CHAPTER 31
Nalate ako ng gising pagtingin ko sa wall clock alas nueve na pala ako ng umaga kaya mabilis akong bumangon sa pagkakahiga at dumiretso na sa shower hindi ko akalain na malelate ako ng gising kadalasan seven ng maaga ako nagigising pero ngayong 9 na, naparasarap ang tulog ko siguro dahil sa medyo gumaan na ang pakiramdam ko at dahil siguro sa mga desisyon kong napagtanto kagabi may kailangang bitawan at may kailangang ipaglaban mahirap man mamili pero dapat ay yong tama. Masakit man pero kailangan ng itama.
Pinatay ko na ang shower at agad pinunasan ng puting towel ang aking katawan at isa-isang nagsuot na ng panty at bra pagkatapos pinulupot ko ang isa pang towel sa katawan ko at lumabas na ng banyo. Pagkalabas ko humarap ako sa salamin at minasdan ng mabuti ang aking mukha. Tinignan ko ang kunot sa aking noo na may dalawang linya dahil sa stress at ang mga mata kong nasasaktan ngunit pilit ko itong itinatago ngayon masasabi ko sa sarili ko na magaling akong actress I can even portray a dual role yong baliw ang isa at ang isa ay mabait. Napangiti ako sa aking naisip ngunit kahit ano pang ngiti ipapakita ko sa lahat ng tao alam ko sa sarili ko hindi iyon totoo dahil ang isang Analia Perez ay tuluyang ng binago ng karanasan na pait ng sakit.
Binuksan ko ang drawer ko at ng makita ko ang lipstick kong hindi ko pa nagagamit pa wala sa sariling kinuha ko ito at tinignang mabuti mayamaya ay binuksan ko ito at inilapit sa labi ko hanggang sa nakita ko nalang ang sarili ko sa salamin na may make-up ng manipis lang. Napangiti ako ng bahagya sabay bulong sa hangin..
"There's a light behind the dark"
Hinalungkat ko ang aking gamit sa drawer hanggang sa makita ko ang hair dryer ko na nakabalot parin na nasa loob pa ng karton. Binuksan ko ang karton at kinuha ito at ini-plug hinugot ko ang upuan at umupo ng maayos at pinatuyo ang aking buhok gamit ang hair dryer. Natagalan ako sa pagblower ng aking buhok kaya alas 10 na akong nakatapos at wala akong pakialam doon nasa baba na sigurado si nanay Mildred kaya bahala muna siya doon. Tumayo ako at binuksan ang aking kabinet at naghagilap ng maisusuot kinuha ko ang aking boho at isinuot ito at muling humarap sa salamin ng makita ko ang aking hitsura sa salamin ay napangiti ako..bagay sa akin ang aking suot pati ang kulay mas lalong nagpakinis sa aking natural na balat. Umikot ako sa salamin tayming din ang pagbukas ng pinto na ikinagulat ko at itong si ate niyo ay nakamulat ang mata sabay ng napanganga ng makitang hot na hot sa suot niya si Alejandro. What? Wait..kinurap-kurap ko ang aking mga mata para makasiguro kong siya nga ang nasa pintuan ko sa tagal ng pagsasama namin may panglimang beses niya palang itong pumunta sa kuwarto ay sa pintuan lang pala. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa na siya rin ang paggaya ko sa kanya tinignan ko rin ang sarili ko bago tumingin sa kanya habang ang mukha nito parang wala lang.
" Hello tao ako..wala man lang bang compliment diyan. Tsk. Wala nga talaga. Sabi ko nga e, wala." ani ko sa sarili ko.
"Bakit po sir?" mahinahon kong tanong Kay Alejandro.
"Mabuti naman at nakabihis kana nandito ang mga kaibigan ko kailangan mo ng lumabas diyan dahil hindi ka reyna para antayin." ani niya sa akin sabay talikod ngunit pinigilan ko.
"What? May bisita ka? Dapat dito nalang ako." ani ko.
"Sina Daniel kasama ang girlfriend nila." walang buhay na wika nito sa akin.
"Pero kaibigan mo siya Hindi sa akin." reklamo ko sa kanya.
"Lalabas ka o ibalibag kita palabas?" banta niya sa akin.
