Deciseis

85 5 2
                                    

CHAPTER 16

HAPPY NEW YEAR SA INYONG LAHAT mga VALENTINA'S and VALENTINO. Mag-ingat PO kayo palagi at sana magtatapos ang inyong taon na puno ng pagmamahal, may pagpapatawaran, at may pag-iintindihan sa isa't-isa. At saka binabati ko pala ang pinakacrush kong koreano sa buong mundo, KIM TAE HYUNG, Happy Birthday. 🎂 Isa ka sa mga ibsoirasiyon ko sa buhay at lalo na sa pagmomove on makita ko lang ang ngiti mo sa picture ngumingiti na rin ako. I hope you reach your goal in life. Saranghe.😘😘

Hindi ko inaasahan ang umagang ito. Nagulat talaga ako ng biglang mag-announce si Alejandro na ililipat niya si Melanie sa kanyang condo sa Quezon. Kay aga aga pero ganitong balita kaagad ang nabungaran ko. Pero okay lang naman dahil kaya ko namang magtrabaho sa loob ng bahay halos buong buhay ako lang mag-isa ang namumuhay dahil nga sa delivery truck driver ang tatay ko kaya wala siya palagi sa bahay kong christmas o new year lang kami magkakasama minsan lang sa birthday kong magkakasama kami ni tatay kaya okay na ako kahit anong trabaho pa yan ay kaya ko.

Tumingin ako kay Alejandro ngunit isang malaking irap lang ang nakuha ko sa kanya kasabay ng kanyang pag-ismid ngunit hindi ko iyon ginantihan ng irap din bagkus matamis na ngiti ang ibinalik ko sa kanya.

'I am brave and I have patience." ani ko sa sarili ko saka humugot ng malalim na hininga saka bumuha ng hangin.

"Starting today you two-turo sa akin at kay nanay Mildred ni Alejandro- the one who clean this house." anito.

"You." turo sa akin ni Alejandro. "Clean the house. Gusto kong malinis na malinis ang bahay hindi parang bahay ng mga ipis at gagamba." wika niya sa akin.

"Pagmay nakita akong dumi ipapaulit ko sayo ang lahat." dugtong pa niyang wika sa akin.

"Opo." sagot ko naman na punung-puno ng energy at napatingin siya sa akin ng masama sabay pinandilatan ako.

"Sinabi ko bang magsasalita ka?" tanong niya sa akin na ang sama ng tingin magsasalita na sana ako ng bigla niya nalang tinakpan ang aking bibig.

"Hindi ko sinabing magsalita ka napakabobo mo talaga." ani niya sa akin sabay kuha ng kanyang kamay na nakatakip sa aking bibig habang tinulak niya ako ng bahagya. Tiningnan ko siya ng malungkot noong una ngunit pilit ko itong pinasigla dahil sa kahit ganito ang lalaking nasa harap ko mahal ko siya. Asawa ko siya, pinakasalan ko siya at pinangakuan.

Ako yong taong hindi tumatalikod sa pangako pero ang tanong hanggang kailan ako hahawak sa pangakong iyon. Paano kong darating ang araw na bibigay na talaga si Alejandro at papakawalan o papalayasin na niya ako sa pamamahay na ito at tuluyang alisin sa buhay niya? Saan ako pupunta? Kakayanin ko ba? Ano ang magagawa ko? Ano ang gagawin ko? Paano na ang pangako namin sa altar? Paano na ang pangako ko sa kanya at sa sarili ko na magsasama kami ng panghabangbuhay. Hindi ko inaasahan na mangyayari ang ganito sa akin kaya hindi ako ready at wala alam na solusiyon o gawin. Ang diyos na ang bahala sa akin at sa bukas dahil hindi ko hawak ang panyayari at mangyayari ang tanging hiling ko lang sana hindi na kami aabot sa hiwalayan. Mag-aaway lang sana kami pero hindi maghihiwalay.

_____

"Nanay Mildred ako nalang po ang maglilinis ng buong bahay." wika ko kay nanay Mildred habang busy ito sa pamamalantsa.

"Ay naku anak ako nalang." sagot naman sa akin ni nanay na itinigil ang pagpaplantsa at tumingin sa akin.

"Asawa ka ng boss ko kahit galit siya sayo. Hindi naman ako sang-ayon sa mga pinaggagawa niya sayo." anang matanda na nagpalitaw ng mga luha ko sa aking mga mata. Tss. Bakit pa ba kasi binanggit yon ni nanay Mildred alam naman niyang mahina ang puso ko kapag napag-usapan ang ganyan. Kumurap-kurap ako ng tatlong beses bago sumagot kay nanay.

"Change topic po tayo nanay. Maglilinis na po ako tapos ikaw naman ay tapusin mi nalang yan at ako nalang din ang magsasalang ng mga maruruming damit ni Alejandro mamaya sa washing machine." wika ko sabay talikod ngunit bago pa man ako nakaalis ng tuluyan ay may pahabol pa si nanay Mildred sa akin.

"Bawal kang pumasok sa kuwarto ni Alejandro, yan ang pinakabilin niya sa akin." wika ng matanda na siyang nagpalungkot lalo sa akin. Ikinompos ko ng mabuti ang aking sarili bago lumingon kay nanay Mildred ayokong paapekto sa sinabi niya pero alam ko naman din na alam niyang nasasaktan ako.

"Copy." wika ko sa kanya na nakangiti pero hindi ang aking mga mata.

"Malalampasan mo rin ito nak. Tiwala lang." wika sa akin ni nanay Mildred kaya nilingon ko siya ulit at muling ngumiti na may halong pait at nagsalita.

"Diyoa na po ang bahala nanay. Alam kong hindi niya ako pababayaan dahil mahal niya ako." sagot ko kay nanay.

"Believe din ako sa iyo anak.-nakangiting wika na siya akin na may halong lungkot ang boses-hayaan mo nak darating din ang araw naanaarerealize niya ang mga pinagagawa niya sayo sana naman ay hindi na huli ang lahat." ani niya sa akin.

"Huwag kang mag-alala nay, pipilitin kong intindihin siya at hahabaan ko pa ang pasensiya ko para sa kanya." sagot ko naman kay nanay.

"Basta nak, antayin mo lang ang alaga ko ha, medyo nadala lang siya sa galit niya sa ama mo pero darating din ang araw na liligaya kayo pareho. Mabait ang batang yan anak, huwag mo lang hayaa ang sarili mong mabulag sa mga pinapakita niya sayo lawakan mo pa ang iyong pag-uunawa at pag-iintindi dahil sa katagalan makikita mo rin ang laman ng kanyang puso." mahabang wika sa akin ni nanay Mildred at nagpapasalamat ako dahil sa kanyang mga advice na nagbibigay lakas sa akin at sana nga hindi ako mawalan ng pag-asa at sumuko nalang.

"Opo nanay. Gabayan niyo lang po ako nanay at ng magawa ko ang tama at ng maitama ko ang lahat-lahat sa amin."

"Aasahan mong nasa tabi niyo ako palagi mga anak. Kahit hindi ko anak ang batang yan pero mahal ko yan at makulit yan." wika sa akin ni nanay Mildred na nakangiti kaya napangiti nalang din ako.

HAPPY BORN DAY KIM TAEHYUNG.😘😘💝

    HIS REVENGE  (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon