya.

"Dapat lang dahil hindi ko alam baka kong ano pa ang magawa ko sayong litse ka. At please lang,  don't touch anything,  everything it's because my Nathalie own this. All of this,  you got it?" ani pa ni Alejandro sa akin habang pilit tinitimpi ang sarili. Kitang-kita ko kanina kong paano gumalaw ang kanyang mga ugat sa mukha at kong gaano ka higpit ang pagkuyom niya ng kanyang mga kamao. Kaya kong tiisin na sigawan,  murahin,  at lait-laitin niya ako pero yonh ipamukha niya sa akin na mas mahal niya ang Nathalie-ng iyon kaysa sa akin halos mawarak ang aking puso at halos hindi ako makahinga dahil mula mismo sa bunganga ni Alejandro ang lahat ng yon. Di ko akalain na pagmamay-ari pala ang lahat ng mga yan ni Nathalie hindi ko alam at wala akong ka alam-alam kong alam ko lang sana ay umiwas nalang ako.

"Again,  don't touch anything. Makinig ka sa akin dahil kaya kitang palayasin sa pamamahay ko if you don't follow my order."

"Yes Sir." sagot ko agad habang pilit akong tumayo. Napalakas yata ng pagtulak sa akin ni Alejandro a,  ang sakit ng balakang ko. Pagkatapos kong sagotin ang sinabi niya ay agad naman siyang umalis sa harapan ko ngunit bago pa man siyang tuluyang lumayo ay lumingon ito sa akin at nagsalita.

"Don't touch my wife's things again." wika niya sa akin na may pagbabanta at kitang-kita sa mga mata nito ang kaseryosohan na hindi ito nagbibiro at ang mas masakit pa ay tinawag niyang wife si Nathalie habang siya naman ang totoong asawa nito.

'Paano niya naging asawa ito e sa patay na ito.?'

Tinignan ko lang siyang papalayo sa akin hanggang sa makapasok na ito sa kanyang silid at ako naman ay unti-unting inupo ang sarili sa couch para hindi tuluyang mabogbog ang sarili habang ang mga luha ko ay malayang tumutulo sa aking mga mata habang sumisinghot pa at ng tuluyan ng makaupo ay dinahan dahan kong hinilot-hilot ang sarili.

'Dapat pala hindi teacher ang kinuha ko dapat sana ay nurse dahil sa kong mabogbog man ang katawan ko marunong akong gumamot.' ani ko sa sarili ko at tumawa pa ng mahina dahil sa pagjoke ko sa aking sarili.

___

Nasa kusina ako ng madatnan ako ni nanay Mildred habang hinihimas-himas ang sobrang masakit kong balakang. Masakit talaga napasobra yata sa lakas kanina si Alejandro kaya ganito kasakit ang nararamdaman ko.

'Analia,  aminin mo na kasi sa sarili mo na sobrang nagalit sayo si Alejandro dahil hinawakan at pinakialaman mo ang mga gamit ng pinakamamahal niyang babae.' anag isip ko na mas dumagdag pa sa sakit na nararamdaman ko.

'Ang lintik na ako utak ko hindi nalang iisa ang iniisip dumagdag pa siya sa hirap ko ngayon. Masakit na nga ang balakang ko mas pinasakit niya pa ang puso ko.

'Hoy,  isip sakit sa katawan ko nalang ang intindihin mo hindi ang love life ko langhiya ka.' pagalit na wika naman ng kabila kong utak.

"Ano ba ang nangyari sayo anak?" nag-alalang tanong sa akin ni nanay Mildred.

"Naku nanay huwag mo akong alalahanin nadulas lang ako kanina sa CR." pagsisinungaling ko kay nanay sabay abot ng kanyang mga pinamili at saka inilapag ko ito sa ibabaw ng mesa. Naparami yata ng pinamili si nanay Mildred at dalawang plastic bag na medyo malalaki ang inuwi niya. Tumingin si nanay sa akin na may pag-alala.

"Bakit ba kasi hindi ka nag-iingat." ani niya sa akin at inilagay ang kanyang palad sa aking balakang at hinimas ito ng marahan.

"Naku nanay wala lang to at saka hindi ko naman inaasahan na mangyayari yon sa akin." Hindi talaga. Hindi ko talagang inaasahan na isalya ako ni Alejandro ng dahil lang sa mga iyon at ang pinakamasakit pa ay tinawag pa nitong asawa samantalang ako naman ang pinakasalan niya. Sabagay pinakasalan niya lang ako para paghigantihan hindi para mahalin.

"Ouch." malakas kong sabi na siyang nagpaiktad kay nanay Mildred nasa balakang ko pa kasi ang kamay niya kaya akala niya siguro nasaktan ako sa marahan niyang pagmamasahe.

"Masakit ba talaga anak?" puno ng pag-alalang tanong sa akin ni nanay. Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng bahagya.

"Kunti nanay pero okay lang ako mawawala din to pagnaligo ako mamaya ng hot water.

"Makakalbo ka sa hot water anak." biro sa akin ni nanay Mildred.

"E di maligamgam." sagot ko naman sa kanya saka binuksan ang plastic para malipat na sa ref ang kanyang pinamili.

"Andami mo yatang pinamili nanay a." ani ko sa kanya sabay kuha ng dalawang broccoli at inilagay sa pinakababa ng ref.

"Magluluto kasi ako ng paborito ni Alejandro." masayang wika sa akin ni nanay Mildred at ng marinig ko ang sinabi niya agad naman akong may naisip na ideya.

Tumayo ako at humarap kay nanay Mildred na may malawak na ngiti sa labi.

"Nanay,  turuan mo naman ako o." ani ko sa kanya na excited ang boses.

"Asus, in love ka talaga kay Alejandro no?" tukso sa akin ni nanay Mildred na may pakindat-kindat pa sa akin. Ako namang si gaga ay kinilig saka tumango.

"Syempre naman nanay no,  pinakasalan ko kaya siya at pinangakuan." sagot ko naman at hinarap muli ang mga gulay na masa plastic.

"Sana hindi ka sumuko sa kanya kaagad, anak."

"Sana din po nanay at susubukan ko po talaga na hindi sumuko para sa kanya."

--------

A/N

HAPPY NEW YEAR TO ALL OF YOU. THANKS FOR READING ALEJANDRO AND ANALIA'S STORY.

PLEASE VOTE.

KIM TAEHYUNG HUBBY! LOVE YOU.😘😘😘

    HIS REVENGE  (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon