LIA'S POV
"Umalis ka ng hinayupak ka sa harapan ko lalong-lalo na dito sa pamamahay ko dahil nakakairita ka sa susunod na gagawin mo pa iyon ipapatapon na talaga kita sa Iraq para mastranded ka sa maraming missiles doon at mamatay ka ng maaga para hindi na kita makita at hindi mo na magulo ang mundo ko." galit na galit kong wika sa kanya habang pilit ko siyang pinapaalis sa pamamahay ko. Hindi ko gusto ang ginawa niya kanina at alam ko sa bawat pagpakita ng lalaki sa babae ng ka sweet-an ay may kapalit. Kapalit na hindi mo makikita sa una kundi sa huli.
"Bakit hindi mo nalang ako itapon sa puso mo at ng matrap ako doon at matrap ka na rin sa buhay ko." wika naman ni Andro sa akin.
"Itrap kaya kita sa mouse trap at ng malaman at naramdaman mo kong ano ang nararamdaman ko ngayon." Loko-loko ka." wika kong halatang kinikilig.
"Natrap na nga kita sa puso ko tapos ako ipapatapon mo lang. Sayang naman ang effort at kiss ko." anito sa akin sabay kindat at pinamulahan naman ako ng sobra lalo nang ipinaalala niya ang nangyari kanina.
FLASHBACK
"Hoy lalaki anong drama ang ginawa mo kanina? Ha? Magkano ba ang talent fee ko doon at ng magkaalaman na. Ano 50/50 ba?" galit na galit kong tanong sa kanya habang siya ay ng ianyang nagmamaneho kotse.
"Sino ang nagsabing nagdadrama lang ako kanina? Ano palagay mo sa akin bayarang lalaki?" tanong niya sa akin.
"At ako anong tingin mo sa akin, yong ginawa mo kanina diba drama mo lang yon nakakainis ka." sita ko sa kanya.
"Mas nakakainis ka totoo na nga yong sa akin tapos sabihin mo lang na nagdadrama ako? Kailan lang ba naging joke Ang magpropose sa babaeng gusto mo?"
"At gusto mo lang. Bakit? Gaano ba ka totoo yong sinasabi mo?"
"Seryoso nga talaga ako. Bakit sinabi ko ba sayong pakasalan kita ng lokohan lang?" Ngayon lang naman ako naging totoo sa sarili ko."
"Totoo? Hindi kaya naglalaro ka Lang?"
"Hindi ba ako mapagkatiwalaan?"
"Hindi naman sa ganon."
"Ganon naman pala e. So, maghanda ka na at sa pangalawang linggo na ang kasal natin."
"Ano?? gulat na tanong ko sa kanya habang siya ay nakapokus lang sa pagmamaneho at hindi man lang ako tinignan.
" Anong sabi mo?'" tanong ko sa kanya ulit dahil hindi siya nagsalita.
"Sabi ko two weeks from now ikakasal na tayo." wika niya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko. Seryoso ba siya?
"Wait. Seryoso kaba diyan? Hindi ako pwede. Hindi pa ako handa." wika ko sa kanya.
"E sa ako handa na. My decision is final. No buts, no ifs. Okay?"
"No!" malakas kong tutol sa kanya.
"Yes.
" No.
"Yes.
" N-
"Isa pang no at may mangyayari sayo." pagbabanta niya sa akin.
"Bakit hindi mo tanggapin na hindi ako papakasal sayo." malakas kong wika sa kanya. "Kaya n- hindi ko na natapos ang iba ko pang sasabihin ng bigla nalang huminto ang kotse ng walang pasabi kaya muntik ng mangodgod ang pagmumukha ko sa dash board.
"What the h- at hindi ko na natapos ang mga sasabihin ko dahil sa bigla nalang may sumakop sa mga labi ko.
