LIA'S POV
Pagkatapos kong pumayag na magpakasal kay Andro pagkakinabukasan maaga pa siyang pumunta sa bahay ko at kinaladkad ako papunta sa kong saan at Basta ang Alam ko lang may pupuntahan kaming botique at iyon Ang Hindi ko alam kong kaninong boutique kami pupunta para magpasukat at magpatahi ng aming susuotin sa araw ng aming kasal. Siya na daw lahat ang magpaplano at in fairness may sarili siyang drawing at ang ganda ng design. Ewan ko lang kong bakit pero ng makita ko ang dala dala niyang design parang kinabahan ako ng hindi ko alam ng tanungin ko siya kong sino ang gumawa at kanino siya nagpagawa ang sagot lang niya sa akin ay "SPECIAL SOMEONE" and that special someone feels me creepy. I don't know why I feel that and I know there's always a reason. Hindi ko nga alam kong sinong babaetang to ang kumukuha ng body measurements ko basta ang alam ko lang natulala siya ng makita ang drawing ng gown at hindi ko alam kong bakit dahil pagkatapos niyang tignan ang gown tumingin siya sa akin ng masama na animo isa akong malaking mali. Pagkatapos niya akong tingnan ng masama lumipat ang tingin niya kay Alejandro na animong may gustong sabihin? Itanong? Basta unease ang mukha ng babae.
Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa na nagtatanong. Nakita ko ang expression ng mukha ni Andro napakaseryoso at halos wala siyang reaksiyon ng mapansin nilang dalawa na sa kanila ako tumitingin agad nilang binawi ang kanilang mga mata sa isa't isa at kumilos na animoy hindi nangyari ang tinginan/tanungan system.
"So, Andro, how are you?" tanong ng babae kay Andro at pambasag na rin sa nakakabinging katahimikan sa pagitan naming tatlo. Napatingin ako kay Andro at nakita kong umiba ito ng upo saka kinuha ang isang catalogue na nasa mesa at binuklat niya ito at tumingin sa unang pahina at pinagmasdan ang design nito bago sumagot.
"Fine." pormal na sagot nito sa babae at pinagpatuloy ang pagtingin tingin ng iba pang designs.
"So, you're going to be a married man soon, can we meet up after this? Just coffee."
Tiniklop ni Andro ang catalogue at tumingin sa babae saglit. Kinuha niya ang isa pang catalogue at at bumuklat ng pahina this time binuklat niya ito sa gitna at nagsalita.
"Sure. If that's okay to my fiance." wika ni Andro sa kanya habang ang mga mata nito ay nakatitig sa akin. Napatigil sa pagmeasure sa aking balikat ang babae at tumingin kay Andro na kunot ang noo na animoy hindi makapaniwala sa sinagot nito sa kanya at wala siyang makuhang sagot ay lumipat ang tingin ng babae sa akin. Asking my permission. Kaya kahit hindi ko siya kilala nginitian ko muna siya bago tumango.
"It's okay with me Alejandro." wika ko kay Andro sabay ngiti sa kanya ng matamis gumanti rin siya ng ngiti sa akin same as mine at ang hindi ko lang mapigilan na pagtakhan ay yong babae at ang pagtaas ng kilay nito ng gumanti ng matamis na ngiti sa akin si Andro.
"ANO BA ANG NANGYAYARI NGAYON? BAKIT PARANG AKO ANG THIRD PARTY." wika ko sa aking sarili habang nakatingin sa babae na ngayon ay lumipat na sa kabila kong balikat sa pagsusukat.
'Smell fishy.' Hmm.
