CHAPTER 26
Agad akong pumasok sa aking silid at agad isinuot ang hikaw at agad kasunod naman ay ang kuwintas ng masuot ko agad kong itinaas ang aking buhok ang tinignan ng mabuti. Ang ganda. Ang ganda ganda kaso.. Kaso, ang puso ko ay hindi maganda. Gaano man kamahal at kaganda ang nakapalibot sa akin pati na ang mga sinusuot ko hindi parin mawawala at hindi parin maitatago na hindi ako masaya na hindi ako kuntento kong ano ang meron ako dahil kulang ito. Napakakulang dahil magpahanggang ngayon Hindi pa rin ako mahal ni Alejandro at magpahanggang ngayon galit parin siya sa akin at sa ngayon ay niloloko pa niya ako. Masakit mam isipin ngunit ang katotohanan ay laging gumigising sa akin sa katotohanan na ni minsan hindi niya ako tanggap at ni katiting na pagmamahal ay hindi kayang ibigay sa akin, na magpahanggang ngayon ay sampid lang ako sa buhay niya, na pulubi lang ako para sa kanya. Pulubi na nanghihingi ng kanyang limos at yon ay ang pag-ibig niya na kahit ano pa ang gawin ko ay hindi ko makukuha at makakamtan. Hindi ko nga alam kong darating pa ba ang araw na hinihintay ko ang araw na suklian niya ang aking pag-ibig, pag-ibig na nilumot na sa kahihintay ng kanyang pagpapatawad, pagtanggap sa akin at ang mahalin pabalik kahit hindi niya matumbasan ang pagmamahal ko siya ay okay na. Pero, kailan kaya darating ang araw na iyon? Darating pa ba o umaasa parin ako sa wala at mamatay nalang na sawi sa pag-ibig?
Mahirap talaga ang buhay ng taong nadali ng one-sided love nasasaktan na nga pero nagmamahal parin. How sad.
Tinanggal ko na ang hikaw sa aking teynga at ibinalik ito sa malambot niyang lalagyan kasunod naman ay ang kuwintas na iningat-ingatan ko pa ng sobra sa pagkuha dahil masira ko mahal pa naman ito. Ibinalik ko ulit ito sa kinalalagyan nito at muling itinali ang ribbon ma kanina ay tinanggal ko ang pagkabuhol. Pagkatapos kong malagay ng maayos sa box ang jewelry agad kong binuksan ang aking drawer at maingat kong inilagay ko ito doon saka sinarado at umupo sa ibabaw ng kama kong nakatingin sa labas. Kitang-kita ko ang mataas na puno na may malalagong dahon at matitibay na mga sanga habang may dalawang ibong lumilipad ng paikot doon. Aiguro ag-asawa ang dalawang ibon na to kasi magnauna ang isa inaantay ang isa pa. Mabuti pa sila may masayang buhay malayong-malayo sa buhay ko ngayon. Napangiti ako ng bahagya ng makita kong marahang tinuka ng isang ibon ang isa pa ibig sabihin naglalambingan ang dalawa. Sana ibon nalang din ako at ng malimpad ko ang hinpapawid at madaling makahiling dahil malapit ito sa langit mas madaling marinig ang mga hinaing ko sa taas. Pero kahit papano..kahit gaano man kasakit o kahirap ng nararamdaman ko ngayon masaya pa rin ako dahil nandiyan parin siya sa tabi ko at nakakausap ko. Salamat Panginoon. Salamat sa mga blessings mo. I know there's always tomorrow.
____
Lumabas ako s aking silid ng kumatok si nanay Mildred dahil daw sa kailangan na naming iligpit ang mga pinagkainan at dapat na din kaming kumain agad naman akong sumunod sa kanya na may pekeng ngiti sa mga labi. Gusto kong ipakita sa kanila na kahit gaano man kahirap ng pang-araw araw ko kahit gaano man kasakit ang masaksihan ko gaano man kakirot sa puso ko hindi parin ako magpapagapi sa nararamdaman ko ng dahil lang sa sitwasyon ko ipakita ko sa kanila na gaano man sila kasama sa akin hindi pa rin ako susuko at tatayo nalang sa tabi at magmumunimuni. Ayokong magself pity dahil alam kong kawawa na ako. Mas marami pa ngang mas kawawa kesa akin kaya fight lang ako fight for the right at asawa ko si Alejandro.