"Wait. Labi ko? Oh no! He kiss me!' he kiss me!.. sigaw ko sa utak ko pilit na lumayo ngunit ang dalawang kamay ni Andro ay nakahawak sa magkabila kong pisngi hanggang sa naramdaman ko na ang kaliwang kamay niya ay nakasuporta na sa likod ng aking ulo dahila para hindi ako makagalaw.
Mabilis at marahas nong una ngunit ng tumigil na ako sa pagpupumilit na lumayo sa kanya nagbago din ang paraan niya sa paghalik sa akin mula sa marahas hanggang sa naging dahan dahan at naramdaman ko nalang Ang sarili kong nadarang sa kanyang ginagawa.
'Ang tamis ng labi niya. Bakit ganito kasarap ang first kiss? Kong alam ko lang na ganito pala kasarap ang kiss di sana dati nagpahalik ako ng nagpahalik sa unang boyfriend ko. Baka ako pa ang nag-initiate if ever." wika ko sa aking sarili saka nagpaubaya nalang at ninanamnam ang tamis at sarap sa unang halik. Nagkaboyfriend nga ako dati kaso hiniwalyan naman ako dahil no kiss no touch ako hanggang yakapan at holding hands lang kasi dahil ayaw maiwan sa college at maiwan nalang sa bahay para mag-alaga ng anak. At ngayong I am surrendering.
Surrendering it means a lot.
"Heart to soul."
End of flashback
"So. Papakasal ka ba sa akin?" nagyayabang niyang tanong sa akin bagkus alam niyang papayag na ako. Sumimangot muna ako bago sumagot.
"Oo." What? I said yes? Omo. I'm saying yes. I'm going to leave my single life after two weeks. Huhuhu.
"Salamat naman at namulat mo na yang mga mata mo na ako lang ang bagay sayo. Tss." wika niya sa akin sabay pitik ng aking noo. Nasapo ko nalang ng wala sa oras ang noo kong pinitik niya alam kong namumula ito dahil sa medyo sensitive ang balat ko.
"Namumuro kana sa akin Alejandro." halos pasigaw kong wika sa kanya habang hawak hawak ko parin ang aking noo. Inirapan ko siya at tatalikod na sana ng bigla niya nalang ako hinatak at niyakap ng mahigpit. Masyadong mahigpit na halos hindi na ako makahinga ng maayos.
"Andro, I can't breath." reklamo ko sa kanya habang sinusubukan kong itulak siya.
"Andro." tawag ko ulit aa kanya dahil parang hindi niya ako narinig.
"Humanda ka pagkatapos ng ating kasal." bulong niya sa akin na nagpatayo ng mga balahibo ko sa buo kong katawan. Nakakatakot kasi ang pagkasabi niya. Parang nagbabanta. Basta. Ewan ko. Basta kinabahan nalang ako bigla. At pagkasabi niya ng mga salitang yon unti-unti na niya akong binitiwan. At sa wakas nakahinga rin ako ng mabuti. Napahawak ako sa aking dibdib at minasahe ito ng mahina habang unti-unti ng bumabalik sa dati ang aking paghinga at ng makabawi na ako kaagad kong binatukan si Alejandro.
"Papatayin mo ba ako?" inis kong tanong sa kanya habang nakatingin sa kanyang mga mata.
"Oo." mabilis niyang sagot at may galit akong nababahiran dito ngunit ang bilis niyang magbago ng ekapresiyon kaya hindi ko masabi kong totoo ang nakita ko o hindi. -sa pagmamahal." dugtong niya saka siya umalis sa aking harapan at lumapit na sa pintuan. Lalayasan na ako after akong mapa-oo. Unfair.

BINABASA MO ANG
HIS REVENGE (✓)
RomanceSi Alejandro "Andro" Zaragoza ay dapat ikakasal na kay Nathalie Shin ngunit sa kasamaang palad namatay siya dahil sa isang car accident at ang masaklap pa ay hindi niya napakulong ang nakapatay dito dahil sa ang fiancée daw niya ang may kasalanan, n...