_____
Pagkatapos kong masukatan umupo ako sa couch at tumingin tingin sa brochure na nasa harapan ko na siyang tinitignan kanina ni Alejandro. Isa isa kong binuklat ang bawat pahina at humahanga sa bawat larawan ng mga wedding dress. Ang gaganda ng mga designs nila masyadong millenial ang pagkakagawa at halatang pangmayaman ang mga ito. Inilipag ko na ang isang brochure dahil natapos ko ng tignan ang mga ito saka ko kinuha ang isa pa. May tatlong brochure sila ang isa para sa mga bridesmaid at flower girl naman na nakahango ang mga desenyo sa naunang brochure. Binuklat ko ulit ang mga pahina at ganon parin ang aking mga nakikita ang gaganda at mga unique na style hanggang sa nabuklat ko ang isang pahina na sa tingin ko ay siyang may pinakamagandang desenyo sa lahat. Isang napakagandang gawa. Ang damit ay off-the-shoulder na puro lace at kong isusuot mo ay hapit sa itaas banda ng katawan at ang haba nito ay lagpas talampakan ng babaeng nagmomodel ng wedding dress. Para siyang princess style na wedding dress at para sa akin para siyang isang diyosa dahil sa kanyang suot. Napanguso ako habang pinararaanan ko ito ng aking mga daliri at ini-imagine ang sariling nakasuot ng ganitong wedding dress ngunit dahil sa katotohanan na may dress na ako at hinding-hindi ko maisususot ang ganito kagandang damit kaya pinilit kong iwaksi ito sa aking isipan. Nakasimangot akong tiniklop ang brochure at ibinalik ito sa ibabaw ng mesa at ng itaas ko amg aking paningin nakita ko si Alejandro na nakatingin sa akin kaya agad naman akong ngumiti sa kanya.
"Let's go." yaya ko sa kanya sabay hawak ng kanyang kamay na nakangiti. Tumingin siya sa akin sa sabay iling ng dalawang beses at ininguso ang babaeng nagsukat sa akin kanina.
"Nakalimutan mo bang may coffee break kami." wika niya sa akin sabay wink ng nakakaloko kaya natampal ko siya ng mahina sa kanyang braso at ngumisi ng malaki.
"Uh-uh. wika sabay sapo ng aking noo.-sorry Alejandro I forgot." ani ko sa kanya sabay sandal ng kaunti sa kanyang balikat.
"Dapat yata bigyan kita ng diary book para hindi mo makalimutan." panunukso nito na siyang nagpakunot ng aking noo.
"Bakit diary book?" tanong ko sa kanya na nagtataka.
"Eh, kasi-bahagya siyang humarap si Alejandro sa akin bago nagpatuloy- makakalimutin ka kaya kailangan mo ng listahan para di mo makakalimutan." paliwanag niya sa akin saka pinindot ang tungki ng aking ilong.
'Wow. Bagong gesture nakakagulat siya ha. Andami niyang pakulo at pakilig moments." Kakainlove.
"Haha. Grabe ka naman. Hayaan mo po sa susunod tatandaan ko na po."
"Ang cute." wika niya sa akin sabay pisil ng aking ilong ngunit bigla nalang kaming nagulat ng bigla nalang may nahulog sa sabig. Napatingin kami sa kong ano ang nahulog at kong sino ang may gawa.
"Tss. Lipstick lang pala ni babae. Ano ba ang deal sa babaeng ito?" tanong ko sa aking sarili habang tinitignan ko siyang pinululot ang lipstick niyang nahulog.
"Ahm. Alejandro magtataxi nalang ako pauwi." wika ko kay Alejandro saka pambasag na rin sa tensiyon na nasa paligid na medyo lumalala ngayon.
"Are you sure, Li?" may halong takot na tanong sa akin ni Alejandro.
"Yes. Very." sagot ko naman sa kanya sabay hawak ng kanyang kamay at pinisil ko ito ng dalawang beses for assurance.
"Just go with your FRIEND sa friends date niyong dalawa." wika ko sa kanya na nakangiti saka tumingin sa babae. Kinlaro ko talaga ang salitang friends para naman maitaga ko sa babaeng yan at magising sa katotohanang off-limit na si Alejandro ko.
"Okay, Li. And yeah, she's my friend Agatha."
"Yeah, friends."
____A/N
"AFTER NG WEDDING NILA NI ALEJANDRO AT ANALIA DOON NIYO NA MABASA KONG PAANO MAGHIGANTI SI ALEJANDRO KAY ANALIA. AND, PLEASE BE WITH ME AND LET'S FIND OUT WHAT HAPPENED TO THEM. THANK YOU. 😘😘😘😘
BINABASA MO ANG
HIS REVENGE (✓)
RomanceSi Alejandro "Andro" Zaragoza ay dapat ikakasal na kay Nathalie Shin ngunit sa kasamaang palad namatay siya dahil sa isang car accident at ang masaklap pa ay hindi niya napakulong ang nakapatay dito dahil sa ang fiancée daw niya ang may kasalanan, n...