"Anak, ayos kalang ba parang namumutla ka." puna sa akin ni nanay Mildred.
"Okay lang ako nanay, hindi na kasi ako nasikatan ng araw kaya namumutla ako." sagot ko naman sa kanya ang totoo ay masama nga ang pakiramdam lalong lalo na ang puso ko. Nadudurog at dinudurogrog araw araw ni Alejandro. Mariing tumingin sa akin si nanay Mildred at sinusuri ako kaya dahil don nagwacky nalang ako sa kanya na ikinatawa niya.
Hahaha.
"Ang pangit mo naman doon nak." ani niya sa akin habang tumatawa kay muli akong nagwacky sa harap niya sa pagkakataong ito ay with peace sign na habang pinaduling ko ang aking mga mata. Muling tumawa si nanay Mildred kaya napatawa na rin ako habang ponaduling ko parin ang aking mga mata palapit Kay nanay Mildred ang hindi ko lang napansin ay ang paglapit ni Alejandro na nakasaksi rin ng aking kabaliwan. Nakakahiya. Agad kong inayos ang aking mukha at umiwas ng tingin dito at para tuluyang makaiwas kinuha ko ang pitsel ng juice at tubig at dinala sa kusina narinig kong may sinabi si Alejandro Kay nanay pero hindi ko na ito narinig ng maayos kaya wala na akong paki doon. Inilapag ang dala dala kong pitsel sa lababo at nagsimula ng maghugas para pagkatapos namin dito ay makakain na rin kami.
_____
"Anak, sundan mo sila ni Alejandro at Agatha kong saan pupunta." utos sa akin ni nanay Mildred habang pilit akong tinutulak.
"Ayoko nanay. Ayoko ng madagdagan pa ang sakit na nararamdaman ko ngayon tama na muna to. Stop na muna ako sa magmurder ng sarili ko." ani ko Kay nanay Mildred na nagsimula ng umiyak sa kanya.
"Anak, bilisan mo na wala kasi akong tiwala sa babaeng yon." si nanay.
"Bakit po? Hanggang ngayon ba may tiwala parin kayo Kay Alejandro?" tila naaasar kong tanong Kay nanay dahilan para napatingin siya sa akin ng makahulugan sa akin. Magpahanggang sa ngayon may tiwala parin ito Kay Alejandro sabagau mas matagal silang nagsama tumagal siyang yaya at katulong sa pamamahaya na ito kaya ang kanyang tiwala ay Kay Alejandro parin. May magagawa ba ako, sa bago lang ako sa pamamahay na ito e.
"Huwag po kayong mag-alala nanay susundan ko sila sa kagustuhan niyo at mamurder-in ko na ng tuluyan ang puso ko baka naman magising na ako sa katotohanan." puno ng hinanakit kong wika kay nanay Mildred saka umalis ng walang paalam dito.
"Hindi---hindi naman sa ganon anak." narinig kong pahabol sa akin ni nanay Mildred. Pero ganon parin yon. Ganon pa rin. Masasaktan ako at iiyak sa tabi. Magapapasensiya dahil mahal mo siya. Kahit paulit-ulit nalang sige lang kasi nga mahal mo. Mahal mo siya pero sinuklian ba niya?
"Wake-up, Analia."
_____
Happy Undas Day...
este HAPPY VALENTINE'S DAY pala sa inyong lahat. Sana may mga partner kayo diyan at hindi nag-iisa. Sa mga single diyan magtirik na tayo ng kandila bawal ang magsuot ng pula dapat black dahil nagmomove on pa tayo. Charr. :D :D :D
=missing Valentina=

BINABASA MO ANG
HIS REVENGE (✓)
RomanceSi Alejandro "Andro" Zaragoza ay dapat ikakasal na kay Nathalie Shin ngunit sa kasamaang palad namatay siya dahil sa isang car accident at ang masaklap pa ay hindi niya napakulong ang nakapatay dito dahil sa ang fiancée daw niya ang may kasalanan, n...