"Lalabas at haharap ako sa kanila habang ang nasa isip nila ay kong kamusta na ang babaeng pinaparusahan mo? Kong ano na ako ngayon na kasama ka?" sagot ko naman sa kanya. Galit na galit siyang tumingin sa akin habang nagtitimpi.
"Pagka-alis ko dapat sumunod ka." ani niya sa akin na may babala ang boses.
"Napakamanhid mo talaga." wika ko sa kanya sabay sara ng pinto sa pagmumukha niya. Nakatayo lang ako ngayon habang nakaharap sa pinto habang ang mga luha ko ay nagsiunahan ng tumulo. Nahihiya akong humarap sa mga kaibigan niya dahil alam ng mga ito ang paghihiganti sa akin ni Alejandro sila pa nga ang magkakakuntsaba e.
'Bakit sila nandito para usisain ang kalagayan ko? Para makita nila kong gaano na akong nahihirapan sa piling ni Alejandro o gusto nilang alamin kong mananatili pa ba ako sa bahay na ito o lalayo na?'
Pinunasan ko ang mga luhang tumutulo sa aking mga mata at hinarap uli ang salamin kailangan kong mag-ayos baka kong ano pa ang gagawin sa akin ni Alejandro kapag natagalan ako dito. Kinuha ko ang aking brush at pinaraanan ng tatlong beses ang aking mukha at muling tinignan ang sarili para makita kong pantay na ba o hindi at ng makita kong okay na kinuha ko ang aking hair brush at pinaraanan ang aking buhok at ng matapos sinuot ko ang aking flat sandal at lumabas na sa aking kuwarto. Nasa hagdan na ako ng masalubong ko si Alejandro sa ikalawang baitang ng hagdan habang napipikon ang mukha tumigil ako sa harap niya at magtatanong sana ngunit kinuha niya ang kamay ko at mabilis kaming bumaba ng hagdan diretso sa kusina. Pagdating naming dalawa doon ay nakita ko ang dalawa niyang kaibigan na simple lang ang suot at ang dalawang babaeng parehong nakadress yong isa ay black dress at yong isa naman ay neon.
"Oh my gawsh. Kailan lang ba nalipat ang traffic enforcer sa bahay na to? Hindi ba niya nakita na masakit sa mata ang damit niyang suot?" Tsk.
Tahimik lang akong lumapit sa kanila at umupo sa tabi ni Daniel. I know Daniel is a good person siya pa nga minsan ang nagpapatawa sa akin in secret way. Lumingon sa akin si Daniel at ngumiti ng tipid habang ang mga mata nito ay dumiretso kay Alejandro. Alam kong nag-uusap na sila sa pamamagitan ng kanilang mga mata. Nahihiya na tuloy ako ngayon napatingin ako sa direksiyon ni Alejandro at nakita ko ang pagkunot ng noo nito sa akin sabay senyas ng "dito ka umupo sa tabi ko" napatingin ako sa apat a nilalang na kasama namin sa mesa na nakatingin pala sa akin at kay Alejandro. Lintik na lalaki to nagdadrama na naman ano naman kaya ang niluluto ng isip nito? Humanda kana lang Analia Perez dahil baka mamaya napapahiya ka na. Pinapahiya ka na ng lalaking pinakasalan mo. Tumayo ako at lumipat ng ulo sa tabi nito at ng nakaupo na ako nagulat ako sa ginawa ni Alejandro nilagyan niya ng kanin at ulam ang pinggan ko.
"Ito na ba ang panimula niya para mapahiya ako o may kapalit ito mamaya?" natapos ng lagyan ni Alejandro ang pinggan ko pero nakatingin parin ako sa kanya na siyang ikinatawa ng lahat sa akin hayan tuloy namula ang mukha ko.
"Hanggang ngayon ba ay kinikilig ka parin sa kanya?" anang babae.

BINABASA MO ANG
HIS REVENGE (✓)
RomanceSi Alejandro "Andro" Zaragoza ay dapat ikakasal na kay Nathalie Shin ngunit sa kasamaang palad namatay siya dahil sa isang car accident at ang masaklap pa ay hindi niya napakulong ang nakapatay dito dahil sa ang fiancée daw niya ang may kasalanan, n...