LIA'S POV"Paula ano ang ginagawa mo?" naiirita kong tanong sa kaibigan ko habang nakasimangot na nakaharap sa salamin dahil sa hawak-hawak niya ako sa magkabilang balikat at pilit pinaharap sa salamin para daw makita ko ang maganda kong mukha. Maganda daw ako kaya daw napalingon ko ang katulad ng Alejandro na yon. Oo. Tama yong iniisip niyo, siya nga yong lalaking sunod ng sunod sa akin. Dalawang linggo na siyang pabalik-balik sa store ko at nakakainis na. Nakakainis dahil tinitingnan ako ng mga tao dahil sa kanya. Dahil sa mga kalokohan niyang pinaggagawa at ang nakakainis pa dahil sa mga babaeng nagpaparinig sa akin. Ang nakakainis pa yong mga banat niyang pick-up lines Alam niyo na iyon? Ang corney diba katulad nalang sa pinik-ap line niya sa akin kahapon.
Alejandro: Analia, sitaw kaba?
Dahil sa inis ko sinagot ko naman siya pambara sa pick up line niyang iyon
Ako: Bakit? Dahil sinlaki ako ng sitaw?
Alejandro: Kasi ang bitter mo e."
"What? Diba ampalaya yon. Magpick-up line ka na nga lang waley pa. Alang kuwenta."
Alejandro: Ganon naman talaga kayong mga babae e mali lang naming mga lalaki ang lagi niyong nakikita.
"Ako: Bilhan mo muna ako ng WiFi at ng hindi ako magloloading." ani ko sa kanya at lumayo na sa kanya
May mga babaeng nakatingin kay Alejandro na Alam kong may gusto kaagad sa lalaki kahit unang kita pa lang nila sa lalaki. Pagmakita ko si Alejandro nakakaramdam ako ng kaba, doble ang kabang nararamdaman ko keysa una. Hindi ko alam kong ano talaga ang pakay niya sa akin. Kinakabahan ako dahil sa takot. Takot dahil hindi ko alam if he mean what he says. Takot dahil medyo nagugustuhan ko rin na siya kahit na dalawang linggo ko palang siya nakilala. Yong isang kaba ko ay hindi ko maintindihan. Natatakot ako sa kanya dahil baka saktan niya lang ako na ang mga ito ay sa una lang at sa susunod na mga araw o buwan mga luha ko na ang makikita ko sa salamin at hikbi ko na ang maririnig sa bawat sulok ng aking silid. Gwapo siya kaya nakakakaba basta gwapo mahilig mangulekta ng babae yon ang malaking katotohanan. Katotohanan na alam na nating lahat na mga babae pero sumusubok pa rin tayo.
"Gusto mo bang e-make over kita?" tanong sa akin ni Paula na nakatingin sa akin sa salamin.
"Kailangan pa ba? Sa tingin ko di ko na kailangan kasi mas masaya ako sa simple lang." sagot ko naman. Talaga namang mas mas maganda tingnan ang babaeng walang design ang mukha ang pangit naman kasi pagmala China doll ang mukha katulad nalang yong sa iba kasi pagnaglalagay make up parang sasali sa baking competition lahat nalang ng kulay nasa mukha dahil sa ilang layer nang eye shadow.
"Pero mas gaganda kapa pagnaka-make up ka." giit niya.
"Sa Tingin ko at gusto ko ang walang make up. Baka mangati lang tong mukha ko't masisira lang ng mga beauty products na yan."
"Pero----ayoko." putol ko sa kanya.
"Whatever. wika niya sa akin sabay paikot ng kanyang mata. Napakamaldita talaga nito. Hindi ko nga matandaan kong bakit kaibigan ko siya.
"Ito lang ang tandaan mo Analia..pagsisihan mo ang hindi mo pagpayag sa gusto ko dahil maglalaway sa iba si Andro." wika niya sa akin sabay kuha ng dalawa niyang kamay na nakapatong sa magkabilang balikat ko. Pinaikot ko ang aking mga mata dahil sa kadramahan niya. Iba ako sa mga babaeng iyon at ayokong lumibel sa mga katulad nila. I want this and I love being this. This is me and I'm not proud myself to be a new being. I am proud to myself. This is mine all mine.
Humarap ako sa kanya at nagsalita. "Hindi ko ito pagsisisihan. Kong gusto niya ng mga cheap doon siya at kong gusto niya ng pure and classy sa akin siya." malakas ang loob kong wika kay Paula saka ngumiti.
"Wow ha..gandang-ganda ka sa sarili mo, ha." aniya sa akin.
"Naman." wika ko sabay flip ng aking buhok. "I am beautiful and contented." ani ko pa sa kanya na nagpaangat ng kanyang kaliwang kilay. Taray mo besh.
___
"Bakit nandito ka sa bahay ko? Paano mo nalaman kong saan ako nakatira? Paano ka nakapunta dito? Sunud-sunod kong tanong sa kanya ng mapagbuksan ko siya ng pinto dahil sa sunud sunod na katok kaya nagmamadali din akong buksan at mapagsino ang hinayupak na kumakatok. Alas nueve na ng gabi at kakauwi ko lang galing sa mall. 'Paano kaya niya nalaman ang bahay ko?' Kunot ang noong naghihintay ako sa isasagot niya sa mga tanong ko sa kanya.
"Hoy, bakit ka nandito sa pamamahay ko? untag ko sa kanya dahil nakatingin lang siya sa akin ng matiim. Napakurap siya ng ilang beses ng itinaas ko ang kaliwa kong kamay at ikinaway ito sa kanyang sentro sa mga mata niya.
"Buhay ka naman pala e." wika ko sa kanya ng umiba ito ng position, ngayon nasa kaliwa na niyang paa ang kanyang buong bigat.
"Ah-ahm. Saan ka nanggaling?" tanong niya sa akin.
O, bakit ganon ang tanong niya sa akin? Dapat sagutin niya ang tanong ko sa kanya. Nalakainis naman oh. Nameywang akong tinaasan siya ng noo at walang pakialam sa kanyang tanong sa akin.
"Saan ka nanggaling?" Ulit niyang tanong sa akin. At galit? Anong nangyari sa lalaking ito?
"Mali yata a. Dapat ang tanong ko ang sagutin mo una dahil nauna akong magtanong sayo." wika ko na nakapameywang parin. Paano ka nakapunta dito?"
"Sumakay. Alangan namang maglakad o lilipad." pabalang niyang sagot sa akin at saka pumasok sa loob ng bahay ko ng walang pasabi at ang loko tinabig lang ako di man lang nag-excuse. Hinarap ko siya at sa pagkakataong ito galit na ako.
"Labas." utos ko sa kanya.
"Ayoko. Di mo pa nga sinasagot ang tanong ko kanina pa. Saan ka galing?
"At bakit ka nagtatanong ano ba kita?"
"Saan ka nanggaling?" paulit-ulit nitong tanong sa akin na mas lalo pang sumeryoso ang pagmumukha nitong nakatingin sa akin.
"Naghanap ng asawa. Masaya kana?"
.....
N/A
Hehe. Short update.

BINABASA MO ANG
HIS REVENGE (✓)
RomanceSi Alejandro "Andro" Zaragoza ay dapat ikakasal na kay Nathalie Shin ngunit sa kasamaang palad namatay siya dahil sa isang car accident at ang masaklap pa ay hindi niya napakulong ang nakapatay dito dahil sa ang fiancée daw niya ang may kasalanan